chapter 6: like i'm gonna lose you

1.4K 58 1
                                    

Ayla POV

Loko talaga tong lalaking ito. Nagrereklamo ng mabigat ako at ang likot ko,eh siya naman ang may gustong buhatin ako.

"Bakit mo kasi ako binuhat?" Sagot ko sa kanya.

"Baka kasi lumala pa ang sugat mo". Palusot pa ang adobo.

"Eh ano naman ngayon kung lumala, concern ka ba?" Pangaasar ko ulit sa kanya.

"Paano pagsinabi kong
.
.
.
.
.
Hindi."
Napipikon na ako, punong-puno na ng mainit na tubig yung ulo ko nang dahil kay adobo. Waaahahahah!!!

"Ibaba mo na nga ako, naiinis na ako." Sigaw ko sa kanya.

"Bibitawan o ilalaglag". Aba! Namumuro na.

"Basta ibaba mo ako." Sabi ko na nagiinit na yung tainga ko.

"Okay." Buti naman at napakiusapan din.

Biglang nagpop yung cellphone ko.

From:kuya andrei

Asan ka, may bago nang taya, kasama mo ba si mark, wala din siya dito eh.

Hala! Lagot ako nito. Bakit ba kasi sumama pa ako dito kay adobo.

To: kuya andrei

Sige kuya punta na ako, hindi ko po alam kung nasaan si mark.

Sh*t nakapagsinungaling pa kay kuya.

"Hoy adobo hanap na tayo ni kuya, mauna ka na dahil ang alam ni kuya na hindi tayo magkasama." Sabi ko.

"Okay, bye." Sabay kindat ni adobo.

"Mabuti naman." Sumunod naman ako at nakarating din sa sofa.

"Ayla kasama mo pala si mark kanina, ikaw ha nagsisinungaling kana sa akin." Sabi ni kuya andrei.

"Sorry kuya." Nagpeace sign ako sa kanya.

Humanda ka sa akin nakapasumbungero mo.

"Okay tama na muna ang laro at kumain na tayo." Sabi ni kuya alvin.

"Okay." Tipid na sagot ni lukas.

***

Habang nakain kami ay may biglang may umapak sa paa ko.

Ganito kasi ang pwesto namin.

|ako|ate lianne|kuya andrei|lukas

Jhoaquin | || table |||

|mark|ate danica|kuya alvin| Ken

"Aray." Sigaw ko, kaya lahat sila nakatingin sa akin.

"Bakit ayla?" Tanong ni ate danica.

"W-wala." Sabi ko, kahit na alam kong tinapakan ako ni mark.

Hindi ko na itinuloy yung pagkain ko kaya umalis na ako at pumunta ng banyo para magtoothbrush.
Habang nagtotoothbrush ay may kumatok sa pintuan ng cr.

*knock *knock

Haist si kuya andrei lang pala.

"Bakit kuya." Sabi ko habang nagpupunas ng towel sa bibig.

"Dalian mo maliligo pa ako." Sigaw niya.

"Opo tapos na po." Sabay labas ng banyo at dumiretso sa kwarto nina ate lianne.

"Tutulog na po kayo ate lianne." Sabi ko.

"Oo, ikaw tutulog kana at tsaka wag muna akong tawaging ate magkasing edad naman tayo." Sabi niya habang inaayos ang kama.

The Boyish Nerd [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon