CHAPTER 16

375 19 3
                                    

The fear that I have has finally come, that you will lose the feeling we once build.
Tell me how? How do I undo this feelings if half of this was owned by you.
Again I ask how? How do I unlove you? How do I unlove someone who taught me what love is all about.
And again I ask how? How do I live now? if part of me breaths only for you.

----------------------------------------

Jhoana Louisse Maraguinot

"Jho, give yourself a break. Anong oras na hu, we still have time tomorrow, we can work that out."

"Mauna ka na Ged, okay lang talaga, I just really need to finish this."

"Jho, it's already 9, hindi ka pa kumakain. Kaninang hapon ka pa diyan."

"Ged, okay lang talaga ako, ganito talaga ako magtrabaho. Don't worry about me okay? Umuwi kana."

"Okay okay but text me if pauwi kana ha? I'll get going."

Sabi ni Ged at lumabas na ng office.

Kaninang hapon ko pa binubugbog yung sarili ko sa trabaho. I need to finish this. It's been already 5 days after our meeting with Beatriz. Ilang araw din akong nag conceptualize for this, I just need to put my thoughts into the design.

Hindi ko na namalayan yung oras kasi Kaninang umaga pa ko kinukulit ni Nico, ilang beses siyang tumawag today tapos nag tetext pa kaya naisipan kung i-off muna yung cp ko.

Ganito kasi yun, After ng lunch namin ni Nico, niyaya kong mag dinner sina Jia at ate Ells. Mabuti naman at wala silang parehong trabaho that time. Tapos napagdesisyonan naming mag bar tapos nandun din pala si Nico. After ng gabing yun, kinukulit na nya ako palagi.

---------------------------

Flashback


"Parang makakatikim ng batok yung Bea na yun ha? Yan ba tinuro ko sa inyo?!"

Pagtataray ni Donya Ella. Kahit kelan talaga parang nanay to.

"Ate Ells, hindi naman natin masisisi si Bea. Hindi natin alam if nagiging personal siya si jho or talagang hindi niya talaga gusto yung design"

"Gets ko yun ju, pero kailangan ganun ba ka harsh?"

Ano bang ineexpect niyo pag nagsama ang dalawang to? Kanina pa sila nagtatalo, samantalang ako tawa lang ng tawa.

Kwenento ko kasi sa kanila lahat ng nangyari, simula nung first meeting namin ni Beatriz after kong umuwi ng Pilipinas. Sobrang lakas ng tawa ni ate Ells yung kwenento ko yung part na naihi ako sa shorts ko dahil sa kaba.

Hayss ngayon lang nagsisink in sakin lahat. Nakakamiss yung college days, yung magdidinner lang kami sa sambo after the game tapos uuwing dorm, magkwekwentohan. Ibang iba na ngayon, may sari-sariling buhay na kami at bihira nalang magkita.

Dati masaya lang kami ni Beatriz, kung may problem man, naaayos din agad.

Pano kaya kung hindi ko siya iniwan dati noh? Masaya parin kaya kami hanggang ngayon?

If I only have a time machine, i would go back time and fight for you Beatriz.

"HOY JHOANA LOUISSE! TULALEY KA NA NAMAM DIYAN!"

I Still Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon