Limang taon na ang lumilipas... Marami nang nagbago sa buhay ko, sa paligid ko, sa mundo. Pati sa dating iskwelahan ko, marami na ang nabago.
Hindi na mabaho sa Lagoon. May tubig na sa fountain dahil may takip na ang butas nun. Sementado na rin ang hagdan sa great wall. Maging 'yung cabinet sa CR ng lalaki na dumudugtong sa CR ng babae, sementado na rin. Napalitan na rin 'yung masungit na librarian... Kaso balita ko, masungit din 'yung pumalit. Nandoon pa rin 'yung spaceship ng kapre. At wala na ang mga itim na upuan sa linear park.
May mga nawala at dumating. Pero may isang nananatili, at hindi nawala kailan man sa akin. Isang bagay na hindi mag-iiba, at hindi mapapalitan...
Iyon ang alaala ko, kasama ang babaeng iyon. Kahit pa naging maikli at mabilis ang mga panahon na pinagsamahan namin. Mananatili iyon dito... Palagi at kailan man.
Ang alaala ko, kasama ang babaeng 'yon.
Kahit pa naging maikli at mabilis ang mga panahon na pinagsamahan namin. Mananatili 'yon rito... Palagi, kailan man.
"Pero teka, bakit may mga basura na naman ang locker ko?" tanong ko sa janitor na naglilinis doon.
"Sir naman kasi, ang tagal-tagal niyo nang hindi nag-aaral dito, may buhay na kayo't lahat-lahat, hindi niyo pa rin inaalis 'yung locker na 'yan dito! At bakit ba linggo-linggo na lang eh bumabalik pa kayo dito? Ang dami mong time, eh ano?"
"Wala namang basagan ng trip kuya. Parang dati lang, nagpapa-autograph at nagpapapicture ka pa sa akin. Naka-sampung pirma na nga yata ako sa bola mo, eh. Tapos ngayon tinataboy-taboy niyo na lang ako?" sabi ko habang umaarteng nagtatampo sa kanya.
"Dati 'yon! Nung minsan-minsan lang kita makita. Ngayon, sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo! Mas guwapo ka naman sa TV kaysa sa personal, kaya sa TV na lang kita papanoorin."
"Pero sino nga kasing walangya ang nagtapon ng mga basura dito sa locker ko?"
"Hindi ko nga alam! Eh kanina kasi may babae'ng butas-butas ang palda na nabuksan 'yang locker mo gamit ang hairpin niya. Tapos nilagyan niya ng basura. Hinabol ko siya pero tumakbo na siya sa Lagoon."
Nagsitayuan ang balahibo ko. Matapos ang ilang taon, kumabog na naman ng ganito kalakas ang dibdib ko. Siya ba 'yung babae na iyon? 'Yung babae'ng nakilala ko ilang taon na ang nakalilipas?
'Yung babae'ng butas-butas ang palda?
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad-agad akong tumakbo papunta sa Lagoon.
"Babalik ako Kurt. Sandali lang naman iyon... Hanggang sa muli."
Nagbalik na nga ba siya? Ito na ba'yung sandaling magkakasama kaming muli?
Pagdating ko sa Lagoon, dinala ako ng mga paa ko sa ilalim ng flame tree. Pagtingin ko sa paligid, wala namang ibang tao doon. Sembreak ng mga estudyante ngayon, kaya wala talagang masyadong tao dito.
Namumukadkad na naman ang flame tree-
Natigilan ako nung isinuot ko ang kamay ko sa butas nung puno, at hindi makapa ang medalyang itinago ko doon.
Nasaan na, nasaan na 'yung medalya?
"Pagbalik ko, may lakas na ako ng loob na humarap sa'yo at sa daddy mo. May lakas na ako ng loob para kunin ang star medal sa punong apoy. At magkatabi na nating mapapanood ang pamumukadkad ng flame tree."
Kinilabutan naman ako doon... Naalala ko nung niyakap ko ang multo ni Ligaya noon. Leche, naiihi tuloy ako... Ihing-ihi na ako. Wala naman nang tao sa paligid. Wala na akong choice kundi umihi dito sa flame tree. Hindi naman siguro magagalit itong puno na ito, dahil close na kami.
BINABASA MO ANG
Isang segundo (Completed)
RomanceIt takes a second to like someone, but it takes forever to say goodbye.