CHAPTER 4

1.1K 33 0
                                    

GRADUATION DAY

"Jhoana Louisse Maraguinot, Cum Laude"

Halos hindi makapaniwala si jhoana sa narinig niya, hindi niya inakala na magiging cum laude siya. Ang sabi kasi ng dean nila ay sa graduation na mismo sasabihin kung sino sino ang mga cum laude. Kaya halos mangiyak ngiyak si jhoana ng marinig niya iyon dahil sa wakas ay graduate na siya at cum laude pa tapos matutulungan nadin niya ang pamilya niya.

Umakyat na si jhoana para kunin ang kanyang diploma at certificate na nagpapatunay na nagtapos na ito ng kolehiyo. Sinabihan si jhoana ng dean niya na mag message daw muna bago  bumaba sa stage.. bigla namang kinabahan si jhoana, hindi niya alam kung anong sasabihin niya.. dahil hindi niya talaga inaasahan na magiging cum laude siya. Mabuti nalang at may nakita ito kaya medyo nawala yung kaba na niya.

Sa kabilang banda, hingal na hingal si Beatriz habang papasok sa blue eagles gym, kung saan ginaganap ang ceremonya, tama naman ang dating nito dahil paakyat palang si jhoana upang kunin yung diploma niya, hindi rim maitago ni Beatriz ang tuwang nararamdaman niya ng makita niya yung certificate na hawak hawak ni jhoana. Napansin naman ni Beatriz na biglang kinabahan si jhoana, siguro ay dahil kailangan nitong mag message kaya itinaas na agad ni Beatriz yung banner na siya mismo yung gumawa na may nakasulat na "congratulations baby jhoana ko.."  Ito ang dahilan kung bakit nalate ito sa graduation ng girlfriend niya dahil kinulayan at nilagyan niya pa ito ng background. Nakita naman niyang napangiti si jhoana at mukhang ready na itong magsalita..

"Ahmm mic tes.. Magandang hapon po sa inyong lahat.. sa totoo lang po ay kinakabahan ako, hindi ko po alam kung ano yung sasabihin ko.  Sobrang hirap po maging isang student athlete, gigising kang maaga para mag training tapos papasok ulit... Pero gusto ko pong magpasalamat sa mama at papa ko, kay jajing dahil kayo po ang inspirasyon ko.. para po sa inyo tong award na to. Maraming salamat po sa mga prof ko, classmates ko, friends ko, kay coach tai, sa teammates ko at kay Bea kasi, dahil sa inyo sobrang saya ng college life ko... maraming salamat po sa lahat ng faculty and staff ng Ateneo, sir Tan maraming salamat po talaga.  Gusto ko pong sabihin na walang pong impossible basta nagsisikap ka. "

Pagkatapos noon bumaba na si jhoana, sinalubong naman siya ng yakap ng pamilya niya..

"Im so proud of you Jhoana"
Sabi ng papa ni Jhoana..

"Grabe ka atey! Umaasenso kana, com laude oh! Di na kita ma reach!"

Sabi naman ni jaja

"Che! loka loka ka talaga, jajing! Kaya ikaw pagbutihin mo rin!"

Pagbibiro naman ni jhoana sa kapatid nito

"Syempre naman atey, idol kita eh!"

"Awsus, ang swerte talaga namin ng papa niyo sa inyo. Osya sige, bumalik ka na muna doon, jhoana.."

"Sige po mama.."

Pagkatapos ang mahigit dalawang oras ay natapos nadin ang ceremonya

Hinanap naman agad ni beatriz si jhoana. At agad naman niyang pinuntahan si jhoana ng makita niya ito

"Ms. cum laude pala ha.. "

"Alam kong proud ka sakin..."

"Ako ata ang pinakaproud na girlfriend sa buong universe.. congratulations baby ko"

Sabi ni beatriz sabay abot ng shabaquette of sunflowers kay Jhoana..

"Thank you, beatriz ko! 2 years nalang at gragraduate kana din!"

"Yes naman baby! Tapos pakasal na tayo! Yey!"

"Ikaw talaga! Hindi ka pa nga graduate, kasal agad?!"

I Still Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon