chapter 13: my wife

1K 48 2
                                    

Ayla POV

  

CRING******

Sh*t! Ang ingay ng alarm.

"Hoy baby girl gising na, may pasok tayo". Sabay kurit ni kuya andrei sa pisngi ko.

"Alam mo kuya kung ganyan ka lagi, love na kita kasi ang sweet mo". Sabi ko habang nagpupuppy eyes.

"So hindi mo pala ako love, minsan lang". Sabay pout niya.

"Joke lang kuya, lagi kitang love". Sabi ko sabay tayo.

"Dalian mo at may isang oras ka pa para makapag-ayos". Sabi ni kuya sabay kindat.

Loko talaga si kuya.pero wait nasaan yung salamin ko. Hinanap ko yung big eyeglasses ko sa ilalim ng kama, sa banyo, sa drawer, sa kabinet, sa salamin at sa ilalim ng unan. Pero wala akong nakita.

"Eto ba hinahanap mo". Sabi niya sabay hagis ng salamin at buti nasambot ko.

"Loko ka ah! Paano kung hindi ko nasalo, edi nahulog at nabasag". Sigaw ko sa kanya.

"Kaya mahirap nang magmahal eh, kapag nahulog na yung isang tao, hindi mo na kayang ibalik ang  oras para wala nang masaktan". Ay humuhugot si adobo, baka broken hearted.

"Hoy adobong sunog, wag ka ngang magemote diyan di bagay sayo at bakit ganyan itsura mo nakauniform ka kaagad?". Sabay turo sa kanya.

"4:00am  kasi umalis na kaming lahat dito at nagbihis tapos dumiretso ulit dito para sabay-sabay na tayo papunta sa school PANGET!". Okay na sana yung sinabi niya kaso dinagdagan pa niya ng panget, arghh iuuntog ko na talaga to sa pader.

"Che! Ginugulo mo ako alis! Tsupe! Maliligo pa ako". Sabi ko sabay tulak sa kanya papalabas ng kwarto at sinarado ko ng padabog yung pinto.

Mark POV

Ang panget na iyon, ipinagtabuyan ang pogi kong mukha, tapos tinawag niya ako sunog, mahiya naman siya maputi ako.

"Mark nabalitaan ko na lilipat daw ulit sina ellaine at karlo sa school. Sabi ni ken.

"Saan mo naman nakuha yan, baka sa radiong sira". Pang-uuto ko sa kanya.

"Ba't hindi mo tingnan sa facebook mo". Sumimgit bigla si lukas.

"Ayoko nang makita si-----". Naputol ang aking sasabihin ng biglang.

"Kuya let's go!". Sigaw ni nerdy girl.

"Hoy ikaw nerd napakachildish mo talaga". Sabi ni lukas sa kanya.

"Wapakels, at tsaka wala kang pakealam kung nerd ako o isip bata". Sabi niya sabay labas ng bahay.

Yung totoo, cute naman siya kaso may pagkabaliw.

What!did i say CUTE.

"Bro are you ready to see her?". Tanong ni lukas.

"I don't know". Sabi ko.

*At St. Mary academy*

Ayla POV

Pagpasok namin, ayan na naman sila nagbubulungan, sh*t tanong ko lang talaga, bulog ba 'yon o sigaw.

Yuck!

Panget mo ms.campus nerd

Malandi!

Lumayo ka sa mga prince ko.

"Grabe naman sila". Bulong ko.

"Wag mo na lamang silang pansinin". Sagot ni a-adobo.

Narinig niya  'yon. Pero teka bakit sincere yung pagkakasabi niya. Wahhh umiinit tuloy ang feslak ko.

Tug* dug* tug* dug*

Oh no! Ano bang nagyayari sa akin.

"Hi babe!". Sigaw ng isang babae, teka parang narinig ko na to kagabi.

Paglingon ko nakita ko si ellaine. Anong ginagawa niya dito, at sino ang tinatawag niyang babe.

"Babe pansinin mo naman ako". Sabi niya na parang nang-aakit.

"Pwede ba tigilan mo ako ellaine, tapos na tayo at wala nang TAYO!".  Sigaw ni adobo sa kanya.

So si mark yung ex niya, bakit parang may kumirot sa puso ko.
At ngayon ko na lang ulit natawag na mark si adobo.

"Bakit akala ko hindi totoo yung break up natin". Sabay kiss sa cheeks ni adobo.

Tumalikod na lang ako at nagisip ng kung ano-ano. Bakit masakit, ano yung nararandaman ko. Huhu bathala help me.

"The truth is may asawa na ako". Walang ganang sagot ni adobo. Kaya napaharap ulit ako sa kanila Weh? Siya may asawa? Di nga? Bakit di ko nakikita?

"Who is she?". Matapang na tanong ni ellaine.

Bakit parang may masamang kutob ako sa gagawin ni adobo. Nakita ko si adobo papalapit sa akin, hindi kaya.
"Ayla is my wife at 1 years nakaming kasal kaya pwede ba tigilan mo na kami". Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Tug* dug* tug* dug*

Wag ka naman ganyang mark carlo sanchez. Kinikilig ako. Huhu anong nagyayari sa akin. Hindi ako kinikilig. Hindi! Pero infairness katukayo niya si karlo.

*slap*

Natauhan ako nang bigla akong sampalin ni ellaine.

"How dare you!". Sigaw niya sa akin at sasampalin na sana niya ako nang bigla siyang pinigilan ni adobo.

"Ellaine wag kang gumawa ng sarili mong scandal, nakakahiya at wag mong sasaktan si ayla, dahil ako makakalaban mo". Sabi ni adobo at iniwan na namin siya magisa. Nakita kong tumulo yung mga luha niya.

Habang kami ay naglalakad ay sumingit si ken.

"Bro galing ng acting niyo ni ayla". Sabi ni ken.

"Tumahimik ka nga ken, at never kong pakakasalan yang adobong sunog na 'yan". Sabi ko.

"Simula ngayon magpapanggap ka na asawa kita". Sabi niya sa akin aat iniwanan na nila ako.

Naglakad na lang ako nang bigla kong nakasalubong sina ate lianne.

"Hi ate!". Sabi ko sa kanila.

"Oh ayla, balita ko asawa mo daw si mark". Sabay hampas ni claire sa batok ko.

"Galing ko magacting kasi". Yun lang ang nasabi ko.

"So act lang lahat". Sabi ni monique na nakapameywang.

"Yup at ipagpapatuloy daw namin hanggang sa umalis dito sina ellaine at karlo". Sabi ko sabay pameywang.

Nakakainis kaylangan pa ba 'yon.
Sarap ipakain si adobo sa titans.

"Oh nandiyan na pala asawa mo binalikan ka oh". Sabi ni monique sabay turo kay adobo.

Nakita kong nanlaki ang mata niya at tumakbo sa akin. Nilingon ko naman kung sino ang tiningnan niya dahilan ng paglaki ng mata niya. At si ellaine.

"Ayla KO, halika na punta tayo sa rooftop may sasabihin ako sayo". Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Kinikilig ako doon sa AYLA KO.

Napatingin ako kay ellaine at nagkatitigan lang kami. Hinila na ako ni adobo at halata sa mukha ni ellaine na inis na inis siya.

*****

Helloooooooo!!!
Good day po sa inyo. Malapit na ang pasko, exchange gift na naman. Haha hi ate geng pati po doon sa friend niyo labyuuu!!!!!

The Boyish Nerd [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon