Chapter 5

280 7 1
                                    

Chapter 5- EMPTY

Hindi pa rin nagpaparamdam si Michael hanggang ngayon. 2 weeks na niya akong binabaliwala. Ni 'ha' ni 'ho' wala na akong narinig sa kanya buhat nung nagdinner kami. Hindi niya man lang kaya namimiss yung KAGANDAHAN ko? *HAHAHA*

May pasabi sabi pa siya ng forever princess eh hindi naman makaalala. Kainis. Hindi niya kaya ako tanggap? Nakakalungkot talaga, for keeps pa naman sna siya. Hay.

Habang luamalayo yung loob ni Michael sa akin, mas nagkakalapit naman kami ni Loraine. Ang ironic lang, yung dati mong kaclose hindi ka na pinapansin ngayon tapos yun namang di mo kaclose dati, siya nang malapit sayo ngayon.
Mapait akong napangiti ng maalala yun.


Madalas siyang sumabay sa amin nila bes para maglunch lately at sinusundo niya din ako sa boarding minsan para sabay kaming magdinner. Sweet diba? Hoho.


Nung mga panahon na akala ko magiging maayos na lahat sa amin, nagkamali pala ako. Bigla nalang akong iniwasan ni Loraine. Sa hindi malamang kadahilanan.



"Allona Louise Mendez," natigil yung pagmomoment ko nang marinig ang buong pangalan k okay Ate Olive.

"ha-ha? Ano yun, ate?'" nauutal ko pang sabi sa kanya. Natatawa siya pero pinipigilan niya lang. Problema kaya nito, tanong ko sa isip ko.


"Kanina pa kita tinatawag pero tulaley ka lang dyan. Si Jaros ba?," usisa ni Ate Olive.

Kilala ng mga karoom ko si Jaros, pano ba naman kasi sa tuwing pupunta ditto yung dalawang bruha ay abo tang banggit na crush ko nga daw si Jaros. Kung alam lang nila kung sino ang gusto ko talaga. Haha.


"Hala, hindi ate. Iba 'to. Sana nga si Jaros nalang pinoproblema ko eh o kaya si Michael," malungkot na sabi ko sa kanya. Kilala din nila si Michael kasi madalas nga dumalaw ditto si Michael or sunduin ako.

"Mukhang malalim yan ah," sabi niya. Napansin kong nakagayak na si ate olive, papasok na siguro siya maya-maya.

"Alam mo namang pwede mo akong lapitan anytime diba?," may concern na sabi niya sa akin. Ateng ate ang dating.

"Oo naman, ate. Sige gagayak na ako. ANong oras na din kasi," sabi ko para matakasan na yung topic. Hindi pa kasi ako ready na magopen up eh.

"Ok. Ako naman papasok na," sabi niya. "May tinira pa nga pala kaming lunch dun sa kitchen. Napapansin kasi naming na matamlay kang kumain lately," paalala niya pa.

"Ubusin mo ah? Bye."pahabol niya pa bago tuluyang lumabas ng room namin.

Kumain muna ako bago tuluyang gumayak at gaya ng sabi ni Ate Olive inubos ko yung nakahain. Para akong ilang taong hindi kumain. Nahawa na yata ako kay Apolonia. Haha.

Dalawang subjects lang ang meron ako ngayong hapon pero hanggang gabi naman yung last subject. Business Law kasi yun. Mabuti nalang may mga nakakasabay pa akong kaklase pauwi kaya safe naman.

Hindi ko feel maglakad ngayon papasok, kaya pumara ako ng trike.

"Kuya BA po," sabi ko sa trike driver. May engineering student nang nakasakay na isa sa loob. Umusog siya para may maupan ako. Ganito talaga sa campus namin, pwede kang may kasabay na other students at mas mapapamura ka sa pamasahe pero may special trip din naman kung gusto mo.

Nasa hagdan na ako papanik ng room ng makasabay ko yung isang grupo ng mga kaklase ko.

"Ang aga mo yata Lona?," bungad sakin ni Dianne na medyo kaclose ko. Kaibigan nila si Winona.

I like you (Short story) (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon