♥6♥

1.8K 36 12
                                    

                                          ♥6



Pagod na pagod si Kathryn kaya naisipan niyang mag taxi nalang papauwi.



Siguro kailangan na nga niyang i-consider ang suhestiyon ng Mama niya na gamitin na ang kotse niya.

Sabi ng Mommy niya ay bumili nalang siya ng condo unit malapit sa office nila pero umayaw siya dahil ayaw niyang iwan na mag-isa ang Mommy niya sa bahay, eh dadalawa nalang nga sila. Yung kuya kasi niya ay namamalagi sa france dahil hinahandle nito ang kumpanya nila doon.



Madalas din namang wala ang Mommy niya dahil sa trabaho, minsan binibisita din nito ang kuya niya.



Mayaman sila, pero mas pinili niyang magtrabaho sa isang cosmetics incorporation dahil nga gusto niyang tumayo sa sariling mga paa.



Ang Mommy niya ay minana ang ari-arian ng kanyang Lolo na isang Businessman.



“Hayy...” napabuntong hininga nalang ako nang bumagal na ang takbo ng taxi at huminto sa tapat ng bahay namin.



“Manong Oh! Keep the change!” nagbayad ako at lumabas ng taxi na patang pata. Ang dami kasi nilang appointments kanina sa opisina.



Pinindot ko ang doorbell sa gate, nakaka 3 pindot na ako pero wala paring lumalabas para buksan ang gate.


mag vo-voice intercom sana siya para dumating ang mensahe sa loob ngunit napansin niyang may recorded voice doon, sumulyap siya sa bahay nila at ngayon lang niyang napansin na patay lahat ng ilaw.


plinay niya ang recorded voice.



“Hi Princess! It’s your beautiful Mom, sorry kung hindi na kita natawagan kanina ayaw lang kitang maistorbo sa trabaho mo. Papunta ako sa Japan kasama ang Tita Syl mo, emergency kasi kaya biglaan. Ang mga maleta mo ay nasa gilid Sweetie! Take Care! Tawagan mo ako, love yah muahh!”




at natapos na ang recorded voice, hayyy... Umalis nanaman pala si Mommy.



Binuksan ko ang bag ko para kunin ang susi ng bahay. Lagi kasi siyang may spare key sa bag.



“Teka...” dinukot niya hanggang kailaliman ng bag niya.



“Omaygash!” natapik niya ang sariling noo sa realisasyon na wala ang susi sa bag niya.



“Ughh!”



Unfortunately naalala ko na nagpalit pala ako ng bag nang nagdaang gabi dahil nga sa bwisit na insidente! Nandoon ang susi ng bahay.


“Kung minamalas ka nga naman!”
iiling iling na kinuha ko ang cellphone ko sa bag at dinial ang numero ni Mommy.



“Hello Mommy?!”



“Anak! Sorry kung di ko na nasabi sayo! Ayaw kasi kitang maistorbo sa work mo.”



“I understand ma!” –Ako


“anak may susi kaba?” pagtatanong ni Mama.



“Yun nga ma eh! wala eh!” –ako



Nakarinig ako ng tili at sigawan sa kabilang linya, mukhang may party doon.



“Naku! Akala ko may spare key ka! Mabuti nalang pala at nai-ready ko ang maleta mo. Sorry anak, I tried looking for it pero wala.”



“Eee,,, paano yan Mommy!”
lumukot na siguro ang mukha ko.



“Hayy..” buntong hininga lang ang naisagot ni Mommy.
san na ako matutulog? Ughhh... Kaines!





“wait give me the phone-“ narinig ko si tita Syl.


“Hello Princess!”



“Hi Tita Syl!”



“Princess, do you know the location of my house?”



“Nope. Hindi po tita.”



“Okay get a pen and write this address!” at agad agad nman akong kumuha ng pen and notepad.



“Okay..” at dinikta niya ang address.



“Yan dyan ka muna tumuloy hija, kumpleto dyan, wag ka mahiya dahil solo mo yang bahay!”



“po? Sigurado po kayo?!”
inaalok niya sakin ang bahay niya. Mayaman panaman si Tita Syl malamang maganda ang bahay niyan!



“Oo hija wag kang mahiya, solo mo don! dun ka muna habang wala kami.”



“Sige po tita.”



“Punta ka doon, hanapin mo ang gumamela plant at sa ilalim ng paso nun nandun yung susi.”



“Haha, sige po tita!”
nakakatawa naman ang lokasyon ng spare key!



“Sige hija, enjoy your stay there!”
At natawa pa ng marahan.



“Feel at home!”
at pinasa na niya kay mommy ang cp.



“Hello anak! Oh narinig mo yun? Feel at home. 1 buwan lang naman kami dito eh, pasensya na. Dyan kita susunduin when I get home. Dyan kalang, wag kang mag hohotel dahil baka kung anong mangyare sayo. Bye anak, ingat Love you!”



“Teka—toot...toot.toot...”
di pa ako nakakapagsalita binaba’ na! Hayy... bastusan? Joke. Hayy, walang magagawa’ kundi pumnta sa bahay ni tita Syl.



                      ~ThouShallLoveMe

Chasing My Prince Charming!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon