CHAPTER THREE: The Guy

263 5 0
                                    

CHAPTER THREE: The Guy

Nakasuot ako ng palda na hanggang tuhod ang haba. Naka-t-shirt ako ng puti, at naka-nerdy-glasses. Pero sa loob ng palda na suot ko, may nakatagong baril at dagger. Nakasabit ito sa binti ko. May assignment na naman kasi na binigay si Boss. Ngayon, nasa loob ako ng isang Private School at naglilibot. Base sa ibinigay na impormasyon sa’kin, dito siya nagta-trabaho. Presidente ng school na ‘to ang target ko, at base ulit sa impormasyon, mahirap siyang mahanap kaya dapat mas maging mapagmasid ako.

Marami ang tumitingin sa’kin, pero binabalewala ko lang sila. Wala akong pakialam sa’kanila. Okay sana kung may mapapala ako sa kanila, pero wala! They’re just a bitches and male dogs.

Habang naglalakad, bigla akong nabangga. Dahil paikot-ikot ang tingin ko, hindi ko namalayan ang kung sino man ang humarang sa harapan ko. Nang tumingin ako sa kanya, I mean sa kanila --dahil tatlo sila—I saw their bitch faces. Nakakunot ang noo at mukhang iritado. Hindi ko na lang sila pinansin. Lalagpasan ko na sila nang bigla nilang hilain ang braso ko pabalik sa puwesto ko kanina. Control yourself, Madonna.

“Sino ka? Ngayon lang kita nakita dito, ah!” ‘yong babae na bumangga at humila sa’kin. I think this is their leader. A fucking-cheap leader. Huminga ako ng malalim. I am controlling myself. Maiksi lang kasi ang pasensya ko sa mga taong tulad niya.

“Hindi po ako nag-aaral dito, at wala po akong balak na mag-aral dito. May hinahanap lang po ako na kaibigan. Makakaalis na po ba ako?” For your information, umaarte lang ako. Ayoko kasi na masira ang plano ko, at kailangan kong mag-ingat sa mga kilos ko. Pero sa totoo lang, gustung-gusto ko ng paputukan ang mukha nito!

“At sino naman niyang kaibigan na tinutukoy mo?”

“Wag niyo na lang  po tanungin. Baka hindi niyo po siya kilala.”

Pagkatapos kong sabihin ‘yon, nilagpasan ko na sila pero may humila sa damit ko pabalik. Aaargh!!!

“Teka lang! Umaalis ka na hindi nagpapaalam? Hindi mo ba ako kilala?” Pfft. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Sino ba siya para magpaalam ako sa kanya? At pakialam ko sa kanya kung sino siya? Pfft. Isa pa, paano ko siya makikilala, eh ngayon pa lang ako napadpad sa paaralan na ‘to? What an idiot. Tsk, tsk, tsk.

“Baguhan lang po ako dito kaya hindi ko po kayo kilala. Kailangan ko na pong umalis dahil importante po ang paghahanap ko sa kaibigan ko.”

Nakita ko siya na naglabas ng hangin sa ilong niya, ibig sabihin naiinis siya. “Well, dapat bago ka pumunta dito, kinilala mo muna ako! What a bitch, eh? Anak ako ng may-ari ng school na ‘to. Gets mo? O baka hindi dahil bobo ka?”

WHAT THE FUCK! THIS BITCH IS ON MY NERVES NOW!

I close my palm, ready to punch her stupid-bitch-idiot face! Pero natigilan ako nang kumaway siya. Hindi ako ang kinakawayan niya, kun’di ang nasa likod ko.

“KUYA!” she said. Nang lumingon ako, nagulat ako sa nakita ko. ‘Yong nakalaban ko ‘nong isang gabi! ‘Yong binaril ko sa braso dahil sa sobrang inis ko sa kanya! What is he doing here?! At anong sabi ng bitch na ‘to? KUYA? What the fuck. Lumapit siya sa kuya niya, at naglambing. Goosebumps. I grab the opportunity kaya mabilis kong nilisan ang lugar na ‘yon.

Talaga ngang mahirap siyang makita—ang Presidente. Siguro nag-iingat siya dahil alam niyang may ginagawa siyang hindi maganda.

Habang naglilibot ako dito sa mga buildings, may biglang humila sa braso ko na ikinagulat ko. ‘Yong lalaki! Hindi kaya nakilala niya ako? Aissh.

M A D O N N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon