CHAPTER ONE: Madonna, Killing.

388 10 8
                                    

CHAPTER ONE: Madonna, Killing

Telephone rings. I pick it up. Hindi ako nagsalita hangga’t hindi nagsasalita ang nasa kabilang linya.

“It’s me.” Sa boses na ‘yon, nakilala ko na siya.

“Boss.”

“You have a new assignment.”

“Ow. It’s time to kill, again.”

My boss hung-up the phone. Tumungo ako sa Fax Machine at inabangan ang impormasyong ipinadala ni Boss. Mayamaya pa’y dumating na ‘to. Kinuha ko ‘to saka umupo sa sofa.

“Hmm.. George De Guzman. 31 years old. Ang aga naman niyang mamamatay. Tsk. Kawawa.”

Humiga ako. Matutulog muna ako. Mamayang gabi ko na lang siya papatayin. Bibigyan ko muna siya ng konting oras para mabuhay.

Sumapit na ang gabi.

Pagkatapos kong maghanda, pumunta ako sa garahe ng bahay ko. Sumakay ako sa Black Motor ko at mabilis ‘tong pinatakbo.

Tahimik na dito sa Subdivision. Madali na lang akong makakakilos. Iniwan ko ang Motor sa isang madilim na parte dito saka naglakad patungo sa bahay ni Mr. George.

Pagkarating ko sa tapat ng gate nila, natawa ako. Ang dali lang pasukin ng bahay niya. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Gusto ko na ‘tong matapos agad.

Naglabas ako ng maliit at manipis na bakal. Saan ko gagamitin ‘to? Gagamitin ko ‘to para buksan ang gate.

Nang mabuksan ko ‘to, dahan-dahan kong tinulak ang gate, at dahan-dahan din akong pumasok. Pagkarating ko sa harap ng pintuan nila, ga’non din ang ginawa ko. Nang mabuksan ko na ‘to, maingat akong pumasok. Tahimik at madilim na sa buong bahay. Mabuti naman.

Umakyat ako ng hagdan. Pagkarating ko sa second floor, tumambad sa’kin ang limang pintuan. Pero isang pintuan lang ang nakakuha ng atensiyon ko. Ang pintuan sa dulo.

Naglakad ako patungo ‘ron. Sinubukan kong hawakan ang seradura. Napangisi ako. Hindi naka-lock. Binuksan ko na ang pintuan.

Si Mr. George De Guzman, mahimbing na natutulog kasama ang asawa niya. Sayang naman dahil hindi niya makikita kung paano ko siya papatayin.

“Uugh.” Oops. Mali, makikita niya pala kung paano siya mawawala sa mundong ‘to. Naglakad ako palapit sa kanya.

Sa bawat lakad ko, maririnig mo ang tunog ng sapatos ko. Ang dahilan kaya tuluyan siyang nagising.

“SINO KA?!” napangisi lang ako. Nagising din ang asawa niya.

“G-George! Sino siya?!”

“Sssh!” sabi ko. Tinutok ko sa kanila ang baril na dala ko na may silencer. “Sorry, pero utos lang sa’kin ‘to.” Saka tumawa ako. Kinasa ko na ang baril.

“W-Wag! Wag mo kaming patayin! May mga anak kami!” pagmamakaawa ni George.

“Pakialam ko sa mga anak niyo?” Wala ba akong awa? Oo, walang-wala talaga akong awa.

“Wag! Please...” nagsimula ng umiyak ang asawa niya. I rolled my eyes. Hss. Ayoko sa mga taong umiiyak.

“Tulad nga ng sabi ko, utos lang sa’kin ‘to. Malas niyo lang dahil may binangga kayong tao na hindi dapat.”

“S-Sino ba ang nag-utos sayo?!” –George

“Ba’t ko naman sasabihin sa’yo? Aissh! Bakit ba ako nakikipag-usap sa inyo?”

Walang anu-ano, binaril ko sila sa ulo. Sinama ko na ang asawa niya dahil nakita niya ako. May isa kasi akong rule sa sarili ko. Ang sinumang makakita sa’kin na papatay, ay papatayin ko rin. Kaya sorry na lang.

Matapos ko silang barilin, lumapit ako at naglabas ng isang Dagger. Sa noo nila, sinulat ko ang letrang “M”, simbolo ng pangalan ko. Simbolo na si Madonna ang pumatay.

* * *

NOTE: Pasensya na po kung maiksi lang. Ngayon-ngayon ko lang po kasi to sinimulan. Nakalimutan ko po kasi. Ngayon-ngayon ko lang din po naalala yung tungkol po dito. Kaya pasensya na po. Sana pwede pa po to. >___< Babawi na lang po ako sa susunod >.<

M A D O N N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon