Chapter 1

740 8 1
                                    

Chapter 1 -EPIC

5:00 a. m.
Kriiing kriiing kriiing (alarm tone)

Hmmm...hmmm...ungol ko bago kinapa kung nasang part ng bed ang phone ko na nag aalarm. Nang makapa ko ito at maioff, medyo nagmoment pa ako ng bahagya at tumulala sa kisame.

"Oh my gosh. This is it pusit." nakangising sabi ko sa sarili ko. Kung nagtataka kayo kung bakit maaga akong gumising yun ay dahil schedule na ng college namin (College of Business Administration)for enrollment.

Maaga talaga dapat akong makarating ng state university dahil ayoko maiba ng section pag nakaubusan ng slot. Mahirap kasi makisama at ayokong mahiwalay sa dalawang bruha kong bes. Haha. Friendship goals  kaya ang makagraduate ka kasama ng mga bes mo.

Ateng, relationship goals dapat yan eh. Pero dahil single ka at bitter magsettle ka nalang sa FRIENDSHIP goals mo, singit ng mahaderang kong isip na ngayon ko lang naalalang meron pala ako. Haha. Sorna ulit.


Hoy, ikaw na isip ka manahimik ka nalang pag hindi ka naman kailangan. Nababawasan ang kagandahan ko dahil sayo eh, agad agad naman na kontra ko sa isip ko.


Walang nababawasan kasi wala ka namang ganda. Pero sige tatahimik na ako mahal na reyna, may panunuya na buwelta ng isip ko. Mahadera talaga, sa loob-loob ko. Mabuti nga manahimik na muna siya.



"Ayurnn, ang pretty na ng feslak ko. Haha,"  parang tanga lang na bulong ko sa sarili ko. GGSS po talaga kasi ako. Sornaaa.



"Morning mudang. Gorabels na akis. Sa school nalang ako kakain." bungad ko kay mommy na abala sa paghigop ng coffee niya. Tulog pa kasi yung kapatid kong lalaki. Enrolled na kasi siya nung isang araw pa.

Tumingin siya sa akin sabay "Eto pala yung pangtuition mo. Ibalik mo yung sukli ah? Mautak ka minsan eh," paalala niya sa akin na ikinahagikgik ko ng very slight. Haha.

Masipag naman ako mag-aral at medyo may kautakan nga minsan. Minsan lang yun dahil si mommy lang ang nagfi'finance para sa studies namin dahil matagal na ring patay si daddy dahil sa cancer. Kinuha ko na ang pera sabay beso sa kanya.


"Bye mudang."paalam ko sa kanya sabay kiss sa pisngi niya. "Ingat ka ah. Uwi agad," pahabol niya nang nasa gate na ako ng bahay.


Pagkatapos ng isa't kalahating oras ng biyahe *Oo, inoorasan ko talagayan. Wag kayong ano. Haha* Nasa univ na ako.

Naloka ako kay kuyang barker kanina, paalis na daw yung jeep nun pala hihintaying pang mapuno.


And by puno, ibig kong sabihin ay pag may isang pasahero na kalahati nalang ng puwet ang nakaupo, nun palang aalis ang jeep. Kainis na sistema. Haha.


Pagdating ko sa mismong college namin may bigla nalang tumili sa pangalan ko na parang tanga lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagdating ko sa mismong college namin may bigla nalang tumili sa pangalan ko na parang tanga lang. Aish.


"BESSSSS ALLOWWW-NAAAA!," tili ni Jor-jor na bes ko nga.  Bantot talaga ng nickname nitong si Georgina Pineda. Pina-OA pa yung pangalan ko. Allona lang naman yun, palengkera talaga tong bruha na to.


"Bes naman. Yung bunganga mo naman kahiya. Mamaya nandyan si crush eh. Mawawalan lalo akong pag-asa dun," may pag-iinarte na sagot ko naman.


"Hayaan mo na siya bes, namiss lang naman kasi kita. Madami pang iba dyan. Wala ka naman talagang pag-asa dun eh. Haha," nang-aasar na sabi niya naman. Punyeta ang supportive lang.


"Oh nasan na ang DYOSA?," pag-iiba ko ng usapan. Ang epal kasi eh. Haha.


"As usual late na naman yung bruha na yun," sabi niya tapos sabay kaming tumawa pero nagtigil ang pagtawa na yun ng dumating ang impakta este DYOSA. Lingon agad kami sa kanya.



"Ayan. Mga ugali niyo talaga eh noh? Ako pa talaga ang topic," sabi ng DYOSA na si APOLONIA habang may sumpak pang pandesal. Rated PG na naman, susme. Ang aga ng lamon. HAHA!


"Wag kang maarte apol. Buti nga naalala ka pa eh. PG!" segunda naman nung isa. At bago pa po siya mapatay sa tingin ni Apolonia, sumingit na ako sa usapan.


"O, tama nay an. Tara na Room 808 at kumuha ng class card para maaga tayo matapos." sabi ko. Sumunod naman sila agad at pumanik na nga kami sa room.



"Hi gandara," bati ko kay Winona na classmate naming at kaclose ko. Natuwa naman ang bruha, bilis mauto. Lihim na natawa naman ako. Haha



"Hihi. Hello friend. Lapit na kayo kay Ma'am andun na class  card niyo," sabi niya kaya agad na kong lumapit dun. At yung dalawang bruha di man lang naghintay, ayun na pala agad. Mga walang puso. Char!


"Hoy mga talipandas!" tawag ko dun sa dalawa. Napalingon naman sila na may apologetic smile, gets nila agad.



"Sorna bes," sabay pa nilang sabi sabay pacute. Ang papanget naman sabay tawa ko sa isip ko. HAHA!



Lumingon lingon ako sa buong room. Wala pa siya. Tanghali na ah, asan na kaya siya. Baka mahiwalay ng section yun, wag naman sana.



Bago pa ako makapag-emote, nahila na ako ng dalawa sa ibang room para magpa-assess. Kainis ang mga bruha. Nang matapos kami magpa-assess nagbayad na kami sa Admin at kukuha nalang ng Form 6 sa OAd(Office of Admission).


At dun ko siya nakita, na masayang nakikipagkwentuhan sa mga classmates pa namin. Kinilig na naman yung puso ko. Ang sarap niya talagang titigan.


"Hoy bes matunaw naman siya," sita sa akin nung dalawa na hindi ko naman alam kung sino tinutukoy.


Hindi naman kasi nila alam kung sino talaga yung gusto ko akala siguro nila ay si Jaros ang gusto ko. Yung classmate naming lalaki na crush ko nga din naman. Pero hindi siya yung gusto ko, kundi yung katabi niya.

"Ewan ko sa inyo," pambabara ko naman ng maglubay sila at maitago ang kilig ko.


Bago pa ako makalabas ng OAd umisang sulyap pa ulit ako sa kanya.  Lumingon siya ng nakangiti. At sa gulat ko, namali ako ng hakbang sa hagdan. Ay punyeta. Okay na sana eh. Nahihiya akong tumayo mula sa pagkakatumba at lihim na sinumpa ko ang sarili ko.




EPIC. EPIC TALAGA. *face palm*





A/N: Yay! First chapter done. Thanks for reading. Slightly edited na po siya kasi sa phone lang ako nagtatype.

Your votes and comments will be highly appreciated. 🙂

Much love, author. 😊

I like you (Short story) (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon