CHAPTER SEVEN: I think...

197 7 0
                                    

CHAPTER SEVEN: I think...

“Ah shit!” binato ko ang unan ko sa pader pagkabangon ko. Nakakainis kasi eh! Hanggang panaginip ko, nan’don ‘yong Mike na ‘yon! Aiish!

Bumaba na ako ng kama ko, tapos dumiretso ng banyo para maligo. Yes, ‘yan ang una kong ginagawa sa umaga. After kong maligo, pumunta na ako ng kusina para mag-almusal.

While eating, biglang tumunog ang doorbell ng dalawang beses. Bago ko buksan ang pintuan, sumilip muna ako sa butas ‘non. Take note, pinasadya ko ang butas sa pintuan.

When I saw who’s that person clicking the doorbell, I was shocked! How did he know my place?! That guy! Aiiiish! Ang bilis na naman ng heartbeat ko!

Pagbubuksan ko ba siya, o hindi ko na lang siya papansinin? Tama! Hindi ko na lang siya papansinin! Bahala siya sa buhay niya diyan! Bumalik ako sa dining room para ipagpatuloy ang naudlot kong breakfast.

Napatakip ako sa dalawa kong tainga. Pindot siya ng pindot sa doorbell. Nakakarindi! I can’t take it anymore! Talagang makulit ang lalaking ‘yon! Lagot siya sa’kin!

Pinuntahan ko na siya. Pero hindi ko binuksan ang gate. Sisigawan ko na sana siya, nang ngumiti siya, saka binati ako ng, “Good morning, Lara!” My heart! My heart! Shit!

“Paano mo nalaman kung nasaan ako nakatira?” diniretso ko na siya.

“Hindi mo ba papapasukin, at papakainin ang bisita mo?” then he smiled again. Uuuugh! Mike! Stop it, please!

Hindi ko alam kung anong nainom kong gamot, at pinapasok ko siya sa bahay ko. Alam kong bawal ang magpapasok dito sa bahay ko. Utos ‘yon ni Boss. Pero… iba talaga ang dating sa’kin ng lalaking ‘to. At siya ang kauna-unahang taong nakatapak dito sa teritoryo ko. Kailangan ko lang mag-ingat para hindi niya malaman ang sikreto ko.

“Ang ganda pala ng bahay mo, ah. Ikaw lang ang nakatira dito.”

“Oo.”

“Whoah. Ang sobrang laki ng bahay mo, pero ikaw lang ang mag-isang nakatira dito. Gusto mo samahan kita?”

“Di ko kailangan ng kasama.”

“Okay.”

Nilibot niya ang paningin niya sa loob ng bahay ko. Nang hahawakan niya ang isang pictureframe na nakapatong sa taas ng drawer, pinigilan ko na siya. “Don’t dare to touch anything without my permission.”

“Ah.. can I touch this picture?”

“No.”

“Hmm… is there something to eat?”

Tinalikuran ko siya, saka nagtungo sa kusina. Naramdaman ko naman na sumunod siya. Pagkaupo ko, umupo din siya sa harap ko.

“Ikaw ang nagluto ng mga ‘to?” tiningnan ko siya, saka tumango. “Wow. Ang sa-sarap. I prefer now to eat here rather than outside.” Then ngumiti siya. Lubdub. Lubdub. Shit.

Inalis ko na ang tingin sa kanya, at pinagpatuloy ang pagkain ko. Isang katangahan at kabaliwan ang papasukin siya dito. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa’kin. Parang hindi ako ‘to. Feeling ko iba ako ngayon. Shit. Ginayuma yata ako ng lalaking ‘to.

“Lara,” he called me. Tiningnan ko lang siya. “Let’s have some fun outside after this.” Then he flashes a cute smile. Parang natulala ako sa kanya. Ginagayuma niya yata talaga ako. “Hey, Lara? If you don’t want, it’s okay.”

M A D O N N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon