Chapter 7- FLASHBACK
A/N: First POV of Loraine. Enjoy reading. Feel free to leave a comment.
Much love, author 😊
LORAINE'S POV
Torture. Yan agad yung naisip ko nung narinig ko na makakagrupo ko si Allona sa last project namin sa Fili. Pout pa siya ng pout kanina, hindi ba siya aware na kapag ginagawa niya yun ay nakaka-tempt na halikan siya? Para talagang ang inosente niya.
At alam ko rin na nagseselos siya sa amin ni Lloyd, wala nalang rin akong magawa dahil napalapit na rin sa'kin yung halimaw-slash-mokong na yun.
Oo alam ko, dahil kahit naman umiiwas ako, hindi ko maatim na hindi siya kamustahin o alalahanin kahit pa ibang tao yung gumagawa nun para sa akin.
Pinakiusapan ko kasi si Emilia na bff ko para laging bantayan si Allona. Masakit para sa akin marinig na nawawalan siya ng focus sa pag-aaral at ng gana sa pagkain dahil sa akin. Doble yung sakit para sa akin.
Nakwento ko na kasi sa kanya yung about sa pagliko ko ng daan at pagkafall sa charm ni Allona. Tinanggap naman niya ako dahil halos bata palang kami siya na ang bff ko. Lagi niya nga ako pinapayuhan eh at pinapasaya sa tuwing namimiss ko si Mendez.
Grabe na din kasi yung friendship na meron kami sa loob ng isang sem na 'to at ayoko mawala lang yun pero mukhang sa pag-iwas ko pati friendship na inoffer ko sa kanya pinagdududahan na din niya.
Wag sana kayo magalit sa akin sa biglaan kong pag-iwas kay Allona. I have my reasons naman na para sa akin ay may halaga.
Hindi ko rin ginusto maging cold sa kanya, pero wala akong choice.
May choice ka pero mas pinili mong layuan siya, sabi ng konsensya ko. Hay. Pati si konsensya masama ang loob sa akin.
Sa maniwala po kayo o sa hindi, hindi ko ginusto na magkaganun lahat. I value friendship too much, para sa akin kasi it's as important as your relationship to your family. Kaya nga yung friendship namin ni Emi ay umabot ng ganito katagal.
Gusto ko na kung sakaling igi'give up namin yung pagkakaibigan namin para sa isang relasyon ay sigurado kami parehas. Lalo na ako, dahil ayoko nga masayang lang yun kung hindi rin lang naman pala ako sigurado sa nararamdaman ko for her. Tao lang din naman ako, naguguluhan at nagkakamamali din.
At wag niyo rin sasabihin sa akin na madali lang naman ipaglaban yung ganitong klase ng relasyon. Kasi alam niyo sa mga sarili niyo na hindi ganun kadali ang lahat sa tunay na buhay. Hindi ganun kadali mag out sa family mo sa malaki ang expectation sayo, masakit Makita yung disappointment na pwede nilang maramdaman maging yung pagtutol na maari din nilang sabihin.
It takes a great amount of courage and effort, at yun ang kulang pa ako kaya nga umiiwas muna ako. Gusto ko maayos at buo na ako pag nahulog na din siya sa akin which is nangyari na nga ata.
At sobrang saya ko kung mutual pala yung nararamdaman namin, kahit naman hindi gagawin ko pa rin ang lahat maging mutual lang yun, lalo na kapag buo na ako at kaya ko ng ipaglaban siya sa lahat.
Buong buhay ko, as in sa 19 years ng existence ko akala ko miyembro ako ng tuwid na daan, pero hindi pala. Isipin niyo nalang kung gano kahirap para sa na tanggapin yun. Nakakaduwag sa totoo lang, dahil bago ako sa lahat ng 'to.
Ayoko rin namang biglain si Allona dahili nitong sem lang kami naging close. Pinoproblema ko pa yung papalapit na bakasyon, nab aka umabot yung bakasyon ng hindi pa din kami nagkakaayos.

BINABASA MO ANG
I like you (Short story) (gxg)
RandomThis is obviously a girl to girl story. A short story to be exact about two college girls whose either gonna take a risk for falling or leave as fast as falling.