M A D O N N A

829 12 4
                                    

P R O L O G U E

Dati, isa lang akong simpleng babae.

Dati, isa akong masayahing babae.

Dati, hindi ako masamang babae.

Pero simula nang dukutin ang magulang at kapatid ko, nagbago ang takbo ng mundo ko.

Ngayon, hindi mo na masasabing naging simpleng babae ako dati.

Ngayon, hindi mo na ako makikitang ngumingiti.

Ngayon, mas masama pa ako sa masama, at kakamuhian mo ko sa sobrang sama ko.

Nagpapanggap ako.

Nagpapanggap bilang isang mabait at inosenteng tao.

Ginagawa ko ‘to para mapangalagaan ang trabaho ko.

Ang pumatay ng tao.

‘Nong una, ayokong pumayag dahil takot akong pumatay. Pero wala na akong pagpipilian.

Tutulungan nila akong hanapin ang dumukot sa pamilya ko, pero magiging isang killer ako, o papatayin nila ako.

Habang hinahanap ko ang pamilya ko. Habang pumapatay ako, makakatagpo ako ng isang lalaking babago ng buhay ko.

Nang dahil sa kanya, naging malambot ako.

Pero nagsisi ako, dahil minahal ko siya na wala man lang akong kaalam-alam tungkol sa katauhan niya.

Ang katauhan niya na magiging katapusan ko.

Ako si Madonna, ang taong hindi mo gugustuhing makasalubong.

            MADONNA     

PRESENTS BY NkjmMhr

M A D O N N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon