CHAPTER FOUR: Shoot!

216 4 0
                                    

CHAPTER FOUR: Shoot!

“Sssh.. Wag kang maingay. May gustong bumaril sa’yo.”

Hindi ako makapag-react dahil tinatakpan niya ang bunganga ko. May gustong bumaril sa’yo. Pfft. Tatawa na ba ako? Shit. Marahas kong inalis ang kamay niya sa bunganga ko, saka humarap sa kanya habang pinupunasan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. Nakakadiri! Pwee!

Nang-init ang dalawa kong mata nang makita ko kung sino ang humila sa’kin papunta dito sa eskinita. “Gusto mo bang padaliin ko ang buhay mo?!”

“Ibalik mo muna ‘yong kotse ko.”

“Akala ko ba hindi mo na kukunin?”

“Uto-uto. Bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi ako titigil hangga’t hindi mo binabalik ang kotse ko.”

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi niya talaga matanggap ang pagkatalo niya. Psh. “Well, ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo na hindi mo na makukuha ‘yon. Tanggapin mo na kasi na isa kang Big Fat Loser!

“Anong sabi mo?!” pinanlakihan niya ako ng mata. Sa sobrang inis, nilalabasan na ng usok ang ilong niya.

Imbis na sagutin ko siya, kinuha ko ang baril na nakaipit sa binti ko at tinutok sa kanya. “Follow me or I’ll shoot your head. Malapit ng maubos ang pasensya ko sa’yo, at malapit na rin kitang patayin.” Bago ako umalis, pinaputukan ko ang gilid ng kinatatayuan niya. Sign na hindi ako nagbibiro. Kahit kailan hindi pa ako nagbibiro. Kaya kapag sinabi ko, gagawin ko.

Binalik ko na sa binti ko ang baril, at tumakbo palabas ng eskinita. Mabuti naman hindi na niya ako sinundan, kun’di papatayin ko na siya talaga. Nakakainis ang lalaking ‘yon! Grr!

Habang naglalakad papasok ng Hotel, kinuha ko ang Tracking Device mula sa bulsa ko, saka inalam kung anong kuwarto ang target ko. At shoot, nalaman ko na agad kung anong room siya.

Nagtungo muna ako sa banyo. Mabuti naman walang tao dito. Pasilip-silip ako sa labas ng banyo. Nag-aabang ako ng server. Nang may dumaan na lalaking server, agad ko siyang hinila papasok ng banyo at agad kong tinusok ng karayom ang batok niya. Hindi lang ito basta karayom. Pag natusok ‘to sa batok ng isang tao, mapa-paralisa ang buong katawan, at mamamatay dahil may lason ang karayom na ‘to. Kaya sorry na lang Kuya kung maaga kang mamamatay kasi siguradong mamumukhaan mo ‘ko eh. Mahirap na.

Kinuha ko ang suot niyang uniform, saka sinuot. Magpapanggap akong server ng Hotel na ‘to.

Lumabas na ako ng banyo tapos pinuntahan na ang kuwarto niya. Nang nasa tapat na ako ng pintuan, kumatok ako habang nakayuko. Take note, nakasumbrero ako.

“Yes?” bungad niya sa’kin nang buksan niya ang pintuan. Hindi ako sumagot. Instead, pumasok ako ng kuwarto niya. “H-Hoy! Bakit bigla-bigla kang pumapasok?!”

Nag-evil-smile lang ako. Hinarap ko siya, then inalis ko ang suot kong sumbrero. Nakita ko sa mukha niya na shock na shock siya. Sino ba namang hindi magugulat? Babae pero nakapanlalaking uniform? The eff.

“S-Sino ka?!” nararamdaman at nakikita kong kinakabahan siya. Bakit? Wala pa nga eh. Hmm.. siguro alam niyang mamamatay na siya ngayon kaya natatakot na siya. Pfft.

I look at my wristwatch. Oops. I forgot, wala pala akong wristwatch. So, tatanungin ko na lang siya. “What time is it?”

“B-Bakit?!”

“What time is it?”

Tumingin siya sa wristwatch niya, then sa’kin. “Five fifty-eight.”

“Hmm.. mas maganda siguro kung i-sakto na natin ng Six oc’clock. Ano sa tingin mo?” I said while naka-evil-smile.

“A-Anong sabi mo? Anong ibig mong sabihin?!”

“Ano na kasing oras? Nakalimutan ko eh.”

Napansin ko na may dahan-dahan siyang binubuksan na drawer sa likod niya. Parang alam ko na kung ano ang kukunin niya. Mabilis kong kinuha ang baril ko, at mabilis na itinutok sa kanya.

“Hands up kung ayaw mong madaliin ko ang buhay mo.” Ginawa naman niya ang utos ko.  Tinanong ko siya ulit kung anong oras na. For your information, pinagti-tripan ko muna siya bago patayin. “Ano ng oras ulit?”

“Sabihin mo, sino ka?!” binalewala niya ang tanong ko. Hss.

“Oras?”

“Papatayin mo ‘ko, noh?! Sinong nag-utos sa’yo?!”

“Aissh! Shut your big mouth, will you bastard?”

Okay lang na sumigaw siya dahil soundproof naman ang kuwartong ‘to. “Hmm..” binaba ko muna ang baril ko, saka inikot ko ang paningin ko sa kuwarto. Walang panama ‘to sa kuwarto ko. Tumalikod ako, tapos pumunta sa bintana. Sinadya ko na talikuran siya. Trip ko eh. “Nice view, uh.” Nararamdaman kong binubuksan niya ng dahan-dahan ang drawer na nasa likod niya. “Ano ng oras?” tanong ko. Hindi siya sumagot. Ramdam ko na may kinukuha na siya sa drawer.

One.. two.. three..

Mabilis ko siyang hinarap, atsaka pinaputukan sa bungo. Inunahan ko na siya bago pa niya ako barilin. Akala niya hindi ko alam, ah. Ako pang hinahamon mo. Hss! Nilapitan ko siya. At dahil hindi pa ako kuntento, tinutok ko ang baril sa mata niya, and boom! I shot his eyeball. Pfft. As usual, nilabas ko ang dagger ko, tapos umukit ako ng ‘M’ sa noo niya. Ang simbolo ni Madonna.

M A D O N N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon