♥17♥

867 20 8
                                    

                                                                             ♥17♥

KATH’S POV

Umagang-umaga nakatanggap ako ng invitation galling kay Papa. Bukas pala ang Silver Anniversary ng company namin at magkakaroon ng malaking party sa beach resort sa Batangas.

Hmmm… to go or not to go? Napatitig ako sa invitation nang biglang tumunog yung cellphone ko.

“Hello?”

“Princess, have you already receive the invitation I sent you?” si Papa pala yung tumawag.

“Yes Pa!” he sounds so excited,

“Good, I really expect you to come hija, I would envy you if you wouldn’t show up!” hmp, so to go lang ang natatangi kong choice, ayoko namang magtampo nanaman sila saakin.

“Of course Pa’, I know that this is very special for you and Lolo Isko.”

“Okay, so better prepare everything. Aalis tayo mamayang gabi para naman makapag-ayos tayo ng mga kakailanganin.” I wonder kung kasama si Prince, Haynako ano ba naman itong pinag-iisip ko.

“Sure Pa’!” we hung up.

Haynako, wala na halos akong time para gawin ang trabaho ko sa CCCompany na dapat ay ginagawa ko ngayon, marami pa naman din kaming meetings at puno ang schedule. Pero, bahala na tatawagan ko nalang si Sir Enrique para magpa-alam na wala ako bukas.

Niligpit ko na ang mga damit na dadalhin ko at pinagkasya ko sa knapsack, at syempre naka-lagay sa invitation na magdala ng swimwear so *Ahem nagdala ako ng *Ahem White na One Piece na binili saakin ni Mommy Min nung nakaraang summer. Ayoko nga ng Two piece -_- too much revealing feeling ko ninanakawan ako pag may tumitingin saakin.

Bumaba ako sa may pool side para puntahan si Prince, nag-swimming ata siya. Ewan ko ba kahit ayaw ng isip kong puntahan siya eto parin ang katawan ko, lumalakad padin ako papunta sa kanya. Something weird is happening to me!

“P-prince?” umahon siya at kumuha ng tuwalya. Hindi naman ako maka-tingin, nakaka-bother kasi at nakaka-hiya.

“Yes?” pinupunasan niya ang buhok niyang basa.

“Sasama ka ba saamin mamaya para pumunta ng Batangas?” sinabit niya ang tuwalya sa balikat niya. Damn, He looked so hot! Oh ayan na, inamin ko na!

“Yes, magchochopper tayo. Yung chopper kasi na gagamitin natin ay pag-aari ng pamilya ko.” Wow, kanina hot siya pero ngayon an lamig, ang hangin kasi eh.

“Pwede mo namang sabihin na oo sasama ako, just that easy. Di mo na kailangang magyabang.” Inirapan ko siya.

“Sorry, I didn’t mean to brag sweetie.” Hinawakan niya ako kaya napa-talon ako sa gulat.

“Stop sweetie-sweetie me! At ano ba? May balak ka bang patayin ako sa gulat? Barbara ikaw ba yan? Anong title nito, ‘patayin sa gulat si Kath’?”  natawa lang siya.

“Masyado namang mainit ang ulo mo sweetie, you should rest now para bukas may lakas ka.” At may gana pa akong ngitian nitong si Prince. Haynako, ang gwapo! :3 Yan tuloy kung anu-ano na ang nasasabi ko sa inyo.

“Ulitin mo pa ang pag-tawag saakin ng sweetie at makaka-tikim ka ng suntok ko.” Pumasok na ako sa loob ng Mansyon ni Tita Syl.

“Siya nga pala anong oras tayo aalis mamaya?” umupo ako sa couch na gawa sa leather.

“Hmmm… Mga 12 ang alis natin, so meron ka pang time para matulog. Mabilis lang naman ang biyahe, kaya lang pagdating natin doon ay aayusin na agad ang venue ng Party.” Umakyat na ito ng hagdan at maya-maya lang he’s out of my sight.

Napa-yakap ako sa hawak kong cushion. Kinuha ko sa bulsa yung picture ni Prince noong bata pa. Sinipat ko ang dibdib ko “What are you doing to me?” and out of the blue nasabi ko iyon.

-----

SYL & MIN’S POV

“Oh my Mars! Mukha talagang nade-develop na sila sa isa’t isa!” tila naging star ang mga mata ni Syl.

“Oo nga Mars eh! Konti nalang at siguradong magkaka-aminan nadin sila, I’m so sure nasa denial stage pa sila.” Sang-ayon ni Min habang naka-titig sa TV monitor na kuha sa CCTV ng bahay ni Sylvia.

“I got a hunch na this party would spice up their feelings. Parang nafe-feel ko na mas magkaka-mabutihan sila sa isa’t isa after the party.” Masiglang sabi ni Syl.

“Eh papaano naman natin malalaman ang gagawin nila sa Party?” tanong ni Min kay Syl na hanggang ngayon ay malawak padin ang pagkaka-ngiti.

“Hihi, You know what this means?” tinapat ni Syl ang bag niya kay Min.

“What?” naguguluhang tanong ni Min.

“We will go to the party!” pumalakpak pa si Syl pero si Min ay nanatiling naka-kunot ang noo.

“We can’t.” napa-tigil si Syl sa pag-sasaya at tumingin kay Min.

“Why? Diba naka-receive ka ng invitation? So what’s the problem?”

“ I can’t face my ex-husband and his new family. Isa pa paano nalang pagnakita tayo nila Princess? Edi masisira lahat ng plano natin?” mukhang napa-isip din si Syl.

“Tama ka Mars, pero anong gagawin natin?”

“I think we should just let them do what they would do.” Tumango tango nalang si Syl.

<><><><><><>

A/N: Sorry for kept you waiting, ang ikli lang nito. Anyway please remind me kung sino ang magpapa-dedicate. Comment below.

AND PLEASE READ AND SUPPORT MY NEW UPCOMING STORY entitled: "YOUR NOT SO TYPICAL BAND"

huhubells walang book cover kaya di ko pa ma-post :'( di ako marunong eh. Sad Life

VOMMENT people. <3

~ThouShallLoveMe

Chasing My Prince Charming!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon