00:03

186 5 2
                                    

SA LOCKER ROOM NG GIRLS...

"Hey girls! Here she comes, dali-dali" narinig kong sabi ng isang babae sa mga kasama niya nung makita nilang paparating na ako.

Ako si Lagaya San Jose... ang babaeng pinag-uusapan sa buong eskwelahan. Ako 'yung napapabalitang madalas makita na labas-masok sa isang bar malapit sa Altura. 

Oo, ako nga si Ligaya.

Unang taon ko pa lang sa iskwelahan na ito, sa kursong Accountancy. Bago lang ako dito pero masama na ang tingin ng tao sa akin. Pero sanay naman na ako sa ganitong pagtrato ng mga tao, dahil ganito rin ang naranasan ko nung high school. Sanayan na lang talaga...

Naririnig ko man ang pagbubulungan nung mga babae pagpasok ko sa locker room, nagpanggap na lang ako na hindi sila napapansin. Doon naman ako magaling... sa pagpapanggap. Tsaka mukhang pinaririnig naman talaga nila sa akin. Iniisip ko nga, tama pa bang tawagin iyon na bulungan kung naririnig ko naman?

Tuloy-tuloy akong naglakad habang nagpupunas ng buhok dahil sa katatapos lang na P.E. class namin na swimming. Kukunin ko na sana ang uniporme ko para sa susunod na klase, pero nung buksan ko ang locker ko... bumungad sa akin ang palda ko na butas-butas na.

Hindi na ako nagulat. At ayoko rin na ipakita sa kanila 'yung expression na hinihintay nilang makita sa mukha ko. Hindi ko puwedeng ipakita sa kanila na apektado ako sa mga ginagawa nila. Iyon na lang 'yung natitira sa akin, dahil maski kapiranggot na pride... wala na ako.

At ano pa bang kagulat-gulat doon? Sanay na sanay na ako sa mga ganitong bagay na ginagawa sa akin ng mga schoolmate ko. Sa araw-araw naman kasi na ginawa ng diyos, hindi ako nakakauwi nang hindi nakatatanggap ng pambu-bully mula sa kanila. Pero kahit sanay na ako sa ganito, hindi ko pa rin maiwasan na masaktan. Tao pa rin naman kasi ako, may damdamin, nasasaktan. 

Pero sa kabila ng lahat ng nararanasan ko, wala naman akong ginagawa. Nananatili na lang akong matatag, mag-isa. Tumatahimik na lang ako at hindi pinapatulan ang panunukso nilang lahat. Hindi ko naman itinatanggi 'yung mga chismis tungkol sa akin... kaya iniisip nilang lahat na baka totoo nga... Na isa akong bayarang babae.

Nagtawanan sila nang nagtawanan, na para bang wala nang bukas. Na para bang wala nang susunod na pagkakataon, kaya hangga't may magagawa silang masama sa akin ay dapat na nilang gawin.

"Sus, 'wag ka ngang umarte na ngayon ka lang magsu-suot ng ganyan. Eh panigurado, ganyan din naman ang sinusuot mo sa bar na pinatatrabahuhan mo 'di ba?"

"Oo nga! Oh baka naman kasi nahahabaan pa siya masyado diyan. 'Di ba girl, baka mas maikli pa diyan ang nakasanayan niyang suotin!"

"O BAKA NAMAN! Wala ka nang sinusuot kapag nandoon ka?"

Umalingawngaw sa buong locker room ang tawanan at pangungutya nila sa akin. Pero wala akong balak na patulan sila. Kaunting pagtitimpi lang naman ang katapat nila.

"Oo nga ano, may sinusuot ka pa ba doon? Ano, singsing?"

"Edi sumasayaw-sayaw ka rin doon? Paano, pakita mo nga sa'min!!!"

"Huwag niyo na siyang pasayawin, malay niyo naman pang-kama lang talaga siya."

Mas lumakas pa ang tawanan nila sa locker room. Wala na akong nagawa kundi suotin 'yung palda ko na binutas-butas nila. Alangan naman kasing suotin ko 'yung rash guard ko.

Iyon na ang sinuot ko papunta sa susunod kong klase. Pinagtitinginan ako ng mga tao, pero wala naman akong magagawa tungkol doon. Kailangan ko lang magpanggap na wala akong pakialam. Wala rin naman akong kaibigan na mahihingan ng tulong.

Ganito na talaga. Ganito naman na palagi ang kinahihinatnan ng mga nangyayari sa akin. Nag-iisa lang ako. Lahat ng sakit at ginagawa nila sa akin, kailangan kong solohin. Ni wala man lang magtatanong sa akin kung ayos lang ba ako, kung ayos pa ba ako... kung kaya ko pa ba, o ano.

Ganito na ang nakasanayan ko simula pa noon. Pero nung isang linggo... tinulungan na naman ako nung lalaki na iyon. Hinugasan at ginamot niya 'yung gasgas na nakuha ko katatakbo dahil sa mga lalaki na humahabol sa akin nung araw na iyon. Binabayaran kasi ako nung mga manyak na iyon para magbigay-aliw sa kanila... Akala talaga nila, bayarang-babae ako. Marami sila, hindi katulad nung dalawa nung isang araw na nakaya kong labanan. Sobrang dami nila kaya tinakasan ko na lang sila. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa madapa ako sa Oval. Hindi na nila ako sinundan doon, dahil maraming tao doon tuwing hapon... 'yung mga nagkaklase at karamihan 'yung mga atletang nagte-traning.

Hinding-hindi ko makakalimutan 'yung lalaki na iyon. Sa unang pagkakataon, may ibang tao na gumawa ng isang bagay para sa akin. Bukod sa kanya, wala naman kasing ibang tao na gagawa ng mga bagay-bagay para sa akin..... Kaya nga sinanay ko ang sarili ko na kayaning mag-isa, nang hindi umaasa sa iba. Pero kahit ganoon ang nakasanayan ko, may mga pagkakataon na hinihiling kong may gumawa ng ilang bagay para sa akin. At tinupad niya 'yung hiling ko na iyon. Kaya lang, hindi ko naiwasang isipin na katulad lang siya nung ibang lalaki. Lalo pa at katulad niyang mga basketball team members 'yung mga humahabol sa akin nung araw na iyon. Baka katulad nila, ganoon lang din ang habol niya sa akin.

Nasungitan ko siya nung hapon na iyon...

"Ano bang pakialam mo?! Magsama-sama kayo, pare-parehas lang naman kayo!"

Pero kahit nagtaray ako, tinulungan niya pa rin ako... He makes me want to believe that he's different.

"This is not how you treat other people... And that's not how you treat a scrape. Tutal ang galing-galing mong magmatapang, sana lang alam mo kung paano maglinis ng sugat mo."

Hindi rin iyon ang huling pagkakataon na tinulungan niya ako. Nung isang araw naman, iniligtas niya ako sa library. Siguro kung wala siya nung oras na iyon, baka nadulas talaga ako at hindi ko na alam kung ano pa ang puwede sanang nangyari sa akin. Pero imbis na pasalamatan siya, sinungitan ko na naman siya. At mukhang nagalit na talaga siya sa akin dahil doon.

Pero mas lalo akong nainis sa sarili ko nung mabasa ko 'yung sinulat niya sa eroplanong papel. "Sorry to make you feel judged. I don't even know your truth, yet I crossed the line. I sincerely apologize."

Noon ko naisip na baka mali nga ang iniisip ko tungkol sa kanya. Puwede naman kasi na iba nga siya sa kanila. Kaya nga nung hapon na iyon, nagpasalamat ako sa ginawa niya. Pero hindi naman ako nagpapatansya na patuloy siyang maging nandyan para sa akin. Hindi naman ako dedepende sa pagtulong niya sa akin. Hindi ako dapat umasa na manatili siyang nandyan para sa akin dahil alam kong katulad ng iba, mawawala't mawawala rin siya.

Kaya hanggat maaga, hindi ko na hahayaang mapalapit pa ako sa kanya. Hindi na ako aasa sa kahit na anong tulong mula sa kanya. Hindi na rin ako maghihintay sa mga susunod pang magagawa niya para sa akin. Natuto akong gawin ang mga bagay-bagay nang mag-isa, nang ako lang. Hindi ko puwedeng i-asa sa kanya lahat ng puwede niyang gawin para sa akin... Kasi sa huli, isa lang ang masasaktan sa amin.

At sawang-sawa na akong masaktan. Hindi ako bato, hindi ako manhid. Masakit para sa akin ang masaktan. Hindi porque sanay na ako, hindi ko na mararamdaman 'yung sakit. Tao pa rin naman kasi ako. Kahit pa para sa iba hindi, tao pa rin ako.

Isang segundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon