AN: Currently working on my next fan fic. Pero I'm thinking of having a break muna sa KATHNIEL. Watcha think, guys? Ayun. Update. ♥ VOTE AND COMMENT!!
TWIST OF FATE --- TWENTY.THREE
Patrick’s POV
Sasabihin ko na dapat sakanya na mahal ko siya eh, kaso bigla namang may nangyaring hindi inaasahan. Talaga ngang pinaglalaruan kami ng tadhana no?
Pagkatapos nung party, hindi ko na nakita si Ella. Triny ko siyang itext at tawagan, hindi naman siya sumasagot. Pupuntahan ko na dapat sakanila eh kaso wala lang talaga akong oras. Ako kasi nagbantay kay Cassy nung na-ospital siya.
Ngayon naman, back to school na ulit. Sana makita ko na si Ella ngayong araw!! =))) Naeexcite na nga ako eh. Yiheeee. Speaking of! Ayun na siya. Papasok na ng room. Linapitan ko siya.
“Ella! Blooming ka ngayon ah! Ano namang nakain mo at gumanda ka?” pang-aasar ko sakanya.
NO REACTION SIYA. Hindi siya naasar. Inakbayan ko siya, hindi niya inalis. Hindi niya ako tinignan ng masama. Hindi niya ako kinausap. Galit ba sya?
Buong araw tiny ko siyang suyuin. Tinabihan ko pa nga siya sa mga klase eh kaso walang epekto. Talagang galit siya ah!
Nakakalungkot isipin na nung party lang eh sobrang saya namin tas ngayon, ni hindi nga niya ako matingnan ng maayos. Ano bang problema niya?
“Pre.. mukhang problemado ah? Kanina ka pa nakatulala dyan.” Biglang sabi ni Tikoy.
“Pre, si Ella.” Sagot ko naman.
“LQ ba?” tanong ni Tikoy.
“Di ko nga alam pre eh. Bigla na lang hindi niya ako pinansin.” Sagot ko.
“Pre, ganyan talaga mga babae. Siguro bigyan mo muna siya ng time mag-isip. Malay mo diba pag hindi ka na niya matiis eh siya na lang biglang kakausap sayo.” Advice naman ni Tikoy.
“Salamat pre.” Sabi ko.
EH, ano ba kasing nangyari kay Ella? Labo niya. Naiinis lang tuloy ako. Tsk!!
“Pre, tara baba tayo. Hahanap ako ng chiks.” Pangloloko ko kay Tikoy.
“Loko ka pre. Pero, tara.” Pumayag naman. HAHAHAH =))
Ella’s POV
Kung pwede lang talaga, magaabsent na ako forever! Hindi ko kayang harapin si Patrick. </////3 Baka hindi ko siya matiis eh. Tsk.
Onga pala, kinuwento ko na kay Tammy lahat. As in lahat. Simula sa umpisa hanggang sa nararamdaman ko kay Patrick ngayon. Sobrang saya ko kasi cinomfort ako ni Tammy. Medyo nabawasan ang pighati na aking nadarama.
“Oh, bes. Malapit na tayo sa room. Kayanin mo ha. Andto lang ako.” Bulong ni Tammy.
SHIT -_________- Papalapit na kami sa room. AYOKO NA. BACK-OUT. UWI NA LANG AKO. Huhuhuhuhuhuhu. Kaso, ayun. Dumiretso pa din ako. Pagkapasok ko, tinawag niya agad ako.
“Ella! Blooming ka ngayon ah! Ano namang nakain mo at gumanda ka?” pang-aasar ni Patrick.
Gusto ko na sana siyang sikuhin sa tyan eh kaso iba yung sinasabi ng utak ko kaya dumiretso lang ako sa paglalakad. Kaso, nagulat ako nung inakbayan niya ako! Muntik na akong bumigay. :(
Nakakatuwa pa rin siya kasi hindi siya natinag na suyuin ako. Kaso hindi naman ako nagpadala. Mamimiss ko sakanya ‘to. SHET., Parang gusto ko na umiyak. Kaya lumabas na lang ako. Pumunta ako sa CR. Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Tammy.
“Ella?! Ella?! Asan ka? Okay ka lang ba?” sigaw ni Tammy sa CR.
“Andito ako. Okay lang. Kailangan ko lang ilabas ‘to.” Sagot ko. Tas ayun, tuluyan na akong napaiyak. Kung bakit ko ba naman kasi mahal si Patrick eh!!
“Bes, sige lang. Iiyak mo lang yan. Basta bes pag naiyak mo na lahat, papakasaya ka na ha? Ayokong nalulungkot ka.” Sabi ni Tammy. Sweet talaga ng SIS ko!!
“Salamat Tammy. Sobrang salamat.” Sabi ko. Tas ayun, bumalik na kami sa room. Minake sure ko muna na hindi halatang namumula yung mata ko.
Pagbalik namin, good news kasi wala si Patrick tska si Tikoy? San kayo yun nagpunta? Uy, namimiss ko. Hihihihi :”>
Hindi na sila nag-class pa. In short, nag-cut sila sa ibang class. Bumalik lang sila nung uwian na. Eh kami na lang natira ni Tammy sa room.
“Ikaw, Bebe Tikoy. San ka ba nagpupunta ha?” sigaw ni Tammy sabay walk-out sa labas. Sinundan naman siya ni Tikoy. Kaya, eto kami natira ni Patrick.
DUGDUGDUGDUGDUGDUG <////////////////////////3
Kinuha ko na bag ko at mabilisang lumabas kaso hinawakan niya yung braso ko.
“Ano bang problema mo Ella?! Bakit hindi mo ako kinakausap?” tanong ni Patrick.
Hindi ako sumagot pero tinignan ko lang siya. Eto na naman. Nararamdaman ko na naman yung luha ko.
“ANO BA ELLA! BINGI KA BA! HINDI MO BA AKO NARIRINIG!” sigaw ni Patrick. Halata mo na sa mukha niya na galit na siya. Nakakatakot nga eh.
Pero sabi ko sa sarili ko kahit anong pagwawala o galit niya dyan, hindi ko siya papansinin.
Lalabas na ulit ako kaso hinatak niya ako papalit sakanya. Hinawakan niya ako ng sobrang higpit.
Akala ko makakalabas na ako dahil may biglang nagbukas ng pinto ng room kaso..
“ISARADO MO YAN! WALANG PAPASOK!” sigaw ni Patrick dun sa nagbukas.
Sa mga oras na ‘to. Natatakot na ako sakanya. ANO BANG NANGYAYARI SAKANYA?! :’(((
“HINDI KA BA SASAGOT HA?! ANO?!?!? ELLA?!?!??!” sigaw ni Patrick. Nagulat naman ako kasi sinipa niya yung isang upuan.
Ayan na, umiiyak na ako. Hagulgol na ata ‘to eh. HUHUHUHUHUHU :(
Bigla siyang kumalma at umupo pero nakayuko. Siya na din umiiyak. HALAAAAAAAAAA. Ayoko na. Ayoko na. :(
“Tama na, Patrick. Itigil na natin ‘to. Itigil na natin itong larong ‘to. Ayoko na. AYOKO NA!!!!” sigaw ko. Dali-dali ko namang kinuha yung bag ko at tumakbo palabas.
Nung tumatakbo na ako pababa, bigla kong nakasalubong si Christian.
“Ella, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” tanong ni Christian.
Hindi na ako sumagot pa. Bigla ko na lang siyang yinakap at patuloy na umiyak.
---- END ----
BINABASA MO ANG
Twist of Fate: Book One (Dedicated to Kathniel)
Teen FictionMay mga bagay sa buhay natin na bigla na lang dumadating. Sabi nga nila, “Everything happens for a reason.†Pero bakit nga kaya sila dumadating? Para mapasaya o mapaiyak tayo? Para mahalin o saktan tayo? Para patawanin o paluhain tao? Ano nga ka...