IYON NA ANG PINAKA-MASAYANG pagkakataon ng buhay ko. At kung puwede lang sana na hindi na lang natapos ang araw na iyon. Kung hindi siguro ako natulog, kasama ko pa siya ngayon.
"Nasaan siya?!" tanong ko sa kanila. "Nasaan si Ligaya?"
Sa ikaapat na araw namin ni Ligaya sa Tagaytay, nagulat ako nang magising ako hindi sa amoy ng ipiniprito niyang kung ano... kundi sa sasakyan habang napalilibutan ng mga tauhan ni daddy. Nakaposas ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natataranta ako pero wala akong magawa.
Nasaan na kaya si Ligaya?
Siya si Ligaya.
'Yung babaeng nakilala ko, isang taon na ang nakalilipas. Siya 'yung babae'
ng hindi pa kailan man nakitang mamukadkad ang flame tree sa gitna ng lagoon. Napaka-simpleng bagay, pero hindi niya pa nararanasan."Pagkatapos ng finals, mamumukadkad ang flame tree na 'yan... Sabi ng mga estudyante, makakasama mo habang-buhay ang taong kasama mo sa ilalim ng namumukadkad na puno, sa unang beses mo na maranasan 'yon... Sa oras na matapos ang finals at mamukadkad 'yung flame tree na 'yan... tapos na rin ang championship niyo... Gu-gusto mo bang... Uh, magkasama nating ano- uh..."
"Sige! Sabay nating panooring mamukadkad 'yang puno na 'yan! By that time, nakasabit na rin sa leeg ko ang star medal na ipinangako ko sa'yo."
Sinakripisyo niya ang sariling reputasyon para protektahan ang taong kumupkop sa kanya. She endured so much pain, just because she loves her so much. How can I not like someone like her? Hindi, mali! Dahil wala na yata akong ibang magugustuhan katulad nang nararamdaman ko para sa kanya...
"Anong gagawin ko? Should I tell them na hidi talaga ako 'yung bayarang babae, kundi 'yung unang taong nagkaroon ng pakialam sa akin... 'yung talagang nagbebenta ng laman niya sa bar na iyon... I have to protect her, the same way she did to protect me..."
Hindi siya 'yung babaeng iniisip ng iba. Mali silang lahat na ganoon siyang klase ng babae. Wala silang ideya sa kung sino talaga siya. Hindi nila alam kung anong mga pinagdadaanan niya. Pero bakit ang galing nilang manghusga...
Hindi siya nagpapa-cute, hindi siya pabebe. She's straightforward, yet so genuine, so pure. Paano ko siyang hindi magugustuhan?
"Can we be together without having sex?"
Kung hindi lang sana dumating itong araw na kinatatakutan ko. 'Yung araw kung saan kailangan ko nang harapin ang reyalidad na hindi ako malaya, na wala akong karapatang mabuhay nang normal. O kahit karapatan ko pa iyon, katulad ni Ligaya... wala na akong magagawa tungkol doon. Iyon 'yung araw kung kailan kailangan ko nang harapin ang pagiging Sosa ko.
Nung makilala ko si Ligaya, sandali kong naranasan kung paano mamuhay ng normal, bilang isang normal na kabataan. Pero ito at nagkahiwalay kami.
"Bakit ba raw-araw mong tinatanong sa'kin 'yan, eh suspended nga siya 'di ba?" sagot sa akin ng student assistant ni dean.
Sinubukan ko rin magtanong-tanong sa mga guard, sa bar na pinagtatrabahuhan niya...
"Hindi ko pa siya nakikita, simula nung nasuspinde siya nung nakaraang-nakaraang linggo. Baka naman lumipat na siya ng pagtatrabahuhan?" sabi nung isang babaeng nag-aabang ng customer sa labas ng bar.
"Pwede ko po bang makausap 'yung boss niyo?"
"Naku, eh wala siya ngayon eh. Nagbabakasyon. Malaki kasi ang kinita nung nakaraan, kaya ganoon. Bumalik ka na lang sa isang linggo kapag nandito na siya."
"Eh 'yung address po ng tiyahin niya, alam niyo po ba?"
"Hm, susubukan kong magtanong sa loob ah. Pero hindi ko rin sigurado kung alam nila. Maghintay ka na lang dito."
BINABASA MO ANG
Isang segundo (Completed)
RomanceIt takes a second to like someone, but it takes forever to say goodbye.