1⃣1⃣ : Think twice before you talk.
Nandito ako sa field habang pinapanuod si Gerlac maglaro ng soccer, medyo tumila na rin ang ulan at tuyo na ang damuhan, nakakamangha siya maglaro ang galing niya yung lalaking laging tulog sa klase pero may ibubuga rin pala, haha.
Habang pinapanuod ko siyang maglaro. Pagpadyak niya sa bola biglang- “Ouch!” Tumama sa ulo ko, para akong nakakita ng mga bituin na umiikot sa ulo ko, hinawakan ko agad ang ulo ko. “Sorry, Ayeisha.” Sabi niya atsaka niya inilahad ang kamay para itayo ako, tinanggap ko naman ito.
“O-Okay lang, medyo nahilo lang ako, hehe.” Saad ko at pinagpag ang pwetan ko. “Do you want to go to Clinic?” Nagpapanic na tanong niya. “Hindi na okay lang ako.” I said and I gave him a assuring smile.
Hindi ko pala classmate si Kim sa second subject ko. Habang naglalakad kami papasok sa building bigla siyang nagtanong. “Saan ang second subject mo?” Tanong niya. “Room 143 walang forever, charot!” Pabirong sabi ko. Ginulo naman niya ang buhok ko.
“Omygad, don't tell me sila na?!”
“Hell no! Kung ako 'di pinapansin niyan e!”
“Pero . . . bagay naman s-sila?”
“Yeah, siya lang ang babaeng nginitian ni Gerlac at . . . kinausap.”
Rinig kong bulungan ng mga babae sa kalayuan pero hindi ko na lang pinansin, pake ko ba? “Nakakatawa ka talaga.” He chuckled. “Magkaklase pala tayo, sabay na tayo?” Tanong niya tumango na lang ako.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng biglang huminto sa harapan namin habang pumapalakpak. Bakit pa kasi siya bumalik? Kailan maayos na ang lahat. “Oh well, look who's here?” Anya sabay tingin sa akin kasama ang mga alipores niya.
Hinawakan ni Gerlac ang kamay ko. “Don't mind her. She's just a waste of time.” Sabi ni Gerlac. Tumawa naman si Sahara. “Don't tell me kayo na ni Gerlac? Hindi na ako magtataka, kasi kung si Aaron nga at Kim napagsabay mo. Slut!” Sabi niya akmang sasampalin niya ako agad kong hinawakan ang kamay niya at sinampal siya ng napakalakas na ikinagulat niya. “Think twice before you talk. I'm not a slut like you na papalitpalit ng boyfriend. Maganda ka pa naman kaso salawahan ka, did I say you're beautiful? Pero always remember hindi nasusukat ang kagandahan sa pagkakaroon ng maraming boyfriend kasi dun nasusukat kung gaano ka kadumi.” I said. Nilampasan na namin siya habang nakakatulala.
That's what you get slut. “Wow. Napahanga mo ako dun!” Sabi ni Gerlac habang naglalakad kami papunta sa second subject namin. Tinawanan ko lang siya pikon na pikon na kasi dun sa Sahara na yun, buset.
Patuloy kami sa paglalakad ng huminto sa harap namin si Kim. “Ayeisha, let's talk.” Sabi niya at tumalikod na sa akin, nagpaalam na ako kay Gerlac at sinundan si Kim.
Napunta na kami sa roof top, hindi pa rin niya ako tinitingnan. “Ba't magkasama kayo ni Gerlac?” Malamyang tanong niya habang nakatingin sa malayo.
Isa na lang iisipin ko talaga na nagseselos siya pero bestfriend lang niya ako e. “None of your business.” Saad ko.
Bumuntong hininga na lang siya at napasabunot sa sarili niya. “Ayeisha, gusto mo ba siya?! Tell me!” Sigaw niya atsaka niya hinawakan ang magkabilang braso ko.
Natakot naman ako, para siyang papatay ng tao. Hindi ako makasagot sa kanya. “Gusto mo nga siya, lagi naman ako ang nagpaparaya e. Nakakapagod na.” Sabi niya atsaka niya ako binitawan at tuluyang umalis sa roof top. “Kim mahal kita at hinding hindi ako napagod sayo.” Bulong ko at nagsimula na sa paghikbi.
Nagulat na lang ako ng may magabot ng panyo sa akin, napatingala ako at si Gerlac 'to. Nginitian ko siya at kinuha ang panyo na inaabot niya. “Umamin kana kasi, tch.” Anya. Natatakot ako kasi huli na ang lahat at komplikado na.
Ito na siguro ang pagkakataon para umamin ako sa kanya.
“Salamat.” Sabi ko atsaka ko siya niyakap.
BINABASA MO ANG
Boyfriend or Bestfriend | Completed |
ContoSinong pipiliin ko, Bestfriend ko na mahal na mahal ko o ang Boyfriend ko na hindi ko magawang mahalin ng lubusan gaya ng pagmamahal ko sa Bestfriend ko ng patago? -Ayeisha Acosta ♥