0⃣3⃣ : Paglayo.
Mahal ko si Kim pero kailangan ko s'yang kalimutan at tanggapin na hanggang kaibigan lang talaga kami, mas kailangan kong ituon ang pansin ko kay Aaron na Boyfriend ko.
Bumuntong hininga na lang ako, ang gulo ng sitwasyon ko, hindi ko na alam ang gagawin ko, napakagulo ng isip ko sa ngayon pero umaasa akong maayos rin 'to.
Tumuloy na ako sa room, at umasta na parang walang nangyari, nakita kong ngumiti si Kim at sina Bes sa akin pero umiwas lang ako ng tingin atsaka umupo sa may harapan nila.
Sinadya ko talagang hindi tumabi sa kanila para makaiwas na rin sa nararamdaman ko kay Kim, kasi lalo ko lang masasaktan si Aaron, kaya mas pipiliin ko na lang iwasan ang kaibigan ko para sa ikakabuti at ikakasaya ng Boyfriend ko.
Nakikinig na lang ako sa dini-discuss ng Teacher ko, para maiwasan ko na rin ang kakaisip kay Kim. "Psst." Paswit ni Kim kaya napalingon ako. At binigyan ko siya ng 'What' look.
Tinapik naman niya ang upuan sa tabi niya. "Dito kana lang umupo, Ayeisha ko." Sabi niya sa akin, pero umiling lang ako, gusto ko na siyang iwasan hangga't kaya ko. Ayokong maging selfish, gusto ko maging masaya naman si Aaron hindi yung ako lang.
Pagtapos ng class agad akong tumayo at kinuha ang bag ko. "Bad mood ka bes?" Tanong sa akin ni Bes. Umiling lang ako atsaka ako ngumiti ng pilit. "Ewan ko sayo bes! Bye na nga!" Sigaw niya atsaka ako iniwan, hindi niya kasi ako naiintindihan kung gaano kahirap ang dinaranas ko ngayon.
Lalabas na ako ng biglang may umakbay sa akin, at si Kim 'yun. Agad ko namang tinanggal at nagsimula na sa paglalakad. "Uy! Ayeisha ko!" Sigaw niya pero hindi ko na lang pinansin at tumuloy lang ako sa paglalakad.
"Ayeisha ko!" Sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa akin kaya tumakbo rin ako palayo sa kanya. Hindi na ako lumingon pa, sorry Kim ko, pero kailangan ko namang isipin ang kalagayan ng Boyfriend ko hindi yung lagi na lang sarili ko ang iniisip ko.
Pumarada ako ng cab atsaka sumakay kaagad, nakita kong tumatakbo pa rin si Kim papalapit sa akin pero wala siyang nagawa kung hindi tumigil sa pagtakbo at hinabol ang paghinga niya. Unti unting tumulo ang mga luha ko. Bye Kim, Mahal kita pero kailangan kong tanggapin sa sarili ko na hanggang mag kaibigan lang tayo, sorry . . .
BINABASA MO ANG
Boyfriend or Bestfriend | Completed |
ContoSinong pipiliin ko, Bestfriend ko na mahal na mahal ko o ang Boyfriend ko na hindi ko magawang mahalin ng lubusan gaya ng pagmamahal ko sa Bestfriend ko ng patago? -Ayeisha Acosta ♥