00:05

122 4 0
                                    

MATAPOS ANG GABING IYON, napadalas ang pagsasama namin ni Ligaya. 

Siya si Ligaya San Jose. 

Noon, palagi siyang napagkakaisahan ng mga estudyante. Palaging napagti-tripan at napagkakatuwaan. Usap-usapan na isa siyang bayarang babae... Pero mali sila. Dahil hindi siya ganoong klase ng babae.

Nitong mga nakaraan, hangga't maaari, sinusubukan kong palaging manatili sa tabi niya. Sa ganoong paraan, hindi na siya magagawan ng masama nung mga estudyante. Ginagawa ko lahat para hindi niya maramdaman na mag-isa siya. Binabantayan ko siya, sakaling may magbalak na namang mantrip sa kanya. Binilhan ko rin siya ng sampung padlock para sa locker niya, pero para sigurado palagi na akong nagbabaon ng extra shorts para sa kanya.

Isang beses, nakatambay kami sa labas ng Ninoy Aquino library, kung saan kami unang nagtalo. Nakakatawa dahil nagtalo na naman kami dahil lang sa maliit na bagay.

"Ano ba kasing tinitingnan mo diyan?" tanong ko sa kanya nung napansin kong hindi na siya nakikinig sa kinukwento ko. Nakatingala lang siya sa mga puno.

"Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa akin kung higanteng turumpo ba 'yan o spaceship" sabi niya habang nakatingin doon sa malaking bagay na nasa tabi ng library building, at medyo natatakpan ng mga puno.

Saglit akong natigilan, hanggang sa hindi ko na napigilan at nagpakawala na ako ng sobrang lakas na halakhak. Sa sobrang havey ng sinabi niya, naisip kong patulan siya.

"Ano?! Hindi ka sigurado kung ano 'yan?! Seryoso ka ba?" tanong ko sa kanya habang natatawa-tawa pa rin.

"Eh ano ba kasi 'yan?" inosenteng tanong niya pa rin.

"Spaceship, s'yempre!" sagot ko naman.

Nung una, tinitingnan niya 'yung mukha ko. Siguro tinitingnan niya kung seryoso ba ako o nagloloko. Saka siya nagtanong, "Eh bakit nandyan lang? Kung spaceship 'yan, bakit tuwing makikita ko nandyan lang? Eh hula ko higanteng turumpo 'yan eh!"

Pinipigilan ko pa rin ang tawa ko habang seryoso siyang nakikipagtalo.

"Ano ka ba, common sense naman! Hindi na lang kasi gumagana 'yan ngayon dahil naluma na. Hindi mo ba alam na astronaut 'yung dating president nitong University? Siya ang gumamit niyan hanggang sa napasa-pasa na. Tapos alam ko matagal siyang hindi nakita, hanggang sa natagpuan nila sa moon 'tong spaceship, tapos nasa loob 'yung buto-buto nung dati nating presidente. Eh idol siguro nila si Manuel L. Quezon, kaya ayan medyo ginaya nila 'yung tower sa circle."

Akala ko masyado nang exaggerated 'yung inimbento kong kuwento, kaya baka hindi na siya maniniwala. Pero pinatulan niya pa rin talaga 'yung sinabi ko.

"Weh? Eh hindi mo rin ba alam na dating sementeryo 'tong iskwelahan natin? Kaya nga dito nanirahan 'yung mga kakaibang nilalang noong unang panahon. Tapos diyan sa lagoon, ang nakatira daw diyan dati ay kapre. At itong tumpuro na 'to 'yung madalas niyang libangan."

"Hala, ang laki namang turumpo niyan para sa kapre? Ano siya, higante? Ow-" Napahawak ako sa bunbunan ko nung bigla niya akong batukan.

"Alam mo ba kung ano 'yung kapre?" seryoso niyang tanong sa akin.

"Hindi" sagot ko naman. "Ano ba 'yon?"

"Higante nga iyon, eh!"

"Huh? Kailan pa-"

Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko kasi biglang gumitna sa amin si Jerry na kanina'y nasa isang tabi lang at nagbabasa ng libro ni Bob Ong na Kapitan Sino. Nakikinig pala siya sa pinag-uusapan namin.

Isang segundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon