CHAPTER 15

388 13 1
                                    


Take me back to days were there was still you in me, and me in you. Because the more I deny this feelings, the more my soul craves for you. 


-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Jhoana Louisse Maraguinot

Jho ano ba! kaya mo yan! Bakit ka ba kinakabahan? Makikipagmeeting ka lang naman sa ex mo!

Ou na! ex na! Kelangan ipamukha pa talaga!

Huminga ka Jho! isa... dalawa.. tat-

"AYY BAKLANG PALAKA! TOKNENENG KA TALAGA  COTOCO!!"

Kahit kelan talaga pisti to si Ged, kikabahan na nga ako, nenerbyosin pa dahil grabe kung maka gulat.

"Ano ba kasi ginagawa mo jho? para kang tanga eh"

"Nako wag mo kong simulan Cotoco ha! Ang aga aga, sinisira mo yung aura ko."

"Ang feeling mo talaga Jho, tingnan mo kaya sarili mo ngayon, para kang natatae na ewan. Loosen up okay? Maganda ka, magaling ka, matalino ka. Im sure kaya mong humarap sa EX mo."

Natabingi na ata utak ni Ged ano po? Hindi siya ata sure if iinsultohin niya ako o kaya pupurihin. 

Obviously po, hindi alam ni Ged yung plano namin ni tito elmer na "Oplan Bawiin si Beatriz kay Margarita". Akala niya, normal meeting lang to. Kahit si Jia na bestfriend ko hindi alam ang tungkol dito. 

Medyo napatagal ata monologue ko dahil bigla naman ulit akong ginulat ni Ged

"Gumising ka na Jho, malapit na tayo sa office ng EX mo"

"Ou na nga! ex na! ulit ulit talaga Cotoco?"

"HAHAHAHAHA Alam mo jho, nakakatuwa ka. Halatang halata eh"

"Ganun ba ko ka obvious?"

"Hmmppp.. ou eh HAHAHAHA"

Inirapan ko nalang ng mata si Ged. Dati natutuwa pa ko dahil siya partner ko ngayon parang pinagsisisihan ko na eh.

Napatigil kami ni Ged sa paglalakad dahil nasa harap na kami ngayon ng office ni Beatriz.

Huminga muna ako ng malalim.. kaya mo yan Jho! Queen eagle ka diba? kayang kaya mo yan.

Bubuksan ko na sana yung pinto kaso pabibo tong si Ged.

"Ano ba yan Jho, ang tagal naman"

sabi ni Ged na a-akmang bubuksan ang pinto, kinabig ko naman ito agad at inirapan si Ged. Bubuksan ko na sana yung pinto pero hindi ko na malayan na nakabukas na pala ito. At dahil may balat ata ako sa pwet, nabundol ako sa lalaking papalabas ng office ni Beatriz.

Syempre nag sorry ako

"I'm so sorry, I didn't saw you coming.."

Uyyyyy english yun! Pero ang weird kasi biglang ngumiti yung lalaki.

"It must be my lucky day today. I think we're really destined to see each other  Miss?"

Buang ba to? nakakaloka ha, ang landi. Tiningnan ko naman si Ged, halatang nagpipigil ng tawa yung mokong. tsk. Akala ko pa naman okay yung araw na to ngayon.

I Still Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon