CHAPTER 1

2.5K 49 1
                                    

Jhoana Maraguinot

"ANNOUNCING TO ALL GRADUATING STUDENTS PLEASE PROCEED TO THE GYM FOR THE GRADUATION PRACTICE"

"Kaloka naman! Hindi pa nga ako nakaka isang subo sa leche plan ko!"

"Hahaha hayaan muna bes, gragraduate nadin naman tayo next week at libre kanang kumain ng kahit ilang leche plan pa yang gusto mo"

"Tss. Minsan talaga sarap siraan yang intercom eh, para walang istorbo pag kakain ako."

"Brutal mo naman Gizelle Tan! Maawa kana man diyan sa tiyan mo! Halos sumabog na yan dahil hindi na kasya lahat ng mga kinakain mo!"

"Nako naman, nagsalita ang hindi matakaw."

"Hahaha sabi ko nga parehas lang tayo eh. Lika na nga, dami mong satsat. Iwanan mo na yang leche plan mo dyan, kumain kana lang ulit mamaya, rich kid kana man e"

Magsasalita pa sana si Gi, kaso hinila ko na siya papunta doon sa gym. Bungangera din kasi tong si Gi, hindi gumaya sa ate B niya. 😅

Ay, nga pala, Hi friends! Jho Mataguinot, here! 20 years old at Gragraduate na ako next week! Yes naman! Mix emotion ako mga beh. Kasi naman masyadong na attached na ako sa Ateneo, ang hirap iwanan. Ito na kasi naging pangatlong bahay ko sa loob ng liman taon. (Syempre una yung bahay namin sa Lipa, pangalawa yung Eliazo hihihi 😅)

Anyway, yun na nga. Happy ako dahil at last makakagraduate na ako, matutulungan ko na din yung pamilya ko at ako naman ang mag papaaral kay jaja.

Syempre, limang taon din nagsumikap si papa sa ibang bansa para lang mapag-aral ako kaya gusto ko, ako naman this time. Pero syempre nalulungkot ako dahil, ma mimiss ko ang Ateneo, lahat ng tao sa Ateneo, ma mimiss ko yung UAAP games. Suppose to be kasi, may two playing years pa akong natitira kaso, hindi ko na pinush dahil nga gusto ko ng umuwi si papa dito sa Pilipinas. Ma mimiss ko din most especially yung team mates ko, si coach Tai at of course ang baeby beadel ko.

Kaloka naman kasi dapat sabay kami ngayong gragraduate e, ewan ko ba dyan sa PoveDUHHH 😬

Nasanay na ako na halos araw-araw siya yung kasama ko, simula pag gising ko at hanggang pagtulog ko siya yung nakikita ko 😔 Mamimiss ko yung late nights harutan namin huhuhu iniisip ko pa lang parang bumibigat na yung kalooban ko 😔😭

Anyway, masyado na atang mahaba yung pagiisip ko, hindi ko na namalayan na nandito na pala kami ni Gi sa gym.

Umupo na kami ni Gizelle dun sa ikatlong row, sa pinakadulo. Tsss. Mahaba-habang diskusyon na naman ito.

Nakikinig lang ako kay prof Chua habang nag iinstruct siya sa mga dapat gawin namin sa graduation. Samantalang itong katabi ko ang likot likot. Parang may uod sa pwet eh 😂

"Bes, tingnan mo yung si Tejada oh. tss. Sarap dukutin yung mata niya, grabe kung maka tingin sayo e. Insecure much to talaga sayo bes e"

Bigla naman akong nalungkot dahil sa sinabi ni Gi, NAGING bestfriend ko din kasi si Marge eh..

"Hayaan mo na siya, Gi. Hindi din naging madali sa kanya, kaya siguro galit parin siya sakin hanggang ngayon. At isa pa naawa nadin ako sa kanya e"

"Tss. Wag ka ngang magpaka anghel diyan sa kanya, bes. Bakit inisip niya ba na kaibigan ka niya noong ginawa niya sa inyo yun ni Bea? Nako nako nanggigigil talaga ako sa Tejada na yan!"

"Nukaba, beh. Past na yun hayaan mo na, tsaka masaya naman kami ngayon ni Bea. Kalimutan nalang natin."

"Nako Jhoana ha, masama din maging sobrang mabait."

Hindi na ako nagsalita, alam ko namang magtatalo lang kami nitong si Gi, ibinalik ko nalang ulit yung atensyon ko kay Prof. Chua, ganon na din si Gi.

I Still Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon