Chapter 6- WOW
Isang lingo na ang nakalipas pero ganun pa rin kami ni Loraine. Hay.
Malapit ko na rin makumbinsi yung sarili ko na ako talaga yung may nagawang mali o maling nasabi kasi ayokong sumama yung tingin sa kanya dahil kahit naman iniiwasan niya ako ngayon, maganda naman yung pakikitungo niya sa akin noon.
Hindi ko tuloy naiwasan magkwento kay ate olive nung minsan. Tanggap niya ako at pinayuhan niya pa ako tungkol nga sa mga nangyayari samin ni Loraine. Ang sarap sa feeling na may pwede na akong mapagsabihan ng hindi ako hinuhusgahan.
Ayos na kami ni Michael ngayon at naipaliwanag niya na kung bakit hindi siya nakapagparamdam ng ilang weeks, hindi naman pala intentional or whatsoever. Napraning lang ako, in fact magkasama pa nga kami ngayon dahil nagkataon na vacant naming parehas. Alam niya na din yung about kay Loraine at palagi niya akong iniinis dahil dun. Papansin po talaga siya. *pout* Wag tularan. Haha.
"Hoy princess. Diba sabi ko naman sayo wag ka na magtampo at talagang busy lang ako nung panahon na hindi kita kinakausap?," sabi ni Michael na papansin. Haha. "Nag explain na ako princess ah? Wag ka na sad," dagdag niya pa na parang ginawa akong bata sa tono ng pagkakasabi niya. Papansin talaga eh. *pout*
"Ikain mo nalang yan hano? Gutom lang yan eh," sabi ko sa kanya sabay sumpak ng tinapay sa bibig niya. Haha. Serves him right.
"Bastos kang bata ka ah," tatawa-tawang sabi naman niya. Natawa din ako lalo sa itsura niya. Haha. "Pero wag ka na kasing mahiyang aminin yung tampo mo sa akin "hirit niya pa. Ayaw talagang paawat haha.
"Salamat talaga ah kasi lagi kang nandiyan for me," super seryoso at with feelings na sbai ko sa kanya. Pero ang damoho tinawanan lang ako kaya todo busangot ang mukha ko. "Grabe ka ah," may tampong sabi ko. Natawa ulit siya. Ang epal. *pout*
"Wag ka na bumusangot prinsesa ko. Natuwa lang ako kasi napaka sincere ng pagpapasalamat mo. Na'touch ako," sa waks ay seryosong sabi niya.
"Hanggang ngayon prinsesa pa din ang tingin mo sa akin ahit na unggoy nanakawala lang sa isang zoo ang tingin ko sayo," nagbibirong sabi ko sa kanya. Turn naman niyang magpout. Ang laswa, mukhang puwet ng manok. HAHAHA!
"Ang sama mo sakin. Pero oo, ikaw lang ang forever princess ko at umaasa pa rin ako sayo," seryosong sabi niya. Hindi ko lang sure kung pati yung 'umaasa' part. May lungkot sa mga mata niya, hay.
Nandito na ako sa room ngayon, hinatid ako ni Michael at dumiretso na siya sa College of Education.
"Hi bes, san si Jor?," tanong ko naman kay Apol na busy sa phone niya. Nag angat siya ng tingin sabay sabing, "Andun, busy. Luma'love life eh. Paraing ikaw," Madalas kasing wala si Jor dahil diba nga nabanggit ko na may umaaligid na sa kanyang guy?
"Gagita pugita ka. Wag mo nga ako itulad kay bes," sabi ko sa kanya. Kung alam niya lang talaga ang estado ng puso ko. Haha. In time bes, in time.
"Sabi ko nama kasi say okay Eros ka nalang eh. Maganda magiging future mo dun bes. Saka para di ka nabibitter sa amin ni jor-jor," nang-aasar na sabi ko sa kanya. Lalo naman sumama ang mukha niya. Haha. Kahit naman kasi pabibo at tigyawatin si Eros ay mabait din naman siya.
"Magma-madre nalang ako. Please lang, wag siya," sabi niya na bahagya namang nagblush. Pakipot pa eh. Haha, choosy din ah? "Balita ko nga kay Jor siya ang first kiss mo eh, totoo ba?," kunwari ay inosenteng tanong ko kahit pa ako may kagagawan ng lahat. HAHA!
Nadoble ang pula ng chubby niyang pisngi. *hmm, may ganap na ah* haha.
Bago pa siya makareact dumating na si Jor-jor na malapad na malapad ang ngiti sa labi, ikinabusangot naman yun ni Apoloniang bitter. Susme. Tatandang dalaga ata tong si Apolonia. Haha.
"Mag attendance check na tayo," sabi ni Sir Felicidad na nasa room na pala. Filipino ang subject namin ngayon. Pagkatapos nun ay may inilabas siyang folder mula sa bag niya.
"At dahil malapit ng matapos ang semestreng ito, magbibigay ako sa inyo ng proyekto," nakakagulat na anunsyo ni sir. Banaman, magbabakasyon na may pahabol na project pa eh halos ito na nga ang major naming. Reklamo ko sa isip ko.
At pag tingin ko sa mga kaklase ko, mga busangot ang mukha. Pare-pareho ata kami ng nasa isip. Haha.
"Pakinggan niyong mabuti kung sino ang makakagrupo niyo. Ako na ang nagbukod bukod sa inyo dahil malamang ay mga barkada niyo ang gugustuhin niyong kasama.," sabi pa niya. Ganun naman kasi talaga sa room, mas masaya naman kasi talaga gumawa ng project pag barkada kasama. Psh.
Nung marinig ko na hindi ko kagrupo sila bes, hindi na ako nakinig sa mga ina'announce ni sir. Wala pa naman kasi yung last name ko.
Pero ang ikinatutuwa ko, kagrupo ni Georgina at Apolonia si Eros. HAHA. I ship APROS na talaga. Haha.
"Mendez, Sison...at ang huling grupo ay sina De Guzman, Sanchez, at Tolentino." Dagdag ni sir.
Luhh, sino kaya yung isa kong kagroup bukod kay Lloyd? Di ko kasi masiadong narinig dahil sa tuwa na magkagroup si eros at apol eh. Haha.
Sana naman masipag din na gaya ko yung isa pa naming kagroup. *oopss, bawal kumontra, ako bida ditto* HAHA!
Nakakaasar kasi si Lloyd na lagging nakadikit sa reyna ng buhay ko na si Loraine.
Inggit ka lang kasi nakakalapit siya, sabtat ng mahadera kong isip.
Oo na, inggit na ako. Pero sana naman no ako kampihan mo minsan, sarcastic na sagot ko sa isip ko. Kainis lang kasi.
Lumapit ako kay Lloyd para itanong kung sino yung isa naming kagroup at para na rin sana magmeeting about sa project, pero sig ago busy sa pagtitig kay Loraine. Sarap tanggalan ng mata. Selos na selos na ako.
Nung hindi pa rin niya ako napapansin dahil busy siya kay Lorss, kinalabit ko na siya at tinanong kung wala bang meeting.
"May meeting tayo. At yung isa pa nating kagroup ay si-," naputol yung sasabihin niya ng may sumingit sa usapan.
"Ako," bored na sabi nung babaeng katabi niya which is si Loraine. Nagulat naman ako.
"Wha-," naguguluhang reaksyon ko pero sumingit ulit siya. Bastos ay. Napabusangot nalang tuloy ako. *pout* *pero syempre cute pa din ako noh* HAHA! Pagbigyan!
"Wag ka na magreklamo and stop pouting," mataray na sabi niya na mas lalo kong ikinapout. Kinagat naman niya yung labi niya. Problema kaya nun, tanong ko isip ko.
"O-o-okay." Kabadong sabi ko nalang.
Bakit ba kasi sila pa nakagroup ko? *pout*ANG SWERTE KO *take note of the sarcasm*
A/N: Thanks for reading. Feel free to leave a comment or suggestion po. 🙂
Much love, author 😊

BINABASA MO ANG
I like you (Short story) (gxg)
RandomThis is obviously a girl to girl story. A short story to be exact about two college girls whose either gonna take a risk for falling or leave as fast as falling.