00:13

72 3 1
                                    

MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON... Pumunta ako sa dati kong school. Wala naman nang masyadong nagbago doon. Pero kahit saan ako tumingin, iisang tao lang ang pumapasok sa isip ko. Tatlong taon na ang nakalilipas ngunit wala pa rin akong balita sa kanya... Miss na miss ko na talaga siya.

"Sosa?" napalingon ako sa tumawag sa akin. "Ikaw nga!!! Ang tagal mo nang hindi dumadalaw dito ah? Bakit ka naman napadpad dito?"

"Wala naman po, binabalikan ko lang 'yung mga alaalang namimiss ko na."

"Naku ikaw talaga. Balita ko ay malapit na kitang mapanood sa PBA ah?"

"Pressure ka naman coach, eh. Kamusta na po kayo?"

"Naku, malapit na akong magretiro. Ito na ang huling taon ko. Kaya nga nagliligpit na ako ng gamit ko. Halika nga at samahan mo ako sa locker room."

Sinundan ko naman siya.

"Alam mo ba, kahit isang taon lang kitang nahawakan, eh talagang napahanga mo na ako" patuloy niyang pagsasalita habang naglalakad kami. "Sayang lang at lumipat ka na ng school pagkatapos ng isang taon. Pero dahil MVP ka nung taon na 'yon, eh hindi ko pinagalaw 'yang locker mo. Naku, mapuputol ang daliri ng taong hahawak diyan sa locker mo."

Nun ko lang napansin na nasa harap na ako ng locker ko.

"Sige na't kunin mo na 'yung mga gamit mong naiwan diyan kung mayroon man. Dalawang taon na walang gumalaw diyan." Hula ko, wala na itong laman. Dahil wala naman na 'yung taong naglalagay ng basura sa locker ko. "Oh bakit hindi mo buksan 'yang locker mo? Wala ka na ba nung susi mo? Gusto mo ba'ng-"

"Huwag na po. May nagturo naman po sa akin kung paano 'to buksan" sabi ko at saka ko ginawa 'yung tinurong technique ni Ligaya sa akin.

"Oh Sosa, wala naman palang laman 'yang locker mo eh."

Nanlaki ang mata ko, at tumayo ang mga balahibo ko. Kinikilabutan ako...

"Meron coach."

Ang tagal... Ang tagal-tagal na nung huling tumibok nang ganoon kalakas ang puso ko. Tatlong taon na ang lumipas mula nang tumibok sa ganoong paraan ang puso ko...

"Oo nga, ano. Ano ba 'yan ha, eroplanong papel?"

"Coach..." tawag ko kay coach habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa eroplanong papel. "Kelan niyo pa po huling pinagbawalan ang mga tao na hawakan 'tong locker ko?"

"Pagka-alis na pagka-alis mo ay wala nang nakahawak na ibang tao diyan sa locker mo. Eh bakit ba?"

Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang eroplanong papel. Sa pakpak nun, nakasulat ang "Sorry..."

Para sa natatanging lalaki na minahal ko.

Para sa nag-iisang lalaki sa buhay ko.

Sayo, na natatanging mamahalin ko...

Mapatawad mo sana ako. Nagsinungaling ako. Hindi ako nag-exam. Napanood ko ang championship niyo nung isang buwan. Nandoon ako nang makuha mo 'yung ipinangako mong star medal sa akin. Alam ko namang makakaya mo 'yon eh. Naniniwala ako sa'yo.

Patawarin mo ako kung hindi kita sinipot sa Lagoon, sa ilalim ng flame tree... Pero nandoon ako Kurt. Nandoon ako, habang isinisigaw mo ang pangalan ko... Nandoon ako.

Pasensya ka na kung pinagtaguan kita nang halos isang buwan. Pero nandoon ako nung hinahanap mo ako. Nandoon ako. Nandoon din ako nung pabali-balik ka sa Lagoon para hintayin ako. Nandoon ako. Nandoon ako nang ilagay mo ang star medal sa flame tree... nandoon ako Kurt.

Isang segundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon