chapter 9: ZED

1.1K 45 1
                                    

Ayla POV

Haist naku makalipas ang tatlong araw simula nang nagusap kami ni renz,  kaya ngayon nahingi ko number niya at tinetext ko. Para na nga daw akong baliw sabi nina kuya bakit daw ako natawa mag-isa. Kaya ang palusot ko nagwawattpad ako. Pero katext ko si renz. Kaso hanggang ngayon hindi pa rin niya alam na ako yung kapatid nina kuya. Sasabihin ko sa monday. Sana hindi siya magalit

Ting***

Omg, agang-aga nagtext agad, sabado naman ngayon kaya okay lang na magkulong ako sa kwarto.

From: renz♡

Hi ayla, good morning nakapagbreakfast kana ba?.

Aww how sweet niya, mas sweet pa siya kina kuya. Pero syempre pinakasweet dina kuya.. haha ang gulo ko talaga.

To: renz♡

Hello good morning din, hindi pa ako nakapagbreakfast, hindi pa kasi nagtatawag sina yaya.

Sent*

Ting***

Ang bilis naman niyang magtext parang kuneho.

From:renz♡

Basta kakain ka ha, pwede ka ba ngayon?

Huh? Saan naman kaya niya ako dadalhin. Baka date waaahhh kilig much na naman, pero paano ako magpapaalam eh hindi alam ni kuya yung crush/friends. Ni hindi pa nga sila nagkikita.

To:renz♡

Oo bakit?

Saan kaya kami pupunta nakucurious.

From: renz♡

Samahan mo ako sa mall.

Hala akala ko date yung pala magpapasama lang pero okay na din yun makakasama ko naman si crush.

To:renz♡

sige, sunduin mo ako sa labas ng village namin. Thank you.

Pagkatapos kong magtext ay inihanda ko yung damit ko at naligo na ako.

After a 10 minutes.

Hay salamat nakalabas din ako ng banyo ko.ganyan kasi ako katagal maligo.

Isinuot ko na yung jumper na dress at ang nakasuson na damit ay red t-shirt.

Jhoaquin calling.......

Hala tumawag si tuna-jhoaquin ano kaya ang gusto nito.

"Hello,napatawag ka jhoquin?" 

Simula kasi nung inamin ko sa kanya na may crush ako sa iba, jhoaquin na yung lagi kong tawag hindi na yung my little star ko. Pero hindi namin iyon kakalimutan, dahil were still friends.

["Pwede ka ba ngayon?"] Tanong niya. Oh no! Paano na iyan may date ay este nagpapasamaha sa akin si renz.

"Ah eh ano kasi may pupuntahan ako, pasensya na talaga, bye mwuah ingat." Agad kong pinatay ang cellphone.

Paano na, tinaggihan ko ang firstlove ko huhu, noon lang naman iyon.

Hindi din nagtagal ay nagtext na rin agad si renz.

From:renz♡

Andito na ako labas ng village.

Ang bilis naman niya, kung sabagay matagal akong naligo.

Kinuha ko na yung shoulder bag ko at dahang-dahan bumaba ng hagdan para hindi maparinig ni kuya yung tapak ko sa hagdan at para hindi din sila lumabas ng kwarto.

The Boyish Nerd [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon