A/N: Read, vote and comment.
0⃣7⃣ : You are my problem!
Paglabas ko doon ko na lahat binuhos ang sakit, iniyak ko na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ang sakit sakit na nitong nararamdaman ko, pero ayaw kong masaktan ang taong mahal ako kaya mas pinili ko na lang na ako ang masaktan kaysa siya.
Isinandal ko ang ulo ko sa puno, nandito ako sa garden ng university, ipinikit ko ang mga mata ko. “Ayeisha . . .” Tawag sa akin. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. “Aaron?” Tanong ko, ngumiti lang siya sa akin. Kumirot ang puso ko, isa lang ang inaasahan kong dumating pero nadismaya ako.
Kita ko sa ngiti niya na masaya siya, napangiti ako ng mapait. Isang lalaking nagbago para sa akin, isang lalaking napakabuti pero sasaktan ko lang ng ganito. Niyakap niya ako ng mahigpit dama ko ang pagmamahal niya sa akin na hindi ko man lang masuklian. “Hey, do you have a problem?” Tanong niya.
Hinawi naman niya ang konting hibla ng buhok ko. Umiling lang ako. “What happen to your eyes? Share it to me, babe.” Anya. Napangiti lang ako. Im so lucky to have him but I don’t deserve a guy like him. “Wala ‘to.” Sagot ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay. “Liar.” Sagot niya.
Hinila niya naman ako. Saan na naman ako dadalhin ng lalaking ‘to. “Babe, saan tayo pupunta?” Iritang sabi ko. “Sa lugar na tayo lang ang may alam.” Sagot niya atsaka siya ngumisi. “Ditching class is not good.” Biglang sulpot ni Kim. Naikinabilog ng mga mata ko.
“I know.” Saad ko. “E, ano naman sayo ngayon if we’re gonna ditch in our class?” Pangiinsulto ni Aaron. Napangiwi naman si Kim, I hate this moment. Hinihila ko naman ang laylayan ng T-shirt ni Aaron baka magkagulo pa. “E, gago ka pala e!” Sigaw ni Kim, atsaka niya binigyang isang malakas na suntok si Aaorn na ikinabagsak niya sa sahig.
Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa at tinulungang tumayo ang boyfriend ko. “Ano bang problema mo Kim?!” Sigaw ko sa kanya at pinupunasan ang dugo sa labi ni Aaron. Ngumisi lang siya at tumimgin sa akin ng diretso. “Anong problema ko?! Ikaw ang problema ko! Tsk.” Sabi niya at umalis na sa harap ko. I don’t get him.
BINABASA MO ANG
Boyfriend or Bestfriend | Completed |
NouvellesSinong pipiliin ko, Bestfriend ko na mahal na mahal ko o ang Boyfriend ko na hindi ko magawang mahalin ng lubusan gaya ng pagmamahal ko sa Bestfriend ko ng patago? -Ayeisha Acosta ♥