A/N: Please read, vote and comment. Thank you for supporting guys, I hearteu all. ♥
0⃣1⃣ : Move on.
Umaga na naman, panibagong araw para mag move on, siguro nga tama si Aaron, tanggapin ko na lang na hanggang kaibigan lang kami at matutunan ko ring mahalin si Aaron gaya ng pagmamahal ko kay Kim.
Pumunta na ako sa walk in closet ko, bumungad naman sa akin ang litrato naming dalawa, napangiti ako ng mapait, ang saya naming tingnan sa litrato dahil nakaakbay siya sa akin atsaka kami nakangiti na parang wala nang bukas.
Kumuha lang ako ng damit atsaka na ako tumuloy sa banyo at naligo na, sana hindi ko na lang siya Bestfriend para naka amin na ako sa tunay na naramramdaman ko. Napailing na lang ako, sana hindi na lang siya nag exist sa buhay ko.
Nagbihis na ako atsaka ko kinuha ang gamit ko, nagpolbo at dark lipstick lang ako, hindi na ako nagsuklay kasi late na ako. Pagkababa ko naabutan ko si Mom and Dad sa kusina, umupo agad ako sa tabi ni Mom at kumuha ng makakain. "Dark lipstick and messy hair? Anong nangyayari sayo 'nak? Sabog ka ba?" Tanong sa akin ni Mom, nabulunan naman ako.
Nasanay kasi si Mom ng wala akong lipstick, I love dark colors. At isa pa, ako sabog? Siguro may jetlag lang. "Ma naman! Dalaga na kasi ako, atsaka tamad akong magsuklay." Sabi ko atsaka ako nagpatuloy sa pagkain ko.
Nasaan na kaya si Kim? Susunduin ba niya ako? Siguro hindi, si Aaron naman umuwi rin sa kanila kasi nagka emergency sa company nila, hayst. "Good morning!" Bati niya sa amin, ngumiti lang ako. "Kailan ka pa nag dark lipstick, Ayeisha ko?" Tanong niya, namula naman ako dun sa pag banggit niya sa 'Ayeisha ko' pero Bestfriend nga lang kasi ako, dapat marunong akong makuntento lalo na may Boyfriend na ako.
"As if you care. Mind your own buisiness, Kim." Sabi ko atsaka na ako nagpatuloy sa pagkain, mukha siyang nalungkot pero kailangan kong maging ganito, kakalimutan ko nga kasi yung feelings ko sa kanya. "2 years lang na wala sa Pinas tapos binabasura na pagkakaibigan natin!" Sabi niya atsaka tumayo, napabuntong hininga naman ako atsaka ko na kinuha ang bag ko at sumunod na sa kanya.
Pumasok siya kotse niya at pumasok rin ako at umupo sa shot gun, tumingin lang ako sa kanya at mukhang nagtatampo siya, so kailangan ko siyang amuhin, hayst. "Galit ka na niyan?" Tanong ko sa kanya at nagpaawang labi ako.
Pero hindi niya ako tiningnan so hindi effective ang pagpapa cute ko. "Tch, nagka-boyfriend lang nakalimutan na ako." Nagtatampong sabi niya habang patuloy sa pagda-drive, nagseselos ba siya? Siguro naman hindi, ayoko nang umasa masakit eh, siya makakalimutan ko? Hindi siguro kasi siya ang taong nagpatibok sa puso ko.
"Nagtatampo na niyan ang Kim ko? May boyfriend lang ako pero ikaw pa rin ang bestfriend ko diba?" Sabi ko sa kanya at ngumiti, when I call him 'Kim ko' parang ako ang kinilig kasi feel ko eh. Lumapad naman ang ngiti niya, I want to see his smile everyday. "Hindi na Ayeisha ko." Sabi niya atsaka niya hinawakan ang kamay ko habang nahda-drive siya, sana hindi na matapos ang araw na 'to.
Pagkababa namin sa University, agad kaming sinalubong ng ngiti ng mga tao, ang iba naman ang bubulung-bulungan, pero hindi ko na lang pinansin, I miss this University.
Umakbay naman sa akin si Kim habang naglalakad papuntang room namin, halos ng mga classmates namin nakatingin sa amin. Nginitian ko lang sila, may lumapit sa aking babae at si Stefie 'to! Bigla niyang sinampal si Kim nang napakalakas, namilog ang mata ko gaya ng iba kong kaklase.
"How dare you, Kim?! Ganyan mo na lang ba kalimutan si Ayeisha! May kapalit na agad! Nilunok mo na ba lahat ng sinabi mo sa amin ni Owen?!" Sigaw niya, natawa naman ako. "Anong tinatawa mong malanding babae ka?!" Sigaw niya sa akin. Grabe hindi talaga siya nagbabago.
Tinapik ko lang siya at tinarayan niya ako. "Ako si Ayeisha, Stefie! Nakalimutan mo na ako ganon? At ano yung ibig sabihin ng sinabi mo kanina?" Pabirong sabi ko, hindi ko kasi magets yung mga sinabi niya.
Napayakap naman siya sa akin, namiss ko 'tong Bestfriend ko! "Hehe. Ah, 'e... baka lunukin kasi niya yung mga sinabi niya na hindi ka niya ipagpapalit bilang Bestfriend, 'yon yun bes!" Sabi niya, kahit kailan ang weird niya.
Umupo ako sa tabi ni Bes, bale nakagitna ako sa kanila si Bes sa kaliwa ko tapos si Kim sa kanan. Nagdidiscuss si Ma'am, si Stefie nakikinig, si Kim ito kinukulit ako. Nakikinig ako nang kuhanin ni Kim ang kamay ko at pinaglalaruan niya 'to. "I love you, Ayeisha ko." Sabi niya nabigla naman ako, 2 years kong hindi narinig yun mula sa kanya noong nag ibang bansa ako.
Sanay na kami mag I love you sa isa't isa. Napangiti lang ako nang matamis. "I love you too, Kim ko." Sabi ko, bigla naman niya akong niyakap na ikinagulat ko atsaka niya ako hinalikan sa noo. Hindi namin namamalayan nakatingin lahat sa amin pati na si Ma'am. "Nagdidiscuss ako, respeto naman ah, stop PDA." Sabi niya, natawa lang kami, habang si Stefie umiiling iling.
BINABASA MO ANG
Boyfriend or Bestfriend | Completed |
NouvellesSinong pipiliin ko, Bestfriend ko na mahal na mahal ko o ang Boyfriend ko na hindi ko magawang mahalin ng lubusan gaya ng pagmamahal ko sa Bestfriend ko ng patago? -Ayeisha Acosta ♥