Chapter 10- REVELATIONS
A/N: Hello there girls, last chapter na ito then epilogue na po. Kaya hinabaan ko na din siya. Haha.
Sana po nagustuhan niyo yung story nina Allona at Loraine kahit hindi naging maayos yung samahan nila.
Muli po, maraming salamat sa pagbabasa. 🙂
Much love, author 😊
Busy ang buong section namin today para sa preparation ng sem-ender celebration namin.
Dito napagbotohan ng majority sa Water Splash Hotel and Resort ganapin ang party na malapit lang rin sa univ naming para makasama ang lahat.
Overnight ito, pero yung iba uuwi din agad dahil hindi sila pinayagan ng mga guardian nila. Buti nalang kami nila bes pinayagan at may bonus pa- si Michael. Friend pala ni Michael si Eros kaya naisama naming siya sa celebration hindi naman kasi ito KJ kaya ayos lang daw. Lalo tuloy akong nabuhayan para sa #APROS haha! I ship APROS na talaga. Haha!
"Ngumingiti ka mag-isa dyan?" puna sa akin ni Winona na kasam ko ngayon sa kitchen. Nag assign kasi ng duties per group para mapabilis yung preparation. At lately napapansin ko na nagiging clingy sa akin itong si Nona. Kalat nga sa room naming na crush daw ako nito, pero mas pinapahalagahan ko yung friendship naming kaya nakikisakay ako sa pangaasar nila. Maganda din naman tong si Nona eh, pero iba kasi talaga yung gusto. *yung pag-aari na ng iba*
"Inaalala ko kasi yung memories natin together," sabi ko sa kanya na ikinablush niya agad. Haha. Bilis naman bumigay nito. "Tse kainis ka" kunwaring naaasar na sabi nito. Nakakatuwa talaga pagtripan to. Haha.
"Yiee. Pakipot" pangaasar ko pa lalo sa kanya sabay kiliti ng slight sa tagiliran niya. Masaya na sana yung pagkukulitan naming kaso may biglang SUMINGIT. Nagseselos yata? *OKAY, umaasa na naman ako* *pout*
"Hindi 'to oras ng harutan" mataray na pagkakasabi nung sumingit. Ang sungit talaga, sa loob-loob ko.
"Oo nga naman kasi bes" segunda naman ni Apolonia na bukod pala sa pagsasalita habang puno ang bibig ay mahilig na rin makisawsaw sa usapan ng iba. Ngud-ngod ko sa nguso ni Eros to eh. Haha! Sumulyap pa si Apol kay Jor na para bang may something sila na pinag-uusapan.
"May jelly ba kayo dyan?" out of the blue na tanong naman ni Jor-jor.
"Jelly? Aanhin mo naman bes? Cravings?" sunund-sunod na tanong ko dahil naguguluhan ako sa kanya. Nagtinginan na naman sila ni bes jor at sabay na tumawa. Inirapan naman sila ni Loraine na pulang pula ang mukha sa inis.
Ano ba problema ng mga tao na'to? Para silang nakadrugs. Sinabihan pa ako ng 'slow'. Ano kaya yun?
Makalipas ang ilang oras, nagkakasiyahan at busy na ang lahat sa kanya kanyang mapagkakaabalahan sa resort na nirentahan ng section namin.
May mga umiinom, nagsu-swimming, sumasayaw, kumakanta, kumakain at kung anu-ano pa.
Humiwalay muna ako sa mga tao dahil nahihilo na ako sa nainom ko. Umupo ako sito sa may part ng pool na wala masiadong tao at ibinabad ko yung paa ko habang may hawak na bote ng beer sa kamay ko. Hay. Relaxing.
Napatingin ako sa gawi ng dance floor at napansin na yung dalawa kong bes ay parang mga bukate na binudburan ng asin kung magsikislot dun. Haha. Hindi rin nakatakas sa paningin ko yung amused na mukha ni Eros habang nakatingin sa kumikislot na si Apolonia. #APROS. *I smell something fishy* Haha. Mukhang ako yata ang tatandang dalaga ah?
BINABASA MO ANG
I like you (Short story) (gxg)
РазноеThis is obviously a girl to girl story. A short story to be exact about two college girls whose either gonna take a risk for falling or leave as fast as falling.