Carbon Dioxide [one shot]

201 8 11
                                    

a/n: ang kakornihang ito ay dulot lang ng aking kabaliwan.

credits and copyrights to my classmates.

p.s. sa mga nakakakilala sa akin at sa nagsabi ng carbon dioxide chuva chuva, walang malisya ha. XD

-----------------------

"Hoy, classmates, nasa faculty daw yung bagong teacher!"

"Tara tignan natin!"

"Maganda ba?"

"Sexy ba?"

"Shungeks! May asawa na nga ata yun eh!"

Nagkakagulo sa classroom namin. Dumating na daw kasi yung bagong teacher eh.

As usual, umaatake na naman ang pagiging manyak ng mga kaklase ko.

"Hoy! Sinong may sabing magkagulo kayo ha?! Upo!"

Tsk, ayan na namang class president na yan. Akala mo kung sino!

"Hoy Ella! bakit hindi ka pa rin naglilinis ha?! di ba ikaw ang cleaner ng classroom ngayon?!Ang dumi dumi ng classroom hindi mo man lang malinis!"

And that's my que.

At syempre kung gaano kalakas ang bunganga ni inchou (class president), hindi ako magpapatalo!

"Hai hai inchou! ang ingay ingay mo alam mo yun? nakakasira ka ng araw!"

Tumahimik bigla ang classroom,

Hindi na bago sa kanila ang ganitong scenario.

Sa araw-araw atang ginawa ng Dyos, lagi na lang kaming nag away.

Kinuha ko yung basahan at lumabas na ako ng classroom.

Binasa ko yung basahan at...

Teka, kunwari si inchou 'tong basahan. Ang sarap nyang sakalin at torturin at murderin at...

"Ano ba Ella! bilisan mo na nga dyan! malapit ng magstart ang klase hindi ka pa rin nakakapaglinis!" 

Oo, si inchou na naman, tae.

Umalis na sya pagkatapos nun.

Bumalik na rin ako sa classroom. Baka makapag-water bending pa ako sa sobrang galit.

At ayun, sinira na nga ni inchou ang buong araw ko.

"Hoy Ella, marunong ka ba talagang mag-walis ha?!"

"Hoy Ella, ang dumi pa nito o, ulitin mo nga!"

Hoy Ella blah blah blah yada yada yada!!!

Arrgg! Nakakainis talaga yung inchou na yan! Kung hindi ko lang talaga ---

"Yohoo! Miss!"

Bumalik ang lumilipad kong utak sa katawang lupa ko.

"Ako?" -sabi ko habang nakaturo ako sa sarili ko.

"Yes you.Please introduce yourself using a scientific term."

"Ah, uh, I'm Ella ****** and like the scientific term -----"

"Okay thank you uhh, Ella. How about you miss?"

Ay, bastusan.

At yun kung anu ano nang kalokohan ng mga kaklase ko ang sumunod. Yung iba, reflection, may refraction, may mga comets, earthquake, tsunami, at decibel.

"And lastly, you mister."

Tumayo si inchou.

"The name's Lance. And I'm like the carbon dioxide. why? because I contribute to the global warming of the Earth"

Psh, anong pinaparating mo inchou? na hot ka? asa dude, ASA!

That afternoon hindi ko inaasahan na minsan, may advantage pa rin ang pagiging cleaner.

Habang naglilinis ako biglang dumating si inchou.

"Ano ba yan, hindi ka pa rin tapos? ang bagal mo talaga kahit kelan!"

"Why do you care mr. carbon dioxide?!"

"Ella, earthquake ka ba?"

"Tae, pati ba naman ikaw inchou, nagiging corny na?!"

"Kasi you turn my world upside down." 

Ano bang kalokohan 'to?!

"Ella, oxygen ka ba?"

"Ano ba, kung gusto mong mantrip maghanap ka ng iba wag ako yu---"

"Kasi I can't live without you. Ella, carbon dioxide ka ba?"

"Ano ba sabi nang wa---"

"Kasi, you take my breath away. isa pa, bagay tayo, mrs. carbon dioxide. Ella, mahal kita, at alam kong mahal mo din ako, tama?"

Tama.

=END=

--------------------------------

a/n: salamat sa pagbabasa! ^_____^ God Bless, keep smiling ;))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carbon Dioxide [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon