CHAPTER SIX: Heartbeats

189 5 0
                                    

CHAPTER SIX: Heartbeats

THIRD PERSON’S POINT OF VIEW

 

Isang lalaki ngayon ang nagdidiwang dahil may nadukot na naman siyang bag na tingin niya ay maraming lamang pera, o mamahaling alahas, o kaya naman ay mga Gadgets.

Nakalabas siya ng Mall na walang humahabol sa kanya. Pumunta siya sa isang masikip, at walang masyadong taong eskinita. Doon niya binuksan at kinalkal ang bag na ninakaw niya.

“Wahahahaha! Bawi-bawi pala ako nito!” sabi niya sa kanyang sarili nang makita niya ang iilang mga gadgets, at maraming papel na pera na tig-iisang libo. “Naks! Hindi lang pala mukhang mayayaman ang may mga pera! Kun’di ang mga mukhang pangit din! Wahahaha!”

Kinuha niya ang isang gadget na mukhang cellphone. Binuksan niya ito, pero nagtaka siya. “Huh? Cellphone ba ‘to? Bakit puro mapa ang nakikita ko?” tiningnan niya ang likod ng bagay na ‘to. Nakita niya na may nakaukit na letrang ‘M’ ‘don.

 

May kinuha pa siyang isang gadget, ngayon ay cellphone na ito. Sinubukan niya ‘tong buksan pero di niya nagawa dahil may passcode ito. “Letche! Papabukas ko na lang ‘to sa tolits ko!”

 

Nangalkal siya ulit sa bag. May nakita siyang mga karayom na medyo mataba. Kumuha siya ng isa, at pinagmasdan ‘to. “Huh? May letter M na naman na nakaukit? Ayos ‘yong babaeng ‘yon ah! Napaghahalataang mayaman talaga!”

 

Nangalkal siya ulit. “Wala na?” nangalkal siya ng nangalkal, hanggang sa may nakapa siyang bagay sa likod ng tela ng bag. Hinanap niya ang butas. Nang mahanap niya, kinuha niya ang bagay na nan’don. “Kutsilyo?” ang bagay na ‘yon ay isang dagger, pero hindi niya alam ‘yon. Ang alam niya lang ay kutsilyo ‘yon. Napansin niyang may nakaukit na naman, pero ngayon hindi lang basta letter M, kun’di ang ibig sabihin ng letrang ‘yon. “Ma-Madonna? Si Madonna ang may-ari nito?” imbis na matakot siya, natawa lang siya. “Hay naku! Baka naman hindi siya ‘yon. Maraming Madonna sa mundo.”

 

Natigilan ang lalaki nang may magsalita sa gilid niya. “Ayaw mong maniwala na si Madonna ang may-ari ng bag na ninakaw mo?” nilingon niya ang nagsalita.

“Pa-Paano mo ‘ko nahanap?!” nagulat siya nang makita niya ang babae na ninakawan niya.

“Ibabalik mo sa’kin ang bag ko, o papatayin muna kita bago ko kunin ang bag ko?” sabi ng babae, saka nag-crossed-arms.

Natawa naman ang lalaki. “Hahahaha! Ako? Papatayin mo? Ang gandang joke niyan neng!”

 

Ayaw ng patagalin ng babae ang sitwasyon, kaya naman kinuha niya ang baril niya na nakaipit sa kanang binti niya, saka tinutok ‘don sa lalaki. “Ang magandang joke sa’kin ay ‘yong papatayin kita. So, ready ka na ba sa joke na gagawin ko?” saka ngumisi ang babae.

M A D O N N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon