Chapter 13- Im home

2.3K 66 1
                                    

Butter and Jelly -- Chapter 13: The meet up


Butter

Nagising ako sa ingay sa baba at hindi ko alam kung pusa lang yun o tao. Tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Umaga na pala, another day. Napabuntong hininga naman ako, at bumangon na.

Nang biglang bumukas ang pinto.

"Baby surprise! I'm home."

Pumunta naman ako sa direksyon niya at yinakap ko si Jillian, hindi ko ba maintindihan pero bakit ko to ginagawa? Sabi ni Jillian maghihintay siya hanggang kahit kailan basta mahalin ko lang siya.

Pero sobrang hirap hindi ko magawa, I admit pareho sila ng mukha ni Jelly pero kay Jelly ko lang nararamdaman ang pakiramdam ng masaya.

"Baby okay ka lang?" Tumingin naman ako dito at bakas sa mukha nito ang sobrang saya.

Ang hirap naman saktan ng taong to.

"I'm fine, date tayo."

"Sure. Bihis kana." Hinalikan lang ako nito sa noo at umalis na, and I was left there in the room with my deep thoughts.

Jelly

"Jelly Ayumi Jung pag ito talaga pumalpak nako! Lagot talaga ako hindi ko pa naman alam kung anong gagawin ko."

"Hoy Louise wag ka nang umarte jan!" Inirapan lang talaga ako, ako na nga ang good Samaritan na tumulong sa kanya.

Nandito kami ngayon sa sala at natatawa naman ako sa mukha ni Louise parang sasabak sa isang matinding challenge eh, her job is just to act like herself. Baliw na talagan ang babaeng ito parang teenager kung umasta.

Bigla naman may nagdoorbell kaya pinuntahan ko na ang maindoor ng bahay at nakita ko na ang tatlo kong big sisters Chloe, Heather and Jane.

"Hoy ikaw little sis, bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin? Pati si Jillian hindi alam kung nasaan ka." Si Chloe talaga para naman akong bata.

"Kaya nga ikaw talaga pasaway ka." Aray ko shit kinurot ako ni Jane sa singit.

"Jane ang manyak mo pa rin, virgin pa ako pwede ba." Natawa naman silang tatlo sa sinabi ko pero pokerface lang ako.

"Oo na di na kailangan ipagkalat!" Sabi naman ni Heather na mas lalo kong ikinainis.

"Ewan ko sayo Heather, pero naalala niyo naman siya diba?" Turo ko naman kay Louise na hindi makatitig sa kanilang tatlo.

"Oh yeah naalala ko siya. Kayo pa ba?" At nagulat naman ako sa biglaang pag akbay niya kay Louise.

"Never naman naging kami." At nagkatitigan pa silang dalawa. Ang landi ni Louise promise.

Lumabas na agad kami ng bahay at sumakay na kanya kanyang kotse at nag sabi nalang na magkita sa Parkinson's mall.

Parkinson's Mall 1pm

Bumababa na ako sa sasakyan ko at nakita ang apat na naghihintay sa akin sa may entrance, kung makaakbay naman si Heather kay Louise parang hindi na ito bibitawan.

At nagulat naman ako kay Jane kasi kanina nakangiti ito pero ngayon hindi na maidrawing ang mukha. Siguro may nangyari lang.

Nasa unahan kami nila Chloe at Jane habang nasa likod naman namin si Heather at Louise, tila may sariling mundo. Naglibot lang kami at naglibot sa kabuuan ng mall bagong bukas kasi, I wanna buy something pero mamaya nalang siguro.

What happened in Beihone [ under revision ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon