chapter 35: park myung jung

645 29 3
                                    

perrie's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko ng i-instagram. Biglang may tumawag sa iphone ko.

"Hello?"

"Hi babe!!!! Tara labas tayo!!!"

Aray! Ang sakit naman ni ken sa tenga.

"Pwede babe hinaan mo yang kasisigaw mo, nakakairita eh".

"Sorry naman babe, so ano tara. Meet me at the park by 4:00pm, bye love yah".

Ay pinatayan ako ni babe, eh hindi pa naman ako nakakasagot, ang galing talaga niya.

Tiningnan ko na ang orasan at 3:11pm na pala.

Bumangon ako bigla at pumasok sa banyo.

After 123455 years nakalabas din ng cr. Isinuot ko ang highwaist na pantalon at isang crop-top.

Nagtootbrush ako at dali-daling kinuha ang cellphone ko sa kama.

Pagbaba ko nakita ko si ken na nakaupo sa sofa.

"Kanina ka pa?" Tanong ko.

"Kaninang-kanina pa, simula noong tumawag ako". Talaga? Bakit hindi siya dumiretso sa akin.

"Ahh okay, so akala ko ba sa park". Sabay hampas sa kanya.

"Joke lang 'yon, pero tara magco-coffee".wait? Coffee ayoko nga! Sawang-sawa na ako sa coffee, lagi na lang niya akong dinadala doon kapag may date kami.

"Ayoko muna doon, sa shake na lang tayo". Request ko, pero nagbago ang awra ng mukha niya.

"Doon na lang tayo". Pilit niya sa akin.

"Sawa na kasi ako doon, kaya  ayoko muna doon". Sabay puppy eyes ko.

"A-Y-O-K-O!"  Sabay pameywang.

Aba't matatamaan na sa akin ang lalaking 'to.

"Dali na please, kasi lagi na lang tayo doon sa coffee dream na iyon eh nakakasawa din, kaya sa shake it up tayo kakain at bibili ng shake". Binigyan ko siya ng hindi na kita mahal look para pumayag siya pero sa totoo mahal ko naman siya.

"Sige na nga".

Nakatungo lang si ken papasok ng shake it up. Pero ako hila-hila siya, ano namang problema niya dito. Shake lang naman at mga dessert at kung anu-ano pa.

"Good morning mam and si....ken?" Tanong ng isang crew ng shake it up.

"Huh? Magkakilala kayo?" Tanong ko.

"Ahh opo mam bestfriend ko po yang boyfriend niyo". Sabay ngiti niya.

Bestfriend? Wait? Parang may naalala ako na laging kinukwento sa akin ni jhoaquin na lagi daw hindi makalimutan ni ken kaya umiiwas na si ken. Aha! Si myung jung yung bestfriend niya! Baka ito si myung jung.

"Myung jung?" -ako.

"Huh? Miss kilala mo ako?" Takang tanong niya sa akin.

Omegesh ang cute nito, balita ko din isa to sa mga pinaglaruan noon ni mark.

"Eh kasi lagi kang kinukwento noon ni ken sa kanyang isang kaibigan".

Napakunot naman ng noo si ken pero ngumiti din siya kaagad ng bigla akong yakapin ni myung jung.

"M-myung jung b-bakit mo ako niyayakap?" Tanong ko.

"Naalala ko lang sayo si Erriel kapatid ko, nawala kasi siya noong 1 years old, tapos parehas kayong may nunal sa ilong kaya naalala ko lang siya". Tumulo bigla ang kanyang mga luha.

Anong nangyari sa kapatid niya, sino si ERRIEL,  bakit parang pamilyar sa akin si erriel.

"By the way i'll call you Mj for short, nlsaan kaba nakatira?"

Nacurios ako kaya ako napatanong.

"Sakto nickname ko sadya yung MJ at saVillones village kami nakatira hindi naman ako sa nagmamayabang, mayaman kami ang kaso ayokong may mga guard ako kasi hindi ako malayang maggala kaya eto lumayas ako sa amin 2 years ago, pero pinadadalhin naman ako nina mommy ng pera sa condo ko".

Nalungkot ako sa mga sinabi niya. Bakit kaya gusto niyang maging malaya, nasasakal na kaya siya sa bahay nila.

"Anong bang dahilan kung bakit ka umalis?"

Bad mouth! Bwiset! Hindi ko mapigilang magtanong dahil sa narinig kong ERrieL.

"Simula noong ninakaw ng bestfriend ng mommy ko yung kapatid ko, ang kaso noong nasa prisinto na sila mommy at yung bestfriend daw niya ay ipinagbili si erriel, kaya simula noon, gusto ko nang mapag-isa kasi lagi nalang akong grounded dahil sa pagkawala ni erriel at lagi na rin akong nakabodyguard noong grade 4-7".

Bigla akong nakaramdam ng hilo at bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Perrie okay ka lang ba?" Alalang tanong ni ken sa akin.

"O-oo, okay lang ako at sorry MJ  kung tinatanong kita ng kung ano-anu".

"Ano kaba, wala iyon pero teka bakit ka umiiyak?" Tanong ni MJ.

"Hindi ko din alam, siguro sobrang sakit para sa'yo ang mawalan ng kapatid". Sabay yakap sa kanyan ng mahigpit.

"MJ!"

Biglang may tumawag sa kanya.

Ken's POV

Naawa na naman ako kay MJ,  lagi na lang siyang ganyan kapag naaalala niya ang one and only sister niya.

"MJ!"

Huh? Sino yung tumawag? Lumingon ako para tignan kaya paglingon ko, hindi ako makagalaw ng maayos dahil nakita ko si HANS, ang ex niya pero bakit niya tinawag si mj, akala ko ba nagpromise sa akin si MJ na hindi na niya papansinin yung gagong lalaki na 'yon.

"Oh hans napadalaw ka?"   Tanong ni Mj sabay kiss sa pisngi.

Hindi ba ako bulag? Tama ba nakita ko? She kissed hans.

"Wala lang, i just want to make sure na okay ka lang".-hans.

"Okay lang ako, by the way do you remember ken?" Tanong ni mj sabay tingin sa akin.

"Yes, i remember yun ba na lalaking ayaw tayong magkabalikan dahil nagseselos siya". Wow! Talagang sinigaw ng gag*.

"Ano ka ba, hindi naman siya nagseselos, ayan lang si ken oh nasa kaliwa mo at kasama girlfriend niya". Tinuro kaming dalawa ni mj.

"Ow! Bro long time no see, at tsaka ganda ng girlfriend mo". Sabay fistbomb namin, dati ko kasing kaklase si hans kaya ayun lahat ng kaklase kong lalaki close ko na.

"Ehem* natawag na si ayla, pupunta lang ako, baka kasi nag-away na naman sila ni mark".biglang singit sa paguusap si perrie.



"Ahh sige, una na kami mj at hans". Masayang paalam ni perrie sa kanilang dalawa.


*******
Kim sae ron as park myung jung
Kim tae hyung as hans fierdesch
Advanced happy birthday nga pala daniellllllll!!!!!!!

The Boyish Nerd [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon