CHAPTER EIGHT: Violating the Rules

154 5 0
                                    

CHAPTER EIGHT: Violating the Rules

May dalawa akong rules ni Boss na nilabag. Una, nagpapasok ako ng tao sa bahay ko, o nagpatapak ako ng tao sa teritoryo ko. Pangalawa, nagkagusto ako sa isang kakaibang lalaki. Lalaki na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Lalaki na nagawa akong pangitiin. Lalaki na nagawa akong magsabi ng thank you. Siya ang dahilan kung bakit nagawa ko ang mga bagay na ‘yan. Siya din ang unang taong nakakita ng sakit na nararamdaman  ko.

Mike? Ano bang meron sa’yo? Paano mo napalambot ang isang side ng puso ng isang killer?

Natigilan ako sa pag-iisip-isip nang may nagdoorbell. Unang pumasok sa utak ko si Mike. Siya lang naman ang taong kakakilala ko pa lang na alam ang bahay ko.

Hindi na ako sumilip sa butas ng pintuan, basta tuluy-tuloy lang akong lumabas. Pero... nagulat ako nang ibang tao ang nakita ko, at hindi si Mike.

“Hi.”

“Paano mo nalaman ang bahay ko?! Diba dinala na kita sa malayong Hospital?! Bakit mo pa ako nahanap?!”

“Chill lang.”

“Kabute ka ba?! Sulpot ka ng sulpot! Aiiish!”

Letche talaga ‘tong lalaki na ‘to! Kukulitin na naman niya ako! Ako na talaga ang papatay sa lalaking ‘to, at sisiguraduhin kong hindi na siya mabubuhay!

“Hindi ako pumunta dito para kulitin ka na ibalik sa’kin ‘yong kotse.”

“Mabuti naman. Ngayon, makakaalis ka na.”

“Wait lang. Pwede ka bang lumabas?”

“Bakit naman ako lalabas?”

“Please?”

“Ayoko.”

“Aakyat ako sa gate para makapasok lang diyan!”

“Kung magagawa mo. Ang taas kaya ng gate.”

“Magagawa ko ‘yan.”

Akala ko nagbibiro lang siya, pero umakyat nga siya! “H-Hoy! Bumaba ka nga diyan! Magagasgas ‘yong gate ko!”

“Lumabas ka muna, o papasukin mo ‘ko!”

“Aissh! Oo na!” Bumaba na siya. Heto naman ako, lumabas. “Oh, ayan! Nakalabas na ako. Anong kailangan mo? ‘Yong kotse mo? Ibibigay ko na, basta tigilan mo lang ako.” naaasar ako!

“Hindi ‘yon ‘yong pinunta ko dito.”

“Diretsuhin mo na nga ako.” ‘pag ako nainip, tatalikuran kita. Bahala ka.

“Sa totoo lang, hindi ko talaga balak na kunin sa’yo ang kotse ko. Ginagawa ko lang ‘yon na dahilan para makita ka, at mapalapit sa’yo, kasi...” huminto siya sa pagsasalita, tapos yumuko, saka tinuloy ang sinasabi. “Kasi gusto kitang maging kaibigan.”

Ano daw? “Pfft! Kaibigan? What the fuck, ey?”

“Hindi ako nagbibiro. Kaya ko ‘to sinasabi ngayon dahil aalis na ako dito. Pupunta na ako ng ibang bansa, at baka hindi na ako bumalik dito.”

“So wh—”  naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong sunggaban ng yakap. “Bitawan mo nga ako!” pinipilit ko na itulak siya, pero lalo niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa’kin. “Sabing—”

M A D O N N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon