chapter 3: my angel and my little star

1.9K 68 3
                                    

Si ayla po yung nasa media...

----

Jhoaquin POV

Omg may point of view rin ako. Bakit ako agad pwede naman si ayla. Baka naman may balak si author na ako ang gawing bida, sabagay isa rin ako sa bida dito.

***

Nakita ko si ayla nagwalk-out, siguro dahil kay mark, naku lagot siya kina master. Alam niyo ba kung sino yung master, sila ay sina master alvin at master andrei.

Kaya sinundan ko na lang si ayla para icomfort kasi baka magaway pa ang 3rd master, lahat kami master ako pang 4rth tapos si ken pang 5th then pang 6th lukas.

Paglabas ko ng room ay tumingin ako sa labas wala na siya pero may nakita ako sa bandang kanan sa sahig na picture. Nilapitan ko agad iyon at pinulot ko. Nang makita ko ang picture ay nanlaki yung mata ko.

"Ako ito." Sabi ko sa sarili ko na malakas.

At tiningnan ko kung kanino kasi may pangalan sa likod at ang ikinagulat ko ay kay ayla santiago.

"Bakit nasa kanya picture namin ni angel ko, anong connection niya sa angel ko at 2 years ago nang hindi kami nagkikita ng my angel ko." Sabi ko sa sarili ko na parang may kausap.

Nang tinitigan ko may bumalik sa isipan ko.

Flashback

Nandito ako ngayon sa farm namin at iniintay ang my angel ko,  hindi ko alam name niya pero yung apelyido. Ay santiago, kaya nga my angel tawag ko sa kanya kasi gusto ko pagdating ng tamang panahon, siya ang pakakasalan ko. Kaso sa kaiintay ko hindi ko siya nakita at ang nakita ko ay ang kanyang daddy.

"Utoy pasensya na, hindi makakapunta si angel mo nasa america siya with her two brothers. At alam kong hindi mo pa alam name niya at may pinaaabot sayo na sulat, basahin mo daw yan at pagdating ng panahon magkakakilala din daw kayo." Sabi ni tito na nakatungo.

"Ahh ganun po ba, sige po padadalahan ko na lang po siya ng sulat." Matamlay kong sagot kay tito.

Makalipas ang ilang mimuto ay umalis na si tito. At ako naman ay umuwi na habang natulo ang luha ko.

Pagdating ko nang bahay pinunasan ko agad ang luha ko para hindi pansin nina mom at dad.
Dumiretso ako sa kwarto ko at binuksan yung sulat niya.

Dear my little star,

Hi, my little star, si angel mo ito, sayang hindi ko nasabi sayo ang totoong name ko pero tadhana na ang bahala na pagtagpuin tayo at balang araw malalaman ko rin name mo. Diba noong magpapakilala ka, pinigilan kita kasi gusto ko sa tamang panahon ka magpapakilala, pero matagal pa yata iyon. Basta tandaan mo mahal kita bilang kaibigan pero sana sa pagkikita natin, mararamdaman din natin yung puso natin na mahal natin ang isa't isa higit pa sa pakikipagkaibigan.

                               Your angel......
                                   ????

End of flashback

Tumutulo na yung luha ko dahil sa iniisip ko pero pinunasan ko na lang, baka kasi makita pa nang ibang girls, pero kahit kailan hindi ko ipagpapalit si my angel ko.

Dumiretso na lang ako sa kalalakad nang makita ko si ayla sa isang bench at naiyak.

Nilapitan ko ito at tinanong ko siya.

"Bakit ka naiyak ayla?" Tanong ko.

"Yan kasing si adobo akala ko mabait yung pala mayabang at masungit." Sabi ni ayla.

The Boyish Nerd [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon