00:02

243 7 2
                                    

NUNG SUMUNOD NA ARAW, maghuhugas sana ako ng mukha sa gripo na nasa gilid ng Oval Court... pero nagkita na naman kami nung babaeng iyon.

Hindi pa rin siguro natatanggap ng mga ninuno ko 'yung dasal ko na hindi na siya makita pa. Himala nga, hindi siya lumabas sa cabinet ngayon. Baka isinuko niya na 'yung "The Chronicles of Sadako" niyang konsepto.

Pero hindi man siya lumabas sa isang cabinet, ganoon pa rin ang itsura niya. Nakatakip na naman 'yung buhok niya sa mukha niya, habang nakayuko sa harap nung gripo. Hinuhugasan niya yata 'yung braso niya na mukhang nagasgasan.

Anong kalokohan na naman kaya ang ginawa niya para magasgasan ng ganyan? O baka naman lumang cabinet ang pinasok niya ngayon kaya siya nagasgasan?

"Napano naman 'yan?"

Halatang nagulat siya nung malaman niyang may tao sa likod niya. Inaasahan kong magpapanggap siyang hindi ako kilala, na parang walang nangyari sa amin nung nakaraan. Tutal doon naman siya magaling.

"Ano bang pakialam mo?!" singhal niya sa akin na ikinagulat ko rin. "Magsama-sama kayo, pare-parehas lang naman kayo!"

Hah. Hindi ko na talaga puwedeng palagpasin ito! Eh talaga naman palang may ugali 'yung babae na ito! Ako na nga itong concern sa kanya, siya pa ang may ganang magalit. Tutulungan ko lang naman siya, siya pa 'yung nagsusungit. At ano? Tulad nung ginawa niya doon sa lalaki sa labas ng cabinet, tatargetin niya rin 'yung patootskie ko? Aba, may pangarap naman akong magka-anak 'no.

"Umalis ka na nga!"

Nakakainis talaga siya! Ano bang ginawa ko sa kanya para magsungit siya ng ganito? Eh, siya pa nga itong may ginawa sa akin. Bakit, hindi ba siya nasiyahan sa nakita niya sa akin? Kaya ba ganito na lang kung tarayan niya ako?

"This is not how you treat other people..."

Someone should teach her about manners.

"And that's not how you treat a scrape" sabi ko pa, at hindi na naghintay na makapalag pa siya. Hinila ko ang braso niya at itinapat iyon sa tubig, saka ko kinuha 'yung first aid kit na nasa mini cabinet sa ibabaw nung lababo. "Tutal ang galing-galing mong magmatapang, sana lang alam mo kung paano maglinis ng sugat mo."

Pagkatapos malinis ang gasgas niya, binudburan ko iyon ng dinurog na penicillin, nilagyan ng betadine at tinakpan ng gauze.

"Huwag mong pigilan 'yung sarili mo, kung nasasaktan ka" sabi ko sa kanya nung nakita kong pinipigilan niyang itikom ang bibig habang hapding-hapdi na siya. Baka nasa ugali niya na ring magpanggap na malakas. May mga ganoong tao naman kasi talaga.

Matapos malapatan ng first aid 'yung gasgas niya, hindi na ako nagsalita at umalis na lang sa lugar na iyon. Ni hindi ko na nga nagawa 'yung dapat kong gagawin. Nagulo na naman 'yung routine ko. Pinaka-ayaw ko pa naman iyon. Ito na nga 'yung pinaka-normal na buhay na gugugulin ko, ginugulo niya pa.

Tuwing magtatagpo talaga ang landas naming dalawa, ganito ang nangyayari. Ipinanganak ba siya para guluhin ang tahimik kong buhay?

Nakakaasar. Tutal ang taas-taas ng pride niya, sana naman kaya niya ring protektahan 'yung sarili niya. Kasi sa ugali niyang iyon, wala talagang tutulong sa kanya oras na kailanganin niya.

"ISKOLAR-NG-BAYAN-NGAYON-AY-LUMALABAN!"

Maingay na naman sa campus. Sanayan na lang talaga. Hindi na naman matatahimik ang araw ko. Mabuti pa'y sa Ninoy Aquiano Library na muna ako tumambay. Sakto, mainit ang panahon kaya magpapalamig na rin ako doon. Sana wala pang nakapuwesto sa paborito kong puwestuhan.

Isang segundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon