CHAPTER NINE: Unexpected [Final]

213 6 6
                                    

CHAPTER NINE: Unexpected [Final]

Nandito ako sa harap ng isang malaking pinto. Heto na ang opisina ni Boss. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ngayon lang ‘to nangyari sa’kin, ang kabahan.

May intercom dito sa labas ng office niya. At ito ang paraan para makapasok ka. Sasabihin mo lang ang pangalan mo sa harap nito. Kapag bumukas ang malaking pintuan, ibig sabihin pinapayagan ka niyang kausapin mo siya. Kapag naman hindi bumukas, ayaw ka niyang kausapin.

So, ga’non nga ang ginawa ko. Sinabi ko ang pangalan ko sa harap ng intercom, then bumukas ang pintuan. Naglakad na ako papasok ng opisina. Grabe, wala pa ring pagbabago ang loob nito. Of course malaki pa rin ang loob, ga’non pa rin ang ayos ng mga gamit, at ga’non pa rin ang mga gamit niya. Kung may nagbago man, konting-konti lang. Actually, this is my second time here. The first time I came here is when I am new in this industry. At hindi ko pa rin alam kung ano ang itsura niya. Nakatalikod siya kasi mula sa’kin, tapos malaki pa ‘yong upuan niya, kaya kahit isang hibla ng buhok niya hindi ko makita.

Nakatayo lang ako sa harap ng table ni Boss. Actually, malayo ako sa kanya. Hindi pa nga ako malayo sa pintuan eh. Kapag nandito ka sa office ni Boss, may isang rule siya na dapat mong sundin. Don’t move. Don’t touch anything, unless he said it. Yeah, kaya nga hindi ako gumagalaw.

“Sabihin mo nga sa’kin, bakit hindi mo ginawa ang assignment?! Tinawagan kita! Pinasa ko na rin sa’yo ang mga impormasyon! Ano bang ginagawa mo?! Alam mo bang malaki ang masasayang kapag hindi mo nagawa ‘yon?!” Hindi ko alam ang isasagot ko, kaya mas mabuti pang manahimik na lang ako. “I will give you a second chance, Madonna, dahil ikaw ang pinakamagaling dito. Once you waste it again, makakaharap mo na si kamatayan. Naiintindihan mo?! Now go and do it!”

Mabilis akong bumalik ng bahay para i-check ang mga impormasyon na ipinadala sa fax machine. And yes, meron nga. Sabi kanina ni Boss, tumawag daw siya. Anong oras naman ‘yon? Aissh! Bakit hindi ko alam? Uugh! Wag ko ng isipin ‘yon. Ang isipin ko ngayon ay ‘yong assignment. I should do it now, kun’di katapusan ko na, at ayoko pang mangyari ‘yon dahil hindi ko pa nahahanap ang pamilya ko.

Inaantok ako. Uugh. I shake my head. “Pigilan mo, Madonna. Hindi ka muna pwedeng matulog!” mas lalo ko pang binilisan ang takbo ng kotse ko para makarating na ako agad sa target ko.

Nang makarating na ako sa lugar kung nasaan ang target, hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Gusto ko na ‘to matapos agad. Gusto ko na magpahinga. I am so very tired.

TWO AND ONE-HALF MONTHS LATER

Hawak ko pa rin ‘yong second chance na ibinigay ni Boss. At hawak ko na rin si Mike. I mean, kami na after one month. Alam ko mabilis ang pangyayari, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mahal ko siya, mahal niya rin ako.

You know, he’s my first love, man, and boyfriend in my life. He made my heart soft, I can’t believe it. Kakaiba talaga siya. Pero may isa na hindi niya napabago sa’kin, at hinding hindi niya magagawa ‘yon. Trabaho ko kasi ‘yon, at nakasanayan ko na ‘yon.

Sa dalawang buwan na pagsasamahan namin, hindi pa rin alam ‘to ni Boss, at hindi niya ‘to pwedeng malaman.

Pfft. Bigla akong natawa. Pwede palang ma-inlove ang isang killer? Kaya nga hindi ako makapaniwala eh.

“Babe, may tanong ako.” sabi ni Mike. Nandito kami sa bahay ko ngayon, at yakap niya ako mula sa likod habang nakaupo.

“Ano ‘yon?”

M A D O N N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon