chapter 1: abs

3.1K 98 7
                                    

Ayla POV

First day ko ngayon sa school kaya kailangan kong magayos.

"Anak bangon na." Sigaw ni mama mula sa ibaba.

"Okay mama, bababa na po ako." Sagot ko kay mama.

Bumangon na ako sa katatayuan ko at bumaba na para kumain at magtoothbrush. Habang kumakain kami ay biglang nagtanong si kuya.

"Oh bunso bakit ka nakajacket?" Tanong ni kuya.

Oo, may kuya ako ang name niya ay andrei melvin vick santiago. Pogi matangakad at sweet sa akin.

"Malamig kasi at bakit ikaw naka topless, ang lamig kaya." Sabi ko sa kanya.

"Para naman maging babae ka na pagnakita mo yung abs ko." Pagmamayabang ni kuya.

"Ang hangin naman kuya at kahit si joseph marco ay pinakita sa akin ang abs, hindi na rin ako magbabago." Sumbat ko sa kanya habang nakapameywang.

"Ows di nga, subukan mo kasi Maganda ka naman." Sabi ni kuya habang dumiretso sa lababo para magtoothbrush.

"Ewan ko sayo." -ako

Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush na ako, ang bilis kasi kumain ni kuya parang rabbit.

Habang ako ay nagtotoothbrush ay may biglang kumurit sa tagiliran ko. Paglingon ko natalsikan ko siya nang toothpaste na nasa bibig ko. Kadiri.

Nakita ko si kuya alvin marco santiago, siya lang yung pinakamaikling pangalan sa aming tatlo. Gaya nang sabi ko gwapo at matangkad. Medyo may pagkasweet din.

siya ang pangalawa at si kuya andrei ang panganay.

"Yuck! Ayla, ano ba naman yan." Sigaw ni kuya

"Ikaw kasi nanggugulat." Sabi ko sa kanya habang nakapeace sign.

" tumabi ka nga muna diyan maghihilamos lang ako." Sabay tabi ako sa kaliwa.

"Bakit kasi nanggugulat tapos siya rin pala ang magagalit". Bulong ko sa sarili ko.

"May binubulong ka?" Tanong ni kuya na natapos na din sa paghihilamos.

"A-h w-wala." Palusot ko.

"Oo nga pala sasabay kaba sa amin ni kuya andrei, susunduin kami dito ng kabarkada namin bale apat sila." Sabi ni kuya.

"Hindi na baka kung saan pa kayo pumunta, madamay pa ako sa inyong kalokohan." Sabay ikot nang mata.

"Okay, ayaw mo edi wag." Sabi niya.

Pero gusto kong sumabay kasi puro boys yun ayoko ng girl, kadiri lang talaga pag ako ay sumama sa mga girl baka masuntok ko lang yung mga iyon sa kalandian.

Aakyat na sana si kuya nang bigla akong nagsalita.

"Sige sasabay na ako sa inyo." Sabi ko.

"Dalian mo na at baka nandiyan na sila mamaya, bilisan mong maligo."
Sabi ni kuya.

Pumunta kaagad ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nakita ko ang isang uniform na nakakabaliw.

Ako pagsusuotin ng ganito, maikling palda tapos longsleeve at nakablazer, yuck naman. Dapat kasi naging lalaki na lang ako.

Hindi ko namamalayan ay sumisigaw na pala si kuya andrei para magmadali na ako dahil nasa loob na ng village yung kabarkada niya.

No choice ako kaya kailangan kong suotin.

Nang maisuot ko, tumingin ako sa salamin na parang yuck nangdidiri sa pagmumukha ko.

"Ayla!!." Sigaw ni kuya

The Boyish Nerd [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon