chapter 19: katelyn pornea

909 48 0
                                    

Ayla POV

Nasa sasakyan na kami at habang nagdadrive si adobo ay napatingin ako sa kanya. Hindi lang tingin kundi titig.

"Wag mo akong titigan, baka matunaw ako". Sabi niya sabay kindat habang nakaside view.

May pagka park bo gum pala tong si adobo kapag nakaside view, pero kapag nakaharap para siyang si kim min suk. Gwapo talaga nito.

Processing...

Processing

100percent.

No! Hindi siya gwapo, panget siya, panget!

"Gwapo mo pala". Hala! Ang bibig ko basta na lang nagsasalita. Anyare?

"Ikaw ha, may lihim ka pa lang pagtingin sa akin". Yuck! Kaya pa ako magkagusto sa lalaking 'to.

"Ang kapal mo kasing kapal ng bakod". Inirapan ko siya at nanahimik na lang.

Hanggang sa makarating kami sa bahay namin.

"S-salamat adobong sunog". Sigaw ko at tumakbo akong papalabas sa sasakyan niya. Then nakita kong naguusok na naman ang tainga niya sa galit haha joke lang, namumula na naman kasi ilong niya sa galit.

Pagpasok ko sa loob nakita ko si mommy, nakangiti sa akin ng malapad.

"Bakit hindi mo pinapasok ang manliligaw mo, oh ikaw yung nanliligaw". Sabay ngiti ni mommy na nakakaloko.

"Mom, hindi ko siya manliligaw at lalong hindi ako ang nanliligaw, hinatid lang ako ni mark". Pagkatapos kong sabihin iyon ay umakyat na ako sa kwarto.

Jhoaquin POV

Ang likot naman ng kasama kong ito, iyan tuloy natakasan kami nina mark at ayla.

Sayang hindi namin nasundan kasi ang panget na 'to, nakakita lang ng bear cuddler gusto nang bilhin, tapos libre ko pa. Ano siya sinuswerte, at ang ikinatakot ko ay kapag hindi ko siya binili ay hindi na daw niya ako sasagutin. Aba't yun lang ba gusto niya. Pasalamat siya mahal ko siya.

"Tara na umuwi pagod na ako". Ani ni claire.

Napagod na siya, siya kasi parang isip bata.

"Sige tara na babe". Nanlaki ang mata niya ng marinig niya ang salitang babe.

"Anong babe!". Sigaw niya. Tingnan mo nagkaenergy din pala 'tong si claire nung sinabi ko ang babe.

Habang kami ay nasa sasakyan, ay bigla na lamang akong huminto dahil gusto kong pagtrip-an si claire, inaantok kasi siya kay nung i-preno ko ay bigla siya nagising.

"Hahaha". Tawa ko habang nakatingin sa kanya.

"Hoy anong nakakatuwa, warning na'to, kapag ako pinahamak mo basted ka na". At bumaba siya nang sasakyan.

Saan naman pupunta si claire.

"Uy babe saan ka pupunta?". Tanong ko habang hinahabol siya sa paglalakad niya.

"Magco-comute na lang ako kaysa pagtripan mo ko". Then she left.

Pero hindi pa rin ako sumuko at sinundan ko pa rin siya.

"Babe please". Sweet kong sagot.

"Ulitin mo nga ulit sinabi mo". Hala baka magalit na naman sa babe.

"Ang sabi ko babe please". Nagpuppy eyes ako para naman hindi na siya magalit.

"Wow naman nagplease, dahil diyan sige sasabay na ako sayo". Sabi niya na ikinatuwa ko.

The Boyish Nerd [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon