A/N:
1⃣4⃣ : First.
Nagising ako sa malalakas na katok. “Hmmm.” Ungol ko. At kumawala sa yakap ni Kim. Yes, nakayakap sa akin si Kim, bati na kaming dalawa.
“Kim, gising na aalis pa tayo!” Saad ko at tinapik ko siya tapos bigla niya akong hinalikan. May nangyari sa amin, yeah I gave it to him. He’s my first.
Tumayo na ako at binalot ko ang katawan ko ng kumot at pinulot ang mga damit ko. “Magbibihis kana?” Tanong niya sa akin, Malamang alang alang ibabalandra ko sa kanya ang katawan ko.
“Yeah, Ikaw rin aalis pa tayo baka kanina pa naghihintay sina Tita!” Saad ko sa kanya at tumakbo na sa banyo at nagumpisang maligo.
Tama bang binigay ko sa kanya? Papanagutan kaya niya ako? O mahal pa rin niya si Sahara? Sana ako na. Umiling ako at nagpatuloy sa pagligo.
Nang matapos ako agad na akong nagbihis at lumabas sa banyo nakita ko rin si Kim na nagbibihis na. Sa baba siya naligo? “Baba na tayo?” Tanong niya tumango naman ako at inakbayan niya ako.
Pagbaba namin sinalubong kami nina Tita na nagbebreakfast na. “Good morning!” Bati naming dalawa. “Ang ganda ng gising niyo? Bibigyan niyo na ba kami ng apo?” Saad ni Tito. Natawa naman kami ni Kim.
“Soon Dad, importante ngayon maayos na kami.” Saad niya. Tumango tango naman ako, ngumiti naman sila sa amin.
Matapos kaming kumain inilagay na ang mga gamit namin sa van, sa may bandang likuran kami ni Kim.
“Okay lang kayo diyan?” Saad ni Tita, tumango lang kami. At inihiga niya ang ulo sa kanyang balikat. I find it sweet. “Bakit mo ko nagustuhan?” Biglang tanong ni Kim, namula naman ako, bakit pang kailangang itanong sa akin ‛to. “Ewan ko, basta alam ko gusto kita yun na yun hindi ko mapaliwanag.” Saad ko.
Naramdaman ko lang dumampi ang labi niya sa noo ko. “Ako rin hindi ko mapaliwanag ‛tong nararamdaman ko sayo.” Saad niya at kinilig naman ako, isipin mo frrom bestfriend into lovers kami. I’m so happy and blessed.
“Opps! Tama na ang lambingan diyan!” Sabi ni Mama, tawanan naman kaming lahat. Kinurot naman niya ang pisngi ko. “I love you, Ayeisha ko.” Sabi niya atsaka hinalikan ang pisngi ko. “I love you too, Kim ko!” Sabi ko atsaka ko siya pinaghahalikan ang mukha niya.
―
“Ayeisha and Kim, gising na!” Sabi ni Daddy Atsaka niya kami pinagyugyog. “Nandito na tayo oy, baba na kayo!” Anya at umalis na siya sa harapan namin.
Niyugyog ko si Kim. “Gising na, tayo na lang hinihintay sa baba!” Sigaw ko sa kanya. Pero nanatili pa rin siyang nakapikit. Hayst, tulog mantika talaga ‛to.
Kiniss ko siya sa pisngi. “Kim, gising na!” Saad ko at kiss uli sa kabilang pisngi niya. “Kim Dela Cruz, hindi ka tatayo diyan!” Pagbabanta ko Atsaka na tumayo.
Bigla naman niya akong himigit at hinalikan niya ako sa labi. Nagrespond naman ako sa halik niya, Hanggang sa lumalim ang halikan namin. “Click!” Napahinto kami ng marinig namin ang tunog na yun and it was Stefie.
“Sorry bes! Hihi.” Saad niya at nag peace sign at kumiripas ng takbo. Namula naman ako dahil sa pagkahiya. Awkward. “Tara na!” Saad ko Atsaka na ako tumayo at sumunod na siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Boyfriend or Bestfriend | Completed |
Short StorySinong pipiliin ko, Bestfriend ko na mahal na mahal ko o ang Boyfriend ko na hindi ko magawang mahalin ng lubusan gaya ng pagmamahal ko sa Bestfriend ko ng patago? -Ayeisha Acosta ♥