chapter 10: kidnapped

1K 59 0
                                    

Dedicated to: GengGengMacalindong

Ayla POV

" ikaw" sigaw ko kay mark, akala ko ba nasa amin siya kasama niya yung iba pang bigboss sa bahay namin.

"Hoy panget, kasalanan ko ba na ikaw ay matalisod, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo."

Wow! Panget talaga, nakakahiya nasa mall pa naman kami.

"Oo na panget na kung panget, pero hindi ako katulad mo na tang* "

Sabay hila kay monique para umalis, punong-puno na talaga ako sa kanya.

Tumakbo na lamang kami sa david salon at pagkarating namin ay walang tao doon kaya masuwerte kami at maaga kaming makakauwi dahil kami pa lang ang tao.
.
.
.
.
.
.
.
After a 4 hours
.
.
.
.
.

"Let's go ayla." Pag-aya sa akin ni monique.

"Okay." Tipid kong sagot.

Akala ko kasi maaga kaming makakauwi yung pala 3:45 pm na ngayon, huhuh hindi napanuod yung pinapanuod ko sa kbs channel, doon sa korea.

"Ayla, dito ka na lang muna sa may malapit sa david salon at bibili lang ako ng make-up doon, babalikan kita, wala naman masyado tao dito." Sabi sa akin at umalis na siya.

Nang makaalis na siya ay inilabas ko ang phone ko para tawagan si perrie.

Me:hi perrie
Perrie: hello
Me: wala kasi akong magawa, ang tagal kasing bumili ni monique, kaya iniwan niya muna ako dito sa labas ng parlor.
Perrie: hay naku, si monique talaga
Me: hay,..........sino kayo, wag niyo akong hawakan.

May tumakip sa bibig ko na lalaki at idadaan nila ako sa isang secret way sa mall.

Perrie: ayla!
Perrie: AYLA!!
Perrie: SH*T, AYLA

Perrie POV

Kaylangan kong nang pumunta agad kina andrei para sabihin ito at tatawagan ko agad si monique para sabihin sa kanya na mag-ingat siya.

Pagkadating ko sa bahay.

Dingdong***

"Yes, oh perrie ikaw pala, anong ginagawa mo dito." Sabi ni ken my loves, yung manliligaw ko hehe.

"Wag kang mabibigla." Sabi ko.

"Buntis ka." *sabay takip ng kamay niya sa bibig niya*

Nakashabu ba to, buntis agad.

" nakadrugs ka noh, hindi ako buntis, n-n-nakid-n-napped si a-ayla." Bulol kong sabi.

"What."

Kung makasigaw naman siya parang walang bukas, nakadrugs yata talaga to.

Hinila ni ken ako papasok sa loob at tumayo sa harap ng ibang bigboos hearthrob.

"Mga bro, may kaylangan kayong malaman." Tarantang sabi ni ken kina andrei.

" ano yun?, nakabuntis ka." Mabilis na sagot ni lukas

Ano bang meron sa pagbubuntis at lagi nila yung sinasabi, siiiiiguuuuurooooo, OMG yuck mga manyakis.

"Hinde, si a-ayla na k-kidnapped da-daw sabi ni perrie."

"ANO!" Sabay sigaw nang kambal.

"Ayon sa tawag, nakikipagtalo si ayla sa mga lalaki, tapos hindi ko na siya makausap." Nanginginig na yung tuhod ko.

"Sino ang maaring gumawa nito." Takang sabi ni jhoaquin.

"A-ang evil snake." Sabat ni lukas.

Anong evil snake yung, may ganun ba, kaloka ang mga lalaking to, baka lahat sila nakashabu.

"Mga hibol ba kayo, anong sinasabi niyo." Singit ko sa kanila.

"Only for the gangster." Pasusungit ni ken sa akin.

"Pag di mo sinabi sa akin hindi kita sasagutin." Pangjojoke ko kay ken

"K-kasi a-----." Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Joke lang, ikaw naman maniniwala agad, alam ko namang panggangster iyon, kaya ayokong makialam." Sabay hampas sa kanyang balikat.

Biglang nagring ang phone ni andrei.

Andrei:hello?
???: do you remember me andrei, your number one fan ng sisterat mong panget, haha joke lang kasi panget yung kapatid mo kaya never akong maging fan niya.
Andrei:aba hayop ka, sino ka ba?
Ace: ako lang naman ang nagiisang lalaki na nagturo kay ayla kung paano magtaekwondo at paano lumaban nang patas kaya ngayon kung gusto mong makita pang buhay ang kapatid mong panget, pumunta ka na dito.
Andrei: ace?, walang hiya ka ikaw ba ang kumindnapped kay ayla, paano mo nagawa sa sariling mong estudyante sa taekwondo.
Ace: oops correction, hindi ko siya estudyante ka batch ko na siya dahil naabot niya ang kasing galing ko. At magkaedad lang naman kami eh.
Andrei: nasaan ka pupunta kami.
Ace: sa #301 @carino village. Sa abandonadong lugar yun.
Andrei: sige pupunta kami ng bigboss pero huwag na wag mong sasaktan ang kapatid ko.

Toot** toot**

Andrei POV

Aba bastos tong si ace, naguusap pa kami pinatayan lang ako.

"Pre, ano daw, sino ang mga gagong iyon." Sabi ni jhoaquin.

"Tama kayo ang evil snake ang may kagagawan at si ace ang namumuno at siya yung nagturo dati kay ayla nang taekwondo." Natataranta kong sabi.

"Pero paano na si mark, hindi tayo kumpleto." Singit ni lukas habang nanginginig sa takot.

"Tawagan mo si now na." Sigaw ko sa kanila.

Matapos tawagan ni lukas ay nakarating agad si mark.

"Tara na." Paaaya ko.

Ayla POV

Nandito kami ngayon sa isang kwarto na napakalinis.

Kulay blue at may picture ko at picture ni ace. Huh? Bakit may picture dito.

"Well well ayla." Habang nagcaclap ito ng kamay.

"Ikaw, ace paano mo nagawa ito sa akin." Sigaw ko.

"Madali lang naman, haha, akala mo may magkakagusto sayo. At sa itsura mo, wala talaga."

Aruuyy ang sakit naman niya magsalita.

At nakita ko patanggal na yung tali sa kamay ko at may balak pa sana akong tanggalin ng bigla ako hinampas niya na may hawak na bato at pinagsusuntok. Pinipilit ko parin bumangon pero sa huling hampas niya ay isang malaking bato at tatlong sipa. Nang nawalan na ako ng malay.

Andrei POV

Nang makarating kami ng bigboss hearthrob ay dahan-dahan kaming pumasok nang napansin na lamang namin ay si ayla na duguan at ang salamin niya ay basag na at ang ulo niya ay putok at sa tabi niya ay may malaking bato na may dugo. At sa nguso niya ay putok at tulo parin ang dugo at ang masaklap pa ay sinipa siya ni ace ng tatlong beses.

Gusto ko sanang lapitan si ayla kaso hindi pwede dahil maari isang maling kibo ay masira ang plano namin.

Kaya inintay kong lumabas si alvin para lapitan si ayla dahil nasa kabilang butas siya at ang kasama niya ay si ken at ang kasama ko naman ay si lukas. Si mark naman syempre sa pangatlong butas at nag-iisa lamang siya.

Lumabas si mark na magisa at binuhat si ayla. Biglang dating naman ni ace. At dapat susuntukin na sana ni ace si mark bigla naman itong sinipa ni ken.

At sumugod na kaming lahat......


\~~~~\

(A/n: i would like to thanks to all my readers....)
-second account ig:jnncsbn.

The Boyish Nerd [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon