Chapter 2

424 7 0
                                    

Chapter 2- NUMBER

Ang rude ko. Ngayon ko lang na realize. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo formally. Ako nga pala si Allona Louise Mendez, 19 years old at kasalukuyang kumukuha ng kursong Business Administration sa isang university sa Nueva Ecija.

One month na ang nakalipas simula ng magpasukan. At eto nga, sobrang bangag kami nila bes sa dami ng ipinagawa sa isang minor subject namin. Nakakaloka talaga, mas parang ito pa yung major. Haha. More ang lafang naming ngayon sa isang food cart malapit sa college naming (College of Business Adminidtration).

Vacant kasi namin at eto ang favourite habit namin-lalo na  ni APOLONIA, HAHA- ang kumain. Naglalamangan pa sila sa dami ng inorder na fries, hotdog at kikiam. Grabe! Haha.
"Hoy baka naman maempatso kayo niyan." Natatawang sabi ko sa kanila. Kung ano-anong klase kasi ng pagkain ang binibili. "Tas mamaya magshe'shake at manga pa kayo. Maawa kayo sa sikmura niyo." dagdag ko pa.

"Olom mow besh kong gotom ko, komoon ko long," hindi maintindihang sabi ni Apolonia dahil puno lang naman po ng kung ano yung bibig niya. Kadiri.

"Kadiri ka naman, Aps" umiirap na sabi ni Jor-jor na parang kinakampihan ako. Haha. "Grabe kayo. Gutom lang kasi ako talaga," pagtatanggol pa ni Apol sa sarili niya. Nagtinginan kami ni Jor dahil sa sinabi niya.

"Kailan ka ba hindi na gutom ha Apolonia?," may pang-aasar na sabi ko kay Apol.

"Ang sama niyo sa akin ah. Tandaan niyo yan. Saka pwede ba APOL nalang. Nakakainis ka naman Lona eh." Medyo inis na sabi niya at inemphasize pa talaga yung 'APOL'. HAHA! Hindi nalang ako kumibo pero nagtatalo pa rin silang dalawa habang kumakain. Bahala nga sila dyan, mangangarap nalang ako. Haha.

Nakita at nakasama ko na naman SIYA sa klase kanina. Kinilig na naman ako kahit hindi naman kami nag-uusap at simpleng ngitian lang. buti pa sina Jor at Aps nakakausap niya. Naiinggit tuloy ako. Ilang taon na kaming magkaklase pero nahihiya pa din akong iapproach siya kahit ang friendly niya.

Naalala ko pa nung nginitian niya ako nung enrolment na dahilan ng pagkakadulas ko sa hagadan. Aist ang epic talaga nun. *face palm* Nekekeheye nemen kese ehhh. Haha! Pero I'm hoping beyond hopes na sana this semester makaclose ko naman na SIYA.

SIYA lang naman si Loraine Gomez, ang aking sinisinta. Char! Yes guys, BABAE SIYA. Since last year crush ko na siya. Pero wala pa rin akong ginagawa para mapalapit sa kanya. Wala naman kasing nakakaalam na bisexual ako. Tanging ako lang, maliban nalang siguro kung may nakakahalata pero imposible yun dahil I never had a girlfriend. Si Loraine nga sana ang gusto kong maging una. Haha. Charaught, ang landi ko. Haha!

Ang hirap nga lang na wala ka man lang mapagkwentuhan pag kinikilig ka o nalulungkot.

*Trrrttt trttttt* (phone vibration) HAHAHAHA! *WAG KAYONG NGUMITI DYAN!*​

From Michael: Hi Princess. Dinner tayo later ah? Please. 🙂

Siya lang naman ang dakilang manliligaw ko na hindi ko na maalala kung ilang beses ng nabusted. In fairness, persistent po siya. Haha! At siya nga daw po ang nakatadhana kong PRINSIPE, tinatawanan ko nalang siya pag ganun. Kasi hanggang kaibigan lang talaga yung tingin ko sa kanya, parang guy bestfriend ba. And mind you, for keeps din yang lalaki na yan parang sina bes.

To Michael: Sure. May sasabihin na din tuloy ako sayo. 🙂
Nagreply ako. Siguro it's time na para may mapagsabihan ako.

From Michael: Thank you, princess. Buti pumayag ka. Super thank you. 🙂

Hindi na ako nagreply sa text niya dahil papasok na din kami sa last subject naming at yung dalawa iaantok na daw. Pano ba naman busog na busog. Kasisiba kasi. Haha!

"Magkakaroon kayo ng reportingnext meeting para naman hindi palagi ako ang nagsheshare ng knowledge sa class. Gusto ko pati kayo may mga ishare din," panimula ni Ma'am Aldos na todo ngiti ng pumasok siya sa room.

"Sus. Kunwari pa si Ma'am. Style niya bulok. Puro reporting lang naman talaga pinapagawa niya every sem." Bulong ng kaklase kong si BJ. Haha. Loko talaga yun. Pero totoo nga naman na every sem nagpapareport lang si Ma'am, puro itnro lang dinidiscuss niya. Kaloka. Haha. #CollegeProfessorTactics HAHA!

"Any questions?," inquire ni Ma'am sa amin. May nagtaas ng kamay, "Ma'am kayo po ba ang pipili ng magka'kagroup?" tanong ni pabibo Eros na siyang class president naming. Bigla tuloy kaming nagtinginan nila bes, at nagngitian. Alam na. haha!

"Ahmm, yess. Ako ang pipili at may list na ako ditto. By two's lang this time" Sabi niya pa na ikinagulat namin. Usually kasi by 3 or 5 ang reporting dahil per group isang chapter. Wow, parang gusto ko na bigyan si ma'am ng ULIRANG PROFESSOR AWARD. HAHA! *note of the sarcasm*

At grinupo na nga kami ni Ma'am, nagblush ako agad marinig palang kung sino ang partner ko. Akala naman nung dalawang bruha ay si Jaros na crush ko nga.

"Magtigil nga kayo. Hindi naman si Jaros eh, si Loraine kaya," paliwanag ko pa sa kanila. "Aruuuy si bes nanghihinayang na hindi si Jaros," dagdag pa ng malditang si Apolonia.

"Tigilan mo ako, APOLONIA. Ikaw nga si Eros ang partner eh. Haha," sumama agad ang mukha niya sa pangalan niya yata o sa pagkarinig ng name ni Eros. Hahaha! "HashtagAPROS," dagdag ko pa at nalukot na nga po ang mukha niya na mukhang PUG. HAHAHA! *labs kop o si aps* haha.

"Winner ka bes," sabi naman ni Jor na si Winona ang nakapartner. Sabay naming pinagtawanan si Apolonia. Haha! Ang sama ng tingin niya samin, mukha siyang papatay. Haha!

"Ui," singit ng isang malambing na boses na sobrang kabisado ko at nagpapabilis sa tibok ng puso ko. Natulos na ata ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw.

Jusmeyo, Allona Louise mukha kang tuod, sita ng isip ko.

Manahimik ka. Neheheye nge kese eke, ganting sabi ko sa isip ko. Pati si heart nakikisabay. Ang bilis ng tibok. Kinalma ko muna yung sarili ko bago siya hinarap.

"He-he-hey! Ikaw pa-partner ko diba?!" medyo napalakas yung tono ko either because of excitement or sa kaba. Punyeta nagstummer ako sa harap niya at nagmukhang TANGA. Way to go. Allona.

"Yup. Hihingin ko sana number mo kasi may lakad pa ako eh. Text text nalang sana, " Malambing na sabi niya. Omg. Mas lalo aking kenekeleg. Hihi.

"Sure, here oh," sabay abot ko ng piraso ng papel na may number niya. Medyo nahawakan ko yung kamay niya kaya ramdam ko ngayon ang pagbablush ko. Mabuti nalang umalis na agad siya after niya yun abutin at hindi rin nahalata nung dalawang bruha yung uneasiness ko.

Gosh!

A/N: Chapter two done. 🙂
Ano kaya ang mangyayari ngayon na naging magkagroup sila?

Please vote po. And wag po kayong mahiyang magcomment or magpm sa akin.  Pwede din po kayong magsuggest if you want.

Sana po ishare niyo din sa mga fellow readers niyo itong simpleng story na naisulat ko.

Much love, author 😊

I like you (Short story) (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon