Isang taon na ang lumipas... Marami nang nagbago sa buhay ko, sa paligid ko at sa mundo.
Pati sa dating iskwelahan ko, marami na ang nabago:
Hindi na mabaho sa lagoon. Pero wala pa ring tubig ang fountain. Kumukunat na ulit ang hagdang kahoy sa great wall. Nasementuhan na 'yung cabinet sa CR ng lalaki na dumudugtong sa CR ng babae. Masungit pa rin ang librarian. Puro basura pa rin ang locker ko. Nandoon pa rin ang spaceship ng kapre. Bawal pa rin umupo sa mga itim na upuan sa Linear Park.
May mga nawala at dumating. Pero may isang nananatili, at hindi nawala kailan man sa akin. Isang bagay na hindi mag-iiba, at hindi mapapalitan...
Iyon ang alaala ko, kasama ang babaeng iyon.
Kahit pa nga naging maikli at mabilis ang panahon na pinagsamahan namin. Mananatili 'yon dito... Palagi, at kailan man.
Namumukadkad na naman ang flame tree sa gitna ng lagoon... At sa butas doon... nakatago pa rin ang medalyang bituin.
BINABASA MO ANG
Isang segundo (Completed)
RomanceIt takes a second to like someone, but it takes forever to say goodbye.