EPILOGUE

4K 88 5
                                    

BUTTER AND JELLY – EPILOGUE 


Butter

Nakabalik na kami ng pilipinas ng ligtas at maayos. Marami na rin pala ang nagbago rito, sa kada taon na hinihiling ko na sana makasama ko si Jelly ay nangyari na. Dahil magkasama na nga kami sa iisang bahay. Akala ko noon isang panaginip lang ang magustuhan ka ng isang Jelly Jung, pero hindi pala. Weird things could happen.

Sobrang saya ko na sa sobrang saya ko masisira na yata ang cheekbones ko sa ngiti kong abot tenga. Pero hindi lang yan kasama ko rin ngayon ang isang tao na abot tenga rin ang ngiti, naglalagay ng decorations dito sa bahay namin.

Sa mga magulang ko gusto ko lang sa kanilang magpasalamat, sa lahat ng mga sinabi nila sa akin ay naiintindihan ko na ngayon. Ganito pala ang pakiramdam kapag naging sobrang saya mo na, hindi na importante pa ang iba basta nandito lang ang makakapagpasaya sayo.

Si Jillian? Ipinagamot siya sa isang sikat at magaling na psychologist sa Korea doon siya binabantayan ni Nana at ni Keila, narinig ko nga sa balita na matagal na palang may crush si Keila kay Jillian and hopefully pag gumaling na ito ay baka pwede na daw sila. Tawa naman ako ng tawa sa mga videocalls namin kasi kinikilig daw siya kapag may hug at kiss siya kay Jillian. She even sent me pics of them together kaya hindi ko maiwasang hind imaging masaya.

It has been rough for me and Jillian, lahat nang ginawa niya ay naging scar na sa buhay ko na kahi kailan man ay hindi ko makakalimutan. Pero kung ang diyos nga nakakapagpatawad, ano pa ba ako na tao lang hindi ba?

Pinatawad ko na siya kasi wala rin namang saysay kung magagalit pa ako.

Si Heather naman at Jane ay nagpakasal na hinadlangan man sila ng parents ni Jane pero in the end wala rin naman silang nagawa, dahil napatunayan ni Heather na mahal na mahal niya si Jane sa parents nito, at ipinakita rin naman ni Jane kung gaano niya kamahal si Heather. Mahirap daw sa parents ni Jane na tanggapin pero sino pa ba ang tatanggap sa kanya kundi ang pamilya niya.

Masaya ako para sa kanila, dahil finally pagkatapos nila akong makuha kay Jillian ay natuloy na ang kasal nila. Ngayon nga eh nag hahoneymoon pa sila sa Paris at sabi nila na magkitakita daw kami. Bagay na bagay nga sila dahil lagi nila akong inaasar. Aish!

Si Louise naman, I admit na nagalit ako sa kanya noon pero pinatawad ko na rin siya. Iniipit lang pala siya ni Jillian noon dahil sa sitwasyon niya sa papa niya. Hindi niya naman gusto na agawin sa akin si Jelly dahil alam niyang masaya kami sa isa't isa.

Sa ngayon ay magpapakasal na siya kay Frances isang Prime minister. Isa daw ito sa mga pangarap niya, sabi pa nga niya sa amin na magiging sobrang proud ang papa niya dahil may magaalaga na daw sa kanya habang buhay.

Si Chloe naman ay naging isang model na, isa siyang in demand model sa buong bansa. Dahil sa taglay na charisma niya, yun ang sabi niya sa amin. Halos lahat ng billboard at sa mga malls siya ang nakikita ko. Sabi niya sa amin pumunta lang daw kami doon kapag namimiss na namin siya.

Si Sheryl naman ay syempre nagtake over sa business ng pamilya niya kaya isa siya sa mga hinahangaan na bachelorette dito sa pilipinas, masaya rin siya sa boyfriend niya na si David na isa ring business man. Sabi nga niya na kapag bumalik daw siya rito ipapakilala daw niya sa amin.

At ako? Alam niyo ba kung anong nangyari sa akin after nilang makuha lahat ang inaasam nila na masaya na ending. Ako din nakuha ko na rin sa wakas, sa piling ng isang babaeng chinita na maputi at sobrang arte kung kumilos pero nagiging gangster pag may umaapi na sa akin.

What happened in Beihone [ under revision ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon