0⃣4⃣ : Be contented of what you have.
Bumaba agad ako sa cab at nagbayad, pagpasok ko ng bahay sumalubong sa akin si Mom nakaupo sa sofa. "May problema ba, 'nak?" Tanong niya sa akin, umiling lang ako.
Aakyat na sana ako ng bigla siyang nagsalita. "Anak, nanay mo ako, alam kong may dinaramdam kang sakit diyan sa dibdib mo, kaya huwag kang mihayang sabihin sa akin, para mabawasan yang sakit at bigat na dinaramdam mo." Sabi ni Mom, unti unting tumulo ang luha ko, ang sakit na, hindi ko na alam anga gagawin ko.
Napatakbo naman ako kay Mom atsaka ko siya niyakap. At nagsimulang umiyak, na para bang batang kinuhan ng lollipop. "Mom, ang sakit sakit na . . ." Sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya. "Ba't ganon Mom, kung sino pa yung m-mahal mo hindi ka mahal, tapos yung taong hindi mo mahal siya nagmamahal sayo kaya mas ginusto mo na lang na mahalin siya para hindi siya masaktan . . ." Sabi ko. "Sobrang sakit na Mom. Dito oh . . ." Sabi ko atsaka itinuro ang puso ko.
Hinagod naman ni Mom ang likod ko. "Shhh . . . Ganyan talaga 'nak, masyadong magulo ang buhay, may tao na handa kang mahalin kahit may mahal kang iba, pero alam mo bang hindi ka mahal ng taong mahal mo 'nak?" Napailing ako, alam ko ba kung mahal ako ni Kim o hindi? Pero alam ko hanggang kaibigan lang kami kaya matutunan ko ring tanggapin, kahit masakit. "Ang dapat mong gawin ay umamin sa kanya, at sabihin na mahal mo siya at dapat kahit anong maging sagot niya kaya mong tanggapin . . . Kaya habang maaga pa umamin kana, para hindi ka nahihirapan, lakas lang ng loob ang kailangan mo 'nak, kaya dapat 'wag kang panghinaan ng loob para matapos na 'yang sakit at bigat na nararamdaman mo." Hindi ko alam kung paano ako aamin, matatanggap ko nga kung ang isasagot ni Kim na hindi niya ako mahal? Paano kung mahal nga niya ako, paano naman si Aaron? Ayaw kong maging makasarili masyado ko nang sinaktan si Aaron.
"Basta sundin mo lang ang isinisigaw ng puso mo, pag sobrang sakit na talaga matuto kang mag let go at tanggapin na hanggang dun na lang kayo."
Tama si Mom, kailangan matuto rin akong mag let go. Kasi sobrang sakit na at nahihirapan na ako sa ganitong sitwasyon kaya mas mabuti pang makuntento o tanggapin ko na hanggang magkaibigan na lang kami.
BINABASA MO ANG
Boyfriend or Bestfriend | Completed |
ContoSinong pipiliin ko, Bestfriend ko na mahal na mahal ko o ang Boyfriend ko na hindi ko magawang mahalin ng lubusan gaya ng pagmamahal ko sa Bestfriend ko ng patago? -Ayeisha Acosta ♥