Chapter 8

285 7 0
                                    

Chapter 8- SAKRIPISYO AT DESISYON

LORAINE'S POV

Dahil lang sa mga pasimpleng tingin niya sa akin. Nakuha niya yung interes ko at ginusto ko talagang maging kaibigan niya. Higit pa nga yata dun eh, at hindi ko inasahan o plinano yun. Bigla nalang akong nafall. Sobrang charming niya naman kasi, ang sarap niyang mahalin. Hay.

Pero magulo pa ang sitwasyon, pati na rin ang isip ko. Sana makapaghintay pa siya hanggang sa maayos ko yung sarili ko.

Nagseselos siya kay Lloyd, pero kasi hindi ko pwedeng basta iwan si Lloyd dahil bukod sa napalapit na siya sa akin may mga bagay siyang pinagdadaanan.

Ni minsan hindi siya pinahalagahan ng pamilya niya, lagi siyang iniiwan ng mga nakakarelasyon niya dahil daw weird siya at hirap siyang makisama sa iba. Kaya nga natuwa daw talaga siya nung pumayag akong maging kaibigan niya, may gusto nga din daw siya sa akin pero hindi ko ine'entertain yun.

Ang gusto ko lang ay yung maiparamdam sa kanya yung kahalagahan niya para naman mawala yung self-doubt niya. Sana nga natutulungan ko siya sa ginagawa ko dahil nasasaktan ko si Allona sa paglapit sa kanyan. Dapat lang na maging worth it yung pagsa'sacrifice ko.


Pero sobrang thankful ko talaga kay Ma'am Aldos dahil parang siya yung naging way nung pagiging close namin ni Allona. Remember siya yung naggroup samin for reporting sa major subject namin?

Tuwang-tuwa ako nun pero hindi ko ipinahalata dahil baka magtaka si Allona kasi di pa naman kami close that time.

Dahil din sa reporting na yun kaya nakuha ko yung number niya which is double ang benefit sa akin. Kasi naging friend ko na siya, mataas pa yung grades naming dalawa.

Naging "baby" pa nga ang endearment ko sa kanya. Ramdam ko yung kilig niya pag tinatawag ko siya nun at pag magkakalapit kami. Ako din naman eh kinikilig. Hihi.

Mas natuwa ako sa kanya nung first time ko siyang ihug at ikiss sa harap ng classmates namin. 

FLASHBACK

Masigla na naman ako today kahit hapon na.

"Ui ang saya mo ah? In love lang 'te?" puna sa akin ni Annie na karoom ko sa dorm.

Sabi ko sa inyo masaya ako eh. Haha. And yup, nakadorm ako since malayo yung bahay naming dito sa univ. Luckily, nasa loob naman ng campus yung dorm kay safe ito.

"Grabe ka. In love agad girl?" nagtatakang sabi k okay Annie. "Hindi ba pwedeng inspired muna?" dagdag ko pa sabay ngiti ng pakatamis-tamis. Haha.

"Huwaw! Hedi ikaw na may HENS-PI-RES-SHOWN," exagge  na pagkakasabi niya. "Ikaw na talaga, sayo na ang korona." Sabi niya kaya pareho kaming natawa.

"Nakaktuwa ka talaga, Annie" sabi ko sabay pisil sa pisngi niya na bahagyang namula. Pero iba pamumula eh, nagblush yata?

"Hoy natulala ka na diyan?! Crush mo 'ko noh?" pangaasar ko pa kaya lalo siyang namula. Ang cute niya.  Don't get me wrong ah? Talagang cute naman siya eh.

Iniwan ko na siyang nakatulala dun at nagsimula nang maglakad papuntang BA. Isusurprise ko pa si baby Mendez. Haha.

Habang masaya akong naglalakad at nagi-imagine sa magiging reaksyon ni Allona, biglang may sumulpot na halimaw na todo ang ngiti sa akin.
Kailan pa nagkahalimaw dito sa univ naming, tanong ko sa isip ko. Haha.

Binalingan ko yung halimaw na hanggang ngayon ay todo pa rin ang ngiti sa akin. Haha.

"Hi Loraine," bati ng halimaw sa akin. HAHA! Oo na, hindi na siya halimaw, mukha lang.

HAHA! Siya si Lloyd Sison, classmate naming at nagpupumilit maging close sa akin. Hindi naman ako ganun kamaldita para sungit sungitan siya kaya naman pinapansin ko siya at kinakausap.


Mabait din naman eh. "Sabay na ko sayo maglakad ah." Dagdag niya pa.

"Hi Lloyd," ganting bati ko naman. "Sure, sabay na tayo." Dagdag ko pa.

Kahit gusto kong tumanggi, hindi ko na ginawa. Ayoko lang naman kasi Makita kami ni Allona na magkasama. Ewan ko kung bakit. Luhh, concern na talaga ako sa kung ano ang nararamdaman ni Allona. Iba na yata to ah.

Pagdating naming sa BA nauna na akong pumanik papuntang room at iniwan na si Lloyd sa baba. Natanaw ko na kasi na pumanik yung grupo nina Allona. Pag lapit ko sa kanila sakto naman na nakatalikod si Allona, tamang tama sa plano ko. Haha. Tinakpan ko agad yung mga mata niya sabay kiss sa psingi niya.

Para-paraan ka girl, sita ng isip ko sa akin. Na lalong ikinalapad ng ngit sa labi ko.

Napansin ko na nagblush siya. Kinilig yata. Pati tuloy ako kinilig sa ginawa ko. Bumitaw ako sa kanya at nag hi, tapos hinug ko siya.

Ang bango niya kahit cologne lang gamit at kahit hapon na. Mas lalong namula yung pisngi niya nung kumalas ako at ngumiti ng super sweet sa kanya. Cute.

Sinamantala ko yung pagba'blush at bumulong ng "You're blushing baby." Haha!

Nice move!

Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya habang nakatulala.

Habit ko na yata ang magpakilig ah? Haha.

END OF FLASHBACK

Kung kalian maayos na sana lahat, saka naman ako inataki ng kaduwagan at takot. Takot na baka hindi ako enough para mapasaya siya at para masabing deserve ko siya. Takot sa sasabihin ng iba at takot nab aka ipagtabuyan niya.

Alam kong sobrang attached na siya sa friendship na meron kami pero hindi ko ata kakayanin na ako mismo ang makasakit sa kanya dahil lang sa confusion na nararamdaman ko ngayon sa sarili ko- sa pagkatao ko.

Nanghihinayang ako sa happiness na pwede niya sanang maexperience sa piling ng iba kaysa magpakulong lang sa walang kasguraduhan na bagay kasama ako. Ayoko siyang ilead sa bagay na ako mismo hindi alam kung san yung patutunguhan.

Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako ng biglang may magpunas ng mga luha ko. Nginitian ko siya kahit pilit.

Salamat Lloyd. Sabi ko sa taong pumunas ng luha ko at niyakap niya ako bilang ganti.


"I've made up my mind."

A/N: Thanks for reading. 🙂

Pov pa rin siya ni Loraine para naman alam natin yung side niya sa story. 🙂

Please promote the story. 😊

Much love, author 😊

I like you (Short story) (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon