Here i am again.
Hurting.
Matagal ko ng sinasabi sa aking sarili na kalimutan nalang lahat, to just forget and move on. I can, i know i can, but i just need time. Unti-unti ko na namang nakakalimutan ngunit may panahon pa rin na bigla akong mapapaisip at bigla nalang ulit mararamdaman ang lahat ng sakit. Buo pa rin sa isip ko ang lahat. Hindi ko akalaing mangyayari iyon sa akin. Hindi ko akalaing sa araw pala na iyon.
Napaghinalaan ko na siya noon, dahil may isang araw na tinawag niya akong 'babe'. Nadulas ang bibig niya, oo, nadulas siya. Never pa kaming nagkaroon ng endearment na 'babe' dahil pareho namin yung ayaw, pareho naming ayaw ng endearment, ngunit sa araw na iyon ay tinawag niya akong 'babe', hindi ko nalang pinansin iyon at hinayaan nalang, hindi ako nagtanong o nag-complain dahil alam kong kapag nagtanong ako ay maniniwala ako sa kanya, na kapag nagtanong ako ay paniniwalaan ko ang kung ano mang sabihin at idahilan niya, kaya 'wag nalang.
Maaga kaming nakauwi ng araw na iyon at pagdating ko sa bahay ay nakita ko ang text niya na nagsasabing magpapahinga na raw siya at matutulog lang sandali dahil masakit ang kanyang ulo at katawan. Nag-oo nalang ako dahil kanina niya pa sinasabi na masakit ang kanyang ulo.
Ilang minuto ang lumipas ay nagbihis ako at sumakay ng tricycle, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at naisipang pumunta sakanila, ngunit imbes na sa bahay nila dumiretso ay sa bahay ng kaibigan niya ako dumiretso, dahil ang bahay ng kaibigan niya ay kaharapan lang ng bahay nila, ka-close ko ang kaibigan niyang ito dahil lagi namin siyang nakakasama, nagtaka pa nga siya kung bakit hindi ako sa bahay ng boyfriend ko dumiretso.
Habang nagku-kwentuhan kami ay bigla ko nalang natanaw mula sa bintana ang boyfriend ko na kakalabas lang ng kanilang bahay, sinilip ko ang aking phone dahil baka nagtext siya, ngunit.. wala.
Ewan ko at ano na naman ang pumasok sa utak ko at naisipng sundan siya, sinundan ko siya ng hindi niya alam. Sumakay siya ng tricycle, at ganun din ang ginawa ko. Pareho pa kami ng sinakyang tricycle, ngunit hindi niya napansin. Nasa iisang tricycle kami ngunit di niya alam dahil busy siyang nakatingin sa kanyang phone.
Sinilip ko ang phone ko dahil baka tinext niya ako ngunit wala parin.
Nang tumigil ang tricycle ay agad akong nagbayad at bumaba upang hindi niya ako makita. Hinintay ko siyang makababa sa tricycle at sinundan hanggang sumakay siya sa jeep, sumakay din ako rito. Siya sa may tabi ng driver, at ako sa pinakadulo yung sa tabi mismo ng pinto. Inabot ko yung bayad na sinigurado kong sakto lang iyon at walang sukli upang di na magsalita pa ang driver sakali mang may sukli ako. Di ko alam kung sadyang swerte lang ako o talagang sobrang busy lang niya sa phone niya kaya hindi niya ako nakikita.
Bumaba siya kaya't ipinalayo ko muna ng kaunti bago bumaba din upang di niya ako makita.
Ilang minuto pa at sumakay uli siya ng jeep. Hindi na ako sumakay sa parehong jeep dahil sa loob siya nagpiwesto at puno na din ang jeep. Tinandaan ko ang jeep na sinakyan niya at plate # nito at napag-isipan kong sa susunod na jeep nalang sumakay.
Natagalan ang jeep na sinasakyan ko bago umalis dahil pinapuno muna ito ng pasehero. Medyo nawalan na ako ng pag-asa dahil alam kong malayo na ang agwat ng jeep na sinasakyan ko sa sinasakyan niya. Nawalan na ako ng pag-asa na maabutan ko pa siya.
Inisip ko nalang na bababa nalang ako sa next station na pag-i-stop ng jeep, ngunit sadyang mahal ata ako ni God. Dahil sa traffic banda rito kaya siguro na stranded sila, at parang may date ata itong si manong driver nang jeep na nasakyan ko dahil sa bilis niyang magdrive at pagkahilig sa pag-oovertake. Dahil diyan ay naabutan pa namin ang jeep na sinasakyan niya, magkatapat pa nga ang jeep namin, magkatalikuran kami at dahil din sa traffic ay halos ilang inches lang agwat sa jeep na sinasakyan naming dalawa, ngunit dahil nga busy siya sa phone niya ay hindi niya parin ako nakita o napansin man lang.
Patuloy din ako sa pagtitig sa aking phone dahil baka nagtetext niya ngunit wala talaga.
Halos magkasabay lang ang jeep na sinasakyan namin, kaya ng tumigil ang jeep na sinasakyan niya at napansin na siya ang bababa ay bumaba na din ako. Maraming tao kaya siguro di niya ako napansin, dahil na rin siguro sa lagi siyang nakatingin sa phone niya.
Napansin kong hindi na pamilyar sa akin ang lugar na ito, ang layo na pala ng nabyahe niya... namin.
Nakapagbyahe ng ganito kalayo? Tapos sasabihing masakit ang ulo at katawan?
Patuloy ko lang sinusundan ang paglakad niya, at sa bawat paghakbang ng aking mga paa, ay ang pabilis na pabilis na tibok ng aking puso. Kinakabahan ako, at hindi ko din alam kung bakit, basta ang alam ko lang ay bigla nalang akong dinala ng aking mga paa rito. Dinala ako ng mga paa ko sa kung saan man siya pupunta.
Napahinto ako ng makita ko siyang pumasok sa isang restaurant at umupo sa isang table for two. Umupo ako di kaluyuan sa kanyang inuupuan, nakatingin siya sa labas na tila may hinihintay.
Lumipas ang ilang minuto ay biglang may dumating na isang babae, tumayo siya at hinalikan ito sa pisngi. Nagsimulang manlabo ang aking paningin, at isa lang ang dahilan kung bakit. Mga luha ang dahilan. Hindi kalayuan ang table nila sa akin kaya medyo naririnig ko pa ng kaunti.
And there it is....
'Babe'
the word babe is enough for me to prove everything. That's the main proof, wala ng iba pa.
Ilang oras pa ang nakalipas ay ayun sila at patuloy ang paglalandian habang ako naman si tanga na patuloy parin sa pagtitig sa kanila at halos magpaulan na ng luha. Pagkatapos ng halos isang oras na paglalandian ay sa wakas tumayo na sila at lumabas, tumayo na din ako at tumayo muna doon sa tapat glass wall. And there i saw them kissed, umalis na ang babae. At nakita ko siya na nilabas ang phone niya at nagtype. Narinig kong nagvibrate ang phone ko at binuksan iyon.
Hi Anyca. Kakagising ko lang. Sarap ng tulog ko.
From: Brethie <3
Lalo lang akong naiyak. Then i decided to end our relationship, tutal wala na naman talaga. I ended our relationship through text, at hindi ako nagpakita sa kanya. Tinatanong niya ako sa text kung ano ba daw ang problema. Anong kala niya sa akin? Tanga?
Napatigil ako sa pag-iisip sa nangyaring iyon, i'm so proud of myself because this time hindi na ako umiyak habang binabalikan ang pangyayaring iyon, ubos na rin siguro ang luha ko, pagod na rin siguro ang mga mata ko.
Binuksan ko ang pinto dahil sa narinig kong katok. At hindi ko inaasahan ang taong makikita ko.
"Sabria..." he said.
"What are you doing here?" I ask while poker face.
"I need your explanation. What's the problem?"
"What's the problem? Ang kapal naman ng mukha mong tanungin ako niyan. FYI, Breth Mendez, first of all, walang ibang problema dito kundi IKAW!" kinwento ko lahat sa kanya ang lahat-lahat, detailed by detailed, napanganga nalang siya, speechless kasi totoo. "Breth, 8 years. 8 years na tayo, 8 years mo na akong girlfriend, at hindi ko alam kung ilan yung akin dun o may akin ba dun. Tanga ba ako? Manhid? Bulag? Bakit pinaniwalaan ko ang mga salita mo, ang mga kilos mo at yang mukha mo. Pero sa tingin ko ay mas tanga, manhid at bulag ka, dahil nandun ako, nasa likod mo lang ako, nakasunod lang ako sayo pero di mo man lang ako nakita o napansin. Masakit ang ulo? Masakit ang katawan? Pagod? Pero nakapagbyahe ng ganun kalayo? Masarap ang tulog? Kakagising? San banda dun? Kailan? May hindi ba ako natunghayan nung araw na yun? Hays, nakakabobo kang kausap Breth. Minahal kita ng buo for 8 years. Humihingi ka ng explanation mula sa akin kahit ang totoo ay ikaw dapat ang mag-explain. Ayaw ko na Breth, sapat na lahat ng ginawa mo para makapagdesisyon ako"
"No Anyca please, don't" he beg but i can't, that's enough.
"Tama na. This is hard for me too, but this is the right thing to do. Always remember that a girl named Anyca Sabria Rovales loved you once but you wasted it, so regret it. I'm going to set our hearts apart, but before i let you go, i just want to say for the last time that..... I Loved You"
YOU ARE READING
Before I Let You Go
Short Story"I'm going to set our hearts apart But before i let you go..."