♥13♥

1.5K 30 14
                                    

                                                                       ♥13♥

Maaga akong nagising dahil ayaw kong ma-late, since babawi nga ako dahil hindi ako nakapasok kahapon. Naisipan kong gumawa ng excuse letter kagabi.

Bumaba ako ng hagdan at nag luto ng agahan. Batid ko namang tulog pa si Prince. Nag handa ako ng fried rice, omelet at syempre kape.

Kinatok ko sa kuwarto niya si Prince. -_- eh kahit naman ma-late siya ay okay lamang sapagkat siya naman ang may-ari ng kompanya.

Narinig ko ang pagpihit ng doorknob kaya umatras ako ng bahagya.

“Good Morning!” bati niya saakin at ngumiti ng nakaka-loko.

“Good Morning din!” nagsmile ako at inirapan siya.

“Breakfast is ready!” sabi ko at nagpatiuna na sa pagbaba ng hagdan.

Napaka elegante niya sa suot nitong business attire. Naka coat na black at blue ang panloob.

“Wow! Grabe ngayon nalang ako nakakakain ng lutong bahay, lagi kasing sa restaurant lang ako kumakain eh!” ang daldal amph. =,= di ko siya pinansin kaya naman sumandok nalang ako ng fried rice at sinumulang kumain.

“Salamat ah! It’s been ages since may nagluto para saakin bukod kay Tita Syl.” sabi ulit nito. Nag seself pity nanaman tsk!

“Walang anuman! Kapalit yan ng groceries para naman mabawasan ang utang na loob ko sa’yo.” pagloloko ko.

“Hmmm.. Ang sarap ng luto mo ah! Ay, mamaya sabay na tayong mag launch.” ngumunguya habang nagsasalita. Sarap irapan at sabihin ang paboritong kataga ni Mommy: ‘Don’t talk when your mouth is full!’ Nabawasan tuloy ang pagka-elegante niya. Tsk!

“Wag na! Hindi mo naman alam ang office ko eh!” sabi ko tsaka baka kasi madagdagan nanaman ang utang na loob ko.

“Malalaman ko din naman eh! Ihahatid kita ngayon!” pinal na sabi nito at humigop sa kape niya.

“Wag na! Nakakahiya naman sa’yo eh! padami na ng padami ang utang ko!” hinalo ko ang white coffee ko.

“No, I insist! Wag mo nangang bilangin! Ako naman ang nag-aaya eh! Tsaka sige ka mababawasan pa yung pero mo imbes na ipamasahe.” aish! oo nga pala! ngumiti ulet si mokong. Haynakoo! No choice nanaman ako! Si Mommy Min kasi eh! Kainis!

Nag sipilyo malamang at nagtungo na kami sa kotse niya, Ford ang kotseng gamit niya today. Ang yaman talaga ni kupal! Di man lang mag share kahit mini cooper lang! (Mr.Bean lang ang peg!) Wala nanaman kaming imikan sa loob ng kotse. In-on ko ang radio sa favorite kong radio station 96.3 Easy Rock.

♫♫Miles and miles outside Chicago, can’t stop drivin’ I don’t know why. So many questions I need an answer 2 years and lady you’re still on my mind. ♫♪

“hmmmm.. Lunch mamaya ahh! Dadaanan kita.” basag niya sa katahimikan.

“Sige bahala ka!” simpleng response ko, baka kasi dumaldal nanaman eh! Tsk.

♪♫Someday we’ll know! If love can move a mountain, someday we’ll know! Why the sky is blue. Someday you’ll know! Why I was the one for you... ♫♪

Maya maya pa’y pinatigil ko na siya sa pag dadrive dahil nasa tapat na kami ng building ng CCC.

“Wow, laki ng kompanya niyo ah!” puri niya nang tingalain niya ang buidling.

“Oo nga eh! haha” at tumawa ako. Nung ipipihit ko na ang pinto ay agad agad siyang bumaba ng kotse at umikot sa pinto ng akin.

Binuksan niya para saakin at inalalayan ako pagbaba.

Chasing My Prince Charming!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon