Chapter 9

272 8 3
                                    

Chapter 9- BROKEN

A/N: Back to Allona's POV na po. 🙂

Enjoy reading. Naiyak ako honestly sa part na to eh. Hahaha. Sorry for spoiling. 😅

Much love, author 😊

ALLONA's POV

Kung inakala ko na magiging okay na kami dahil naging magkagrupo kami, pwes mali na naman ako ng akala. Buti hindi pa ako nate-tegi, lagi kasi akong mali ng akala. LOL.

Sobrang sakit mabalewala. Ni hindi ako makakain ng maayos at makapagfocus sa studies ko dahil sa sobrang lungkot.

Imagine pati yung friendship na meron kami at pinanghahawakan ko, unti-unti na ring kumakawala sa pagkakahawak ko. Pero kinakaya ko pa din sa paniniwala nab aka may iba lang siyang problema at nadadamay lang ako.

Kahit wala muna yung relasyon, ayos lang sa akin basta yung friendship andun pa, natira pa. Kasi yung nararamdaman ko naman para sa kanya kaya ko pa gawan ng paraan yun eh, kaya nga may 'move on' diba?

Maibabaling ko pa sa iba yun, pero yung tiwala ko para sa kanya na unti-unti ng nawawala? Hindi ko sigurado kung kaya ko pang ibigay ulit sa kanya yun.

Hindi pa kaya sapat yung pagkakaibigan na ino'offer ko sa kanya at maski kaunting oras at atensyon niya ay hindi ko makuha? Am I not worthy? Mukhang ganun na nga. Hay.

"Ui bes. Baka naman magtampo yung grasya niyan sayo. Iniiyakan mo na naman eh." may concern na sabi sa akin ni Jor na nagpabalik sakin sa present time.

"Oo nga naman bes. Kung gusto mo pwede naman na ako nalang yung umubos ng food mo. Saying kasi eh. He-he," segunda naman ng masiba na si Apolonia.

Natawa tuloy ako ng slight, ang berat kasi eh. Haha. Walang pinapalampas na moment para sa pagkain. Kakaibabe. Haha.

"Concern ka ba talaga o sadyang gutom na gutom ka lang?" usisa naman ni Michael dito na kasama din naming ngayon. "Both?" patanong naman na sagit ni Aps sabay pacute pero nagmukha naman pug. HAHA!

"Ang PG mo talaga bes" dagdag pa ni Jor. "Sorry ah?Bawal na ba ako magutom?" sagot naman ni Apol. Magsisimula na naman sila sa mini gera nila. Kailangan ko na umeksena.

"Guys. Tama na nga yan. Panira kayo ng moment eh," sita ko sa kanila. Mabuti at nakinig. "Salamat sa mga concern niyo, seriously. The best kayong tatlo." dagdag ko pa habang nakatitig lang sila sa akin. Creepy. Haha.

"At please lang, wag niyo titigan na parang alien. Oh eto Aps, sayo na yung food ko busog pa naman kasi talaga ako." Sabi ko. Agad naman na dinampot ni Apol yung plate ko kaya tinignan siya ng masama nung dalawa. Masiba talaga si bes. Haha.

Baka hindi na ligawan ni Fruity Eros yan (FRUITYgyawat). HAHA! Pano na ang #APROS? HAHA!

"Princes, wag ka na kasi magdrama dyan. Kaya ka nga naming inaya na lumabas para di mo siya maisip eh. Tsk" may tampong sabi ni Michael.

"Kahit ngayon lang samin naman muna tung atensyon mo ng buo" pahabol niya pa.

Tama siya, kailangan mag-enjoy naman din ako dahil nagiging unfair na ako sa kanila. Ngumiti ako sa kanila kahit pilit as a sign na payag ako sa gusto nila na mag-enjoy.

Nandito kaming apat sa paborito naming restaurant dahil na rin sa kakulitan nilang tatlo kaya sumama ako. Mas gusto ko pa sana umiyak nalang sa boarding house pero ayaw nila ako payagan. Mga epal. Haha.

I like you (Short story) (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon