CHAPTER 2

1.6K 38 0
                                    

Bea De Leon

"Anuba yan ate Ells, bilisan niyo na please! Gustong gusto ko ng makita ang baby ko!"

"LANGYA, DE LEON! UMABSENT NA NGA AKO SA TRABAHO PARA LANG MATULUNGAN KITA DITO SA SURPRISE MO KAY INENG EH!"

"ANO BA YAN DONYA! ANG INGAY NAMAN NG BUNGANGA MO"

"AKO PA TALAGA MORADO HA! NAKO NAKO KUNG DI KO LANG TALAGA KAYO MAHAL!"

"Wait! Teka nga, teka nga! Ba't ba kayo nagsisigawan eh magkaharap lang naman kayo?!"

"WALA KANG PAKIALAM, SHUT UP KA NALANG!"

Sabay na sigaw ni Ate Ells, at Jia. Huhuhu kaibigan ko ba talaga ang mga to? 😭😭

"Don't me! Ililibre naman kita sa sambo, donya ah, tsaka hindi niyo naman matitiis tong charm ko at alam ko na kayo presidente ng JhoBea kaya pleaseeeee... mag f-four nadin o"

Sabi ko with matching pacute at puppy eyes, alam ko namang hindi ako matitiis ng mga to, ako pa ba? BEA DE LEON to no 😏

"Tss. Sige na nga basta yung sambo ko ha?"

"Grabe ka talaga ate Ells, basta pagkain e no? Ang bilis"

"Tigil-tigilan mo ako Julia Melissa ha! May utang ka pang potato corner sakin!"

"Grabe naman ate Ells, naalala mo pa yun?"

"Syempre, Ju. Basta pagkain, matalas memory ni ate Ells"

Sabi ko kaya nakatikim na naman ako ng batok from donya. Ang toto kasi niyan e, monthsary namin ng baby Jhoana ko kaya andito kami sa rooftop ng isang five star hotel, dito lang sa may QC. Kasama ko si Jia at Ate Ella, sila kasi pinaka close namin ni Jhoana at sila lagi tumutulong sakin pag may surprise ako sa baby ko.

Tinutulungan nila ako para sa surprise dinner ko for Jhoana mamaya. Ang sweet ko diba? Hihihi exclusive lang for my one and only Jhoana tong ka sweetan ko 😊 Loyal to mga brad! 💪

So yun na nga, kahit finals namin bukas ay nandito ako. Mamayang gabi nalang siguro ako marereview, tsaka yakang yaka ko naman yung exam, ako pa ba? HAHAHA Tska I promised Jhoana na siya ang first priority ko palagi. And isa pa one year and six months na kami noh! I don't want to miss it.

Oh, by the way I'm Isabel Beatriz De Leon, Jhoana Maraguinot's Forever 😊 Hindi naman siguro halata na sobrang baliw na baliw ako kay Jhoana 😅 Ganyan siguro talaga pag nagmamahal ka, nagagawa mo yung mga bagay na kahit kailan hindi mo inakalang magagawa mo. Yun oh! Straight tagalog! 😅

Jhoana brings out the best in me in many ways. She taught me a lot of things that I never thought I could learn. She taught me, not only to love unconditionally but also to humble myself. Ma pride kasi akong tao. Ayoko yung ako ang nagso-sorry or ako yung gagawa ng first move para magkabati.

Si jhoana ang nagturo sakin na kahit sa anong pagkakataon ay mas mahalaga ang relationship mo sa isang tao kesa sa pride mo. Siguro naman ay na kwento na ni Jhoana sa inyo yung story namin? Kung naalala niyo, noong nilayuan ako ni Jhoana ay never ko siyang sinuyo or tinanong kung bakit niya ako nilalayuan but, I know that deep in my heart na sobrang nasasaktan na ako but I was that coward to admit it to myself kaya, nagmatigas ako.

Jhoana is a one of a kind person, masasabi ko na ibang-iba siya sa ibang babae.

She don't drink nor party, siguro pag necessary lang but aside from that hindi na. I was a hard drinker before, kahit ilang bote pa yan ay kaya kung ubusin. Yung tipong, uhaw na uhaw sa alak but, when I met Jhoana ay nagbago ako.

Mas gusto ko na yakapin siya buong magdamag habang nanonood kami ng movie kesa magparty, mas gusto ko na samahan siyang mag coffee at tulungan siya sa mga assignments niya kesa uminom.

I Still Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon